DIANA's POV
"Hon, look ang cute. "Ipinakita nya saakin ang massage stick na angry bird ang design.
"Oo nga. Bagay nga sayo kasi parati ka angry. " pang aasar ko rito, ngunit mabilis nya naman ako pinukpok sa ulo ng hawak nya massage stick. Hindi ako nakailag kaya nasapol ako.
"Mapanakit ka talaga, alam mo yun.?"- Diana.
" oo alam ko yun matagal na. "Tugon nya naman pagkatapos inirapan nya ako. Ginaya ko naman ang kaartehan nya with maching tirik mata. Ngunit bigla din sya lumingon kaya mabilis ako umayos na parang wala lang nangyari.
"Anyway, I like it. Kukunin ko ito. "Saad nito saka nilagay sa basket na hawak ko yung massage stick tapos muli sya namili ng pwedi nya pa bilhin.
Nandito kami sa mall naggagala at dito sa Miniso kami napadpad.
Ngayon lang ulit ako nakapunta sa matatao lugar gaya nito. I feel like I'm just an ordinary person today. And we just an ordinary couple na ini'enjoy ang pagdidate sa mall at pagsashopping. Kaya nga lang kapag sya yung kasama ko sa pagsashopping ay sigurado matatagalan kami. Paano ba naman ang bagal nya pumili at ang dami nya gusto bilhin. At ako naman ito dakilang alalay nya at tagabitbit ng pinamili nya.Hinayaan ko nalang sya mamili, ako naman nagtingin tingin na din. Nakita ko yung yellow smiley travel pillow kaya nilapitan ko. Gusto ko yung kulay kaya bibilhin ko na.
"Pre, ang ganda ng chicks na yun. "
"Oo nga pre, ang kinis at saka ang puti. "
"T*ngina pre sarap pagpantasyahan sa gabi. "
Napatigil ako sa pagtingin tingin ng items ng marinig ko yung usapan ng mga lalaki. Hinanap ko yung pinanggalingan ng boses, nakita ko yung tatlong bagitong lalaki sa di kalayuan ko. Mga studyante pa ito base sa mga uniform na suot nila. Sinundan ko ang tinitignan nila na walang iba kundi si Aira. Kinukunan ng maputi lalaki ng litrato sa cellphone nya si Aira at yung mga tingin nila dito ay may pagnanasa. Medyo may kaiklian nga din naman kasi ang suot ni Aira damit ngayon, naka off shoulder pa kaya bilad bilad ang makinis nya balat.
Napatiim ang bagang ko, ibinaba ko yung basket na dala ko at naglakad ako patungo sa tatlong studyante at saka tumayo ako sa harapan nila na ikinakunot ng noo nila. Malamang natabunan ko ang babaeng tinitignan nila.
"Hey ! Pwedi ba tumabi ka jan. Nakakasira ka ng view eh. Badtrip to. "Inis na saad ng mestiso studyante.
"Oo nga ! Alis. !" Segunda pa ng moreno kasama nya. Namewang naman ang kasama pa nito isa na mukhang k-pop yung itsura. Kung tutuusin may mga itsura ang mga ito at mukhang sila yung studyante galing sa mayayaman pamilya. Maayos ang pananamit at mukhang sa presterhiyusong high school nag aaral.
Hindi nila ako makilala kasi may face mask ako suot at nakasombrero ako.
"Alam nyo ba masama ang kumuha ng litrato sa taong hindi nyo hiningan ng permiso na kunan sya ng litrato. ?"-Diana.
Ngumisi naman yung tatlo at nagtinginan pagkatapos muli ako hinarap ng mestisong binatilyo.
"Bakit sino ka ba sa inaakala mo ? May pamask mask ka pa, feeling k-pop artist. O baka naman ang pangit mo kaya hindi mo magawa ipakita yan mukha mo."Saad ng mestiso binatilyo saka naman nagtawanan silang tatlo. Nakisali din ako sa tawanan nila na ikinatigil nila tatlo pagkatapos hinigit ko yung damit ng matabil na bugok na studyante at saka ko inilapit saakin. Pare pareho silang nagulat sa ginawa ko.
"Ikaw, ang liit liit mo pero napakabastos ng bunganga mo. Isa pa, sa edad mo yan marunong ka na mangnasa ng babae. Baka nga supot ka pa. Patuli ka muna iho ha. ? At saka alam mo ba kung sino yung binabastos nyo babae kanina ? ASAWA ko sya. " Pinagdiinan ko yung salitang asawa na ikinalaki ng mata nya. Pagkatapos kinuha ko yung cellphone nya sa kamay nya saka ko sya tinulak patungo sa mga kasama nya.
