Chapter 39

7 0 0
                                        

CHAPTER 39

DIANA's POV

"Ahhh.... ouch.. "mahinang daing ko.

"Wag ka kasi malikot para wag ka masaktan. "

"Paano hindi ako masasaktan eh dinidiinan mo masyado ang sugat ko. "Nakanguso ko saad. "Mukhang may galit ka nga talaga saakin. "

"Tumahimik ka nalang.." masungit nito tugon at saka pinagpatuloy ang ginagawang paglilinis sa sugat ko. Wala naman ako magawa kundi ang pagmasdan sya. "Stop staring at me.. "biglang saad nito saka tinigil ang ginagawa at tinignan ako. "I'm not good at this.. gusto mo tawagin ko ang private nurse mo. ?"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Sarcastic ang pagkakasabi nya ng mga linya iyon.

"Hon.. "nagsusumamo ko saad pagkatapos hinawakan ko ang kamay nya. "Are you still mad at me ?"

Nagbaba ito ng tingin, binawi nya ang kamay nya sa pagkakahawak ko. kinuha ang bagong pamalit na pangbenda sa sugat ko, saka sinimulan ito takpan.

"Wag ka muna kasi galaw ng galaw para wag bumuka yan sugat mo. "Aniya.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa ibang direksyon na magkasalubong ang kilay.

BAKIT BA ANG HIRAP NYA KAUSAPIN NGAYON. ?? GANON BA KALAKI ANG KASALANAN KO PARA GANITUHIN NYA AKO. ?

"Ano ang gusto mo kainin. ?" Biglang tanong nito.

"Wala. "Mapakla ko tugon ng hindi sya nililingon. Susubukan ko lang kung oobra ito pag iinarte ko. Narinig ko ito bumuntong hininga.

"Sige.. lalabas nalang muna ako. "Saad nito na ikinasalubong lalo ng kilay ko.

WTF !

Naramdaman ko ang pagtayo nya kaya dali dali ko sya nilingon.

"Sandali.." hinawakan ko ang kamay nya dahilan para mapatingin sya saakin. Nagtatanong ang mga matang iyon. "Dito ka nalang muna.. "

"Kailangan mo magpahinga. "

"Pero gusto ko magpahinga ng nasa tabi kita. "

"Diana--"

"Aira.... "

Pareho kami natigilan at napatitig sa isa't isa.

"Please. "Pakiusap ko.

Bumuntong hininga ito saka tumingin sa ibang direksyon bago muli ako tinignan. Ngumiti ako at saka dahan dahan na hinila ang kamay nya paupo sa tabi ko. Agad ko sya niyakap ng patalikod ng makaupo sya sa tabi ko, ibinaon ko ang baba ko sa balikat nya.

"I know, I made a mistake and I'm sorry for that. " panimula ko at saka ko sya nilingon ngunit nakatingin lang ito ng diretso sa kung saan "Walang may gusto sa nangyari, aksidente ang lahat ng iyon. "

"Pero pwedi iwasan kung hindi ka nalang nakialam. "Madiin nya saad na ikinabuntong hininga ko.

"Wala na ako iba maisip na non, ang tanging alam ko lang ay nais ko matulungan ang ale. Hindi ko naman alam na magtatawag pa ng alalay yung gunggong na holdaper na yun. Natyempuhan lang ako--"

"Tsk.. ayan ka nanaman sa yabang mo. "Putol nya sa sinasabi ko saka sya lumingon saakin. "Kaya ka napapahamak dahil sa pakikialam mo, walang masama tumulong Diana, pero ilagay mo sa lugar. Paano kung hindi dumating ang mga pulis. ? Sa tingin mo makakalabas pa kayo sa lugar na iyon. ? Kung makalabas man kayo baka hindi lang iyan ang inabot nyo pareho... "

Napanguso ako ng todo. "Oo na, kasalanan ko na nga eh.. kaya nga nagsosorry ako. "

"Parati naman ganon eh. "Aniya saka nag iwas ng tingin. "Magsosorry ka ngayon tapos uulitin mo. Pakiramdam ko ay balewala rin lang naman sa'yo ang mga sinasabi ko. Ano ba ang sorry sayo. ?"

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon