Chapter 54

12 0 0
                                    

THE STORY OF US

CHAPTER 54

DIANA's POV

"Haysss !!" Sabay namin naibagsak ang mga katawan namin sa kama pagkatapos ng nakakapagod na habulan. Nilingon ko sya na nakangiting nakatitig sa kisame habang unan ang aking braso.

"Ang saya.. "aniya ng hindi naalis ang pagkakangiti sa labi. Napangiti nalang din ako. Maya maya napahawak sya sa kanyang dibdib at unti-unti nawala ang pagkakangiti at ganon na rin ako.

"Bakit ?" Nag aalala ko'ng tanong. Lumingon sya saakin, matagal nya ako tinitigan bago ngumiti.

"Masyado masaya ang puso ko ngayon. "

Natigilan ako, ngunit maya maya napangiti rin. Tumagilid ako, itinukod ko ang aking siko at saka sya pinagmasdan. "Talaga ? Napapasaya ba talaga kita ?"

"Mmm.. "tumango ito. Hinawakan nya ang mukha ko at saka marahan na hinaplos. "Sobra ang sayang nararamdaman ko makita lang kita.. yung presensya mo, nagdadala ng sobrang kasiyahan saakin.. Natatakot na ako.."

"Bakit ?" Taka ko'ng tanong.

"Kasi baka ang sobrang pagmamahal ko sa'yo ang pumatay saakin. "She chuckled. "Diba nga sabi sa kanta, too much love will kill you. "Dagdag nya pa. "Bakit nga kasi sobrang mahal kita. ? Nababaliw ako pag hindi kita nakikita. Nag aalala ako sa tuwing napupunta ang atensyon mo sa iba.. Nababaliw na ako Diana, nababaliw na ako sa'yo.. "

Ako naman ang napatawa ng mahina. Hinawakan ko ang kamay nya nakahawak sa mukha ko at hinalikan iyon habang nakatingin sakanya. Napangiti ito sa ginawa ko.

"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Masyado ako kinilig sa sinabi mo. Nakakakilig masyado honey.. "

Tumawa sya sa sinabi ko'ng iyon. "Kaya pala, naghuhugis puso nanaman yan mata mo. "

Natawa nalang din ako sa sinabi nya. "Nakakapanibago lang kasi ang sobrang kasweetan mo ngayon. Pakiramdam ko tuloy inaatake ako ng mga langgam ngayon.  "

Muli sya natawa sa sinabi ko at ganon na rin ako. Ngunit nahinto rin ang pagmamatamisan namin ng may kumatok sa pinto. Nagkatinginan muna kami bago nagdesisyon na ako nalang ang tumayo para pagbuksan kung sino man ang nasa labas. Bumungad saakin ang bellboy na may dalang pagkain na nakalagay sa food cart at ang lalaking matangkad na sumundo saamin kanina sa airport.

"Pinagdalhan ko kayo ng pagkain baka nagugutom na kayo. "Pormal nito'ng saad. Gaya kanina ay napakaseryuso pa rin ng mukha nito. Nakatingin sya saakin ng diretso na para ba'ng pinag aaralan nya ang mukha ko. Nakakaasiwa ang tingin na iyon at hindi ko nagugustuhan.

"Alam ko'ng maganda ako, pero wag mo ako tignan ng ganyan. Hindi tayo talo bro.. "Pabiro ko'ng sabi na ngumiti pa ako ng may tunog. Ngunit napahiya lang ako dahil hindi manlang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Napatikhim ako at umayos sa pagkakatayo. "Ano nga ulit ang pangalan mo. ?"

"Lucas. "Tugon nito na nakatingin pa rin saakin ng diretso.

"Ahh.. "Tumatangong sabi ko naman. "Tama, Lucas nga yung pangalan mo. Sinabi ni Sanya kanina pero nakalimutan ko. "Sinamahan ko ng matunog na tawa ang huli ko'ng sinabi. Pero ganon pa man ay nanatili pa rin ito'ng seryuso. "Grabi ka naman kuya.. hindi ka marunong tumawa ? May bayad ba yang ngiti mo. ?" Muling biro ko rito pero wala pa rin naging epekto. "Hays.. sige na nga.. salamat rito.. kuya.. "baling ko sa bellboy. "Pakipasok nalang ng pagkain at iwan nyo nalang. "

"Sige po ma'm. "Tugon naman ng bellboy. Niluwagan ko ang pinto at tuluyan pinapasok ito. Sinundan ko pa sya ng tingin, inistima naman ang bellboy ni Aira. Nag usap sila pero hindi ko na nagawang makinig pa. Binalingan ko muli si Lucas. "Makakaalis ka na. Salamat ulit. "

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon