CHAPTER 31
SANYA's POV
Park...
Palinga linga ako sa paligid habang inaantay si Riri. Halos isang oras na ako nandito. 4 P.M ang sinabi ko oras na magkikita kami, quarter na ngunit wala pa rin sya.
Lakad
Upo
Lakad
Upo
Hindi ako mapakali habang tumatakbo ang oras. Kinakabahan ako na baka hindi sumipot si Riri. Muli ako nagpalakad lakad sa pwesto ko. Alam nya 'to ang lugar na 'to kaya imposibleng mawala sya.
May mga ilan ilan na dumadaan pero dahil balot na balot ako ay hindi naman nila ako pinapansin.
Lumipas ang ilang minuto at sumapit ang alas kwatro ngunit walang Riri dumating. Nanghihina napaupo ako sa bench.
"hindi.. baka natrafic lang yun." Sa isip ko.
Sinunod ko kung ano dinidikta ng puso ko, nag antay pa ako. Alam ko mahal ako ni Riri kaya naniniwala ako darating sya. Biglaan man itong naging desisyon ko pero wala na ako ibang maisip na paraan para makasama ko sya. Duwag na kung maituturing pero nais ko takasana ang magulong mundo kung nasaan ako ngayon. Gusto ko magsimula ng panibagong buhay. Panibagong buhay kung saan kasama ko sya.
*_*
"Mukhang hindi mo kayang sumagot ngayon. Sige, aantayin ko ang sagot mo hanggang bukas. Sa park na madalas natin puntahan, 4 P.M mag aantay ako sa'yo. Kapag hindi ka dumating, ibig sabihin no'n you are not willing to come with me. Ibig sabihin din no'n kung ano man ugnayan natin dalawa ay puputulin na natin. "
*_*
Muli ko inaalala ang mga huling sinabi ko sakanya. Pagkatapos napapabuntong hininga ako nagpalinga linga muli sa paligid. Puno ng pag asang darating sya.
1 buong minuto
20 minutos
30 minutos
Isang oras
Isa't kalahating oras pa ang lumipas.
Matyaga pa rin ako nag antay hanggang sa hindi ko namalayan na dumidilim na. Yung mga naiisip ko kanina ay unti unti gumu-gumuho. Unti unti ako nawawalan ng pag asa.
Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tinignan iyon. Andami ko miss calls at andaming text messages. Hinanap ko kung may mensahe sya para saakin pero bigo ako.
Halos karamihan ay nanggaling sa barkada at iisa lang ang laman ng messages nila.. hinahanap nila kung nasaan ako. Tinurn off ko yung fon ko at bagsak ang mga balikat na napayuko ako.
*sadya nga ba'ng hahayaan mo magtapos tayo sa ganito ?*
Bumigat ang pakiramdam ko at Hindi ko namalayan tumulo ang luha ko. Mahal na mahal ko si Riri at lahat gagawin ko para sakanya. Kaya ko talikuran ang lahat ng meron ako para sakanya. Magkaroon lang ng masayang KAMI.
PERO MUKHANG MABIBIGO AKO NGAYON AT UUWING LUHAAN.
Alam ko hindi nya kasalanan na umasa ako. Pero masakit para saakin na maramdaman na hindi ka kayang panindigan ng taong mahal mo.
Mabilis ko pinunasan ang mga luha sa mga mata ko at saka tumayo. Masamang masama ang loob ko na naglakad paalis at hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa........
"SANYA !"
Dinig ko may tumawag saakin. Kinabahan pa ako baka may nakakilala saakin. Dali dali ko inayos ang pagkakasaklob ng hoodie suot ko sa ulo ko saka luminga.