CHAPTER 28
EDWARD's POV
Naihampas ko ang kamay ko sa mesa ng makapasok ako ng opisina ko saka niluwagan ang pagkakatali ng tie sa leeg ko.
"NAKAKAINIS !" Galit ko sigaw.
Badtrip ako ! Hindi lang badtrip ! BADTRIP NA BADTRIP !
Hindi ko lang matanggap na isang babae ang makakatalo saakin sa sapakan. Hindi ko rin akalain na ganon sya kalakas manapak, daig nya pa ang sanggano.
Pabagsak ako naupo sa swivel chair at salubong ang kilay na tumingin sa kung saan habang nakakuyom ang mga kamay.
"May araw ka rin saakin hambog ka. ! "
Nagtaas baba ang dibdib ko dahil sa galit. Salubong ang kilay na napasandal ako sa upuan.
Hindi ko malaman kung bakit parati kami nagtatalo ng Perez na yun. Unang kita palang namin dalawa mainit na ang dugo ko sya. Tandang tanda ko pa yung una namin paghaharap na nakisali sya sa usapan namin ni Aira at niyabangan nya ako. Masyado sya mayabang para saakin. Hindi porket sikat sya at itinuturing sya dito prinsesa ay mababastos nya na ako. Masyado nga yata sya nababy ni Dad kaya kahit na anong gawin ay okay lang.
Naalala ko pa ang sinabi saakin ni Dad noong nakaraan.
*-*
"Kahit na anong hingin ni Diana sa'yo ibigay mo. Ibigay mo lahat ng gusto nya. ""What ?? Hindi ba magiging unfair yun sa ibang idol ?!" Inis ko tanong.
"Look son, Si Diana.... sya ang pinakamalaking star na meron tayo. Sya ang higit na pinag uusapan ngayon worldwide. Kaliwa't kanan ang endorsement nya, in short malaki ang perang naipapasok nya sa kumpaya. Kaya kailangan natin sya panhalagaan. Maraming nakaabang na entertainment industry sakanya at handang doblehin o triplehin pa ang talent fee na ibinibigay sakanya ng bunny. Yun ang iniiwasan natin, bak magbago ang isip ng batang yun at maisipan lumipat sa kalaban natin."
*-*
Napabuntong hininga ako ng malalim saka naipatong ang dalawang kamay ko sa table.
"Bakit ko nga ba tinanggap ang posisyon na 'to? Sakit lang ng ulo ang binibigay saakin ng mga artista. "Wala sa sariling sabi ko.
Inisip ko kung paano at bakit tinanggap ko ang posisyon ito. Unang pumasok lang naman sa isip ko si Celine.
"Tama ! Ikaw nga.. ikaw nga ang dahilan kung bakit ako nandito. "Malungkot ko sabi.
Muli ako napasandal sa upuan at saka marahan na hinilot ang sintido ko habang iniisip ang mukha ni Celine kanina.
Nasaan na kaya sya ngayon?
Pumunta kaya sya dito ?
Ano kaya ang ginagawa nya ?
Galit kaya sya ??
"Tungek ! Natural galit yun. ! "Sagot ko sa huli ko tanong. "Sino ba naman kasi gag* ang makikipagbasag ulo ng ganon kaaga ?! Tapos nakita nya pa. ! Hindi ka pa nga humihirit ng sorry may kasunod ka nanaman kapalpakan ginawa. Tsk. "
Para ako tanga na kinakausap ang sarili ko. Ilang saglit ako nag isip pagkatapos naisipan ko tumayo. Naisipan ko silipin sya sa practice room nila, baka nga pumunta sya rito.
Nangiti ako sa naisip ko saka dahan dahan na naglakad palabas ng silid ko. Palinga linga ako naglakad sa pasilyo.
Step
Step
Step
Step
Step