AIRA's POV
Nagising ako ng maaga para maipaghanda ng almusal ang dalawang bata alaga ko. Usually pag umaga cereal lang ang kinakain nya saka milk. Pero ngayon nagluto ako ng normal na breakfast para saamin tatlo.
Habang inihahanda ko sa mesa ang agahan namin ay narinig ko bumukas na yung pinto ng silid namin. Pagtingin ko doon nasa labas na sya ng pinto na mukhang antok na antok pa ang itsura.
"Good morning !" Pasigaw na bati nito saka nag unat ng kamay. Napangiti nalang ako saka naglakad palapit sakanya.
"Good morning Hon. "Bati ko sakanya at saka ko sya kiniss sa cheeks na ikinangiti naman nito ng malapad pagkatapos mabilis nya naman ako kiniss ng smack sa lips.
"Good morning honey. "Naka all smile na bati nya rin saakin. Mukhang good mood na sya ulit. Buti naman.
"Mukhang maganda yung gising mo ngayon ah. "- Aira.
"Sympre. Kasi maganda yung panaginip ko. "Nakangiti pa rin sagot nito sabay kindat.
"Ano. ?"- Aira.
"Uhm. Sa panaginip ko nasa langit tayo. "Sabay ngisi nito at pinasadahan nya pa ng tingin ang katawan ko na ikinapula naman yata ng mukha ko. Hindi naman ako ganon katanga para hindi ko magets ang sinasabi nya.
"Loko ka. !" Hinampas ko sya sa braso.
"Aray.! Bakit. ?!" Angil naman nito habang hinihimas ang braso nya hinampas ko.
"Napakamanyak mo talaga. Pati sa panaginip minamanyak mo ako. ! "- Aira.
"Manyak. ? Sino manyak. ?"
Pareho nanlaki ang mata namin dalawa ng magsalita si Czarina mula sa likod na pupungas pungas. Natataranta tinakpan nya yung bibig ko.
"Wala ! Walang manyak dito. "- Diana.
"Meron ! Narinig ko sinasabi ni mommy. Siguro manyak ka no. ?"- Czarina.
Agad naman na tinanggal ni Didi ang kamay nya sa bibig ko saka namewang sa harap ni Czarina.
"Hoy bata ka ! Masyado ka mapagbintang. Hindi ako manyak ha. Saka ang bata bata mo pa napakachismosa mo na. Hindi ka ba naturuan ng nanay mo na bawal makinig sa usapan ng matatanda. ?saka bakit ka nagising ha. ?! Dapat natulog ka nalang maghapon para walang istorbo. "- Diana.
"Mommy oh ! Si tita Didi inaaway ako. "Sumbong naman ni Czarina.
Napabuntong hininga nalang ako saka ko nilapitan yung bata at inakbayan. Pagkatapos hinarap ko sya. Ang aga aga mag aaway nanaman sila.
"Didi, pwedi ba, ceasefire na muna kayo dalawa. Ikaw yung matanda pero mukhang mas isip bata ka pa sakanya. "- Aira.
Sumimangot lang ito pagkatapos umirap irap. Hindi ko alam kung bakit parati nalang nya inaaway si Czarina. Noong bata naman ito ay gustong gusto nya ito tapos bigla nalang nagbago habang lumalaki si Czarina. Kung sabagay hindi ko naman sya masisisi, naging matigas din kasi ang ulo nito batang ito.
Nagsimula lang naman ang pagkainis nya rito ng binasag ni Czarina ang aquarium na kinalalagyan ni Didi. Yung gold fish na binagay nya saakin. Nadatnan namin si Didi na wala ng buhay. May sentimental value daw kasi yun sakanya kasi yun ang unang bigay nya saakin. Kahit naman ako nalungkot ng mamatay si Didi, pero ano magagawa ko, hindi naman sinasadya ng bata na mabasag yung aquarium saka nagsorry naman ito. Yun nga lang hindi lang doon nagtapos ang kakulitan ng batang ito. Tinalian nya sa leeg si Ramboo ng napakahigpit saka hinatak hatak na muntik ng ikamatay ng pinakamamahal nya aso. Halos umusok ang ilong nito sa galit. Ngunit kahit gaano sya kainis at kagalit sa bata ay hindi nya rin magawang saktan ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/237415910-288-k518368.jpg)