Chapter 16

15 0 0
                                    


CHAPTER 16

DIANA's POV

Hindi ko alam kung ilan minuto na ako nakaupo rito sa labas ng CR habang nakasandal sa pinto. Inaantay ko sya lumabas, buti nalang walang nagagawi mag CR. Mukhang for staff only itong CR.

Nangako ako kay Aira na iiwasan ko si Celine pero heto ako, nadidikit pa rin sakanya. kasi naman hindi ko maatim na iwanan nalang sya ng basta sa ganito sitwasyon. Naging mabuting kaibigan saakin si Celine at alam ko kailangan nya ng kaibigan ngayon. Yung tao makakaintindi sa pinagdadaanan nya, kasi sa totoo lang hindi madali ang pinagdadaanan nya at hindi ko alam na dala dala nya yun sa mahabang panahon.

Iniisip ko, sa tuwing nagkikwento sya ng masasaya tungkol sa pamilya nya. Deep inside nadudurog sya. She's a great pretender. Napabuntong hininga nalang ako at saka isinandal ang ulo sa pinto.

"Aray-- Aray ko.. " Biglang bumakas ang pinto kaya napahiga ako, nakasandal kasi ako sa pinto kaya nadala ako pagbukas nito. Aist.

"Diana?! Anong ginagawa mo jan.??" Gulat na tanong nito.

"Aist ! Bakit mo kasi binuksan ng bigla ??" Naiinis na sita ko rito habang hawak ang balakang ko.

"Paano hindi ko bubuksan eh lalabas ako.. Sheezz. Halika nga. "Tinulungan nya ako tumayo.

"Ayos ka lang ? Alin ang masakit sayo. ?" Nag aalalang tanong nito habang sinisipat ako. "Bakit kasi hindi ka manlang nagsasalita na nasa labas ka pala. "

Tinignan ko lang sya habang sinisipat nya yung suot ko at pinapagpagan.

"Ikaw ayos ka lang. ?" Tanong ko rito na nagpatigil sakanya. Dahan dahan umangat ito ng tingin at tinignan ako. Mababakas ang mugto sa mga mata nito dahil siguro sa kakaiyak.

"Oo naman, bakit naman hindi ako magiging okay ?" Nakangiti pa ito ng sumagot pero halatang pilit.

"Geez, Wag mo nga pilitin ngumiti kung hindi ka naman talaga okay. Nagmumukha ka lang ewan eh. Tignan mo nga yung mata mo daig mo pa yung nakagat ng bubuyog. "- Diana.

Napayuko ito saka nagpunas punas ng mata. Napabuntong hininga nalang ako pagkatapos nilapitan ko sya at hinawakan ang dalawa nya kamay dahilan para mapatingin sya saakin muli. Nagkatitigan kami at ngayon ko lang narealize na ang lapit ko pala sakanya.

"Uhmm !" Napatikhim nalang ako sabay bitaw sa kamay nya. Nakakailang eh. Umiwas naman ito ng tingin.

"Narinig mo lahat diba ?" Tanong nito.

"Oo. "Diretso ko sagot. "Bakit ka nagsinungaling ?"

Muli ito napatingin saakin with a serious face. Ngunit naagaw ang atensyon namin sa mga yabag na papalapit. Nanlalaki ang mga mata na tumingin sya saakin pagkatapos basta nalang nya ako hinila papasok sa loob ng CR saka nilock ang pinto.

"Teka bakit--"

"Sshh.. wag ka maingay. !" Pagpapapatahimik nito sa maingay ko bibig. Wala naman ako nagawa kundi ang mapabuntong hininga.

"Aist ! Sira ba to ?" Dinig ko saad ng kung sino man babae sa labas na pinipilit na buksan ang pinto.

"May tao ba jan. ??" Sigaw nito mula sa labas. Nagkatinginan naman kami dalawa at sinenyasan nya ako tumahimik.

"Ah-- Miss. "Pinalalim nito ang boses na muntik ko ng ikatawa buti nakatakip ako ng bibig. Pagkatapos muli nya ako pinandilatan at sinenyasan na tumahimik.

"Kuya ?? Anong meron sa loob ? Bakit hindi mabuksan. ?"tanong ng babae sa labas.

"Ah-- Kasi under maintenance ang CR na 'to. Sa iba ka nalang jumingle. "Tugon naman nito.

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon