Chapter 41

7 0 0
                                    

CHAPTER 41

SANYA's POV

Halos kalahating oras ang ibinayahe namin bago makarating sa hacienda. Buong rides ay tahimik si Riri, hindi ko alam kung ano ang iniisip nya o kung galit pa rin ba sya saakin dahil sa pagtatalo namin kanina. Nalaman nya na ang tungkol sa pagkatao ko at hindi naging maganda ang kinalabasan non. Alam ko, kahit kumalma sya ay meron pa rin bumabagabag sakanya. Plano ko naman sabihin na sakanya ang lahat ngayon, kaya ko nga sya dinala rito. Hoping, pagkatapos ng araw na ito ay walang magbago sa relasyon namin. Alam ko na nabigla talaga sya at hindi ko inaasahan ang reaksyon nya kanina. Mababakas mo sa mukha nya galit sya, pero sa kabila non ay pinili nya pa rin kalmahin ang sarili at piliin pakinggan ako. Alam ko rin na hindi sapat ang eksplanasyon ko kanina para paniwalaan nya ako. Siguro ayaw nya lang palawakin ang diskusyon dahil may ibang tao nakakakita.

Kung tutuusin ay hindi ko naman ipinangangamba ang maliit na problema ito, dahil kaya ko naman ito paliwanag sakanya ng maigi. And knowing Riri, alam ko makikinig sya sa paliwanag ko. Hindi sya mahirap kausap, and that's the thing na nagustuhan ko sakanya. Just like me, pareho kami straight forward. And knowing her, ayaw nya rin ng madrama eksena at matagalan diskusyon.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng mansyon at agad kami pinagbuksan ni Lucas ng pinto ng sasakyan.

"Let's go. "Pag aya ko sakanya. Tumango naman ito bilang sagot.

Nauna ako bumaba sakanya saka ko inilahad ang kamay ko na inabot naman nito saka ko sya inalalayan pababa. Saglit kami natigilan dahil agad nito inilibot ang paningin sa kabuuan ng paligid. Kung hindi ako nagkakamali, mula sa kaniyang paningin ay mababakasan mo ang paghanga sa ganda ng lugar namin.

"I didn't expect na may ganito kagandang lugar dito sa pilipinas. Akala ko, sa mga fairytales ko lang makikita ang ganito kalawak, kaganda at mala palasyo bahay. Totoo ba 'to. ?" Natawa ako sa katanungan nya iyon.

"Oo naman, totoong totoo 'to.. Ito ang totoong tahanan ko at dito ako lumaki. "Tugon ko at sya naman ang paglingon nya saakin.

"Para ka pala prinsesa sa disneyland, ano ? Ang lawak ng palasyo mo. "

Muli ay natawa ako. "Prinsesa, prinsesa din ang hanap. " dahil naman sa sinabi ko'ng iyon ay natawa sya. Unti unti ay nawala ang namuo pagkabahala sa dibdib ko ng dahil sa nangyari kanina. Mukhang naglighten up na ang mood nya, compared kanina. "Tara na, pasok na tayo.. "

Tumango naman ito, kaya naman hinawakan ko na sya sa kamay at magkaholding hands kami pumasok ng bahay. As usual, binati kami ng mga maids at sinalubong kami ni Manang Hilda.

"Sanya, Iha.. "masayang salubong nito saakin.

"Manang.. "nakangiting lumapit ako sakanya at nagbeso.

"Buti naman at nakarating ka na, kanina ka pa inaantay ng lolo mo. "Nakangiting sabi ni Manang tapos binalingan nya si Riri.

"Magandang araw po.. "nahihiyang bati naman ni Riri dito. Nginitian naman sya ni Manang saka ako nito binalingan na may nanunuksong tingin.

"Sya na ba ?" Makahulugan tanong ni Manang Hilda na hindi pa rin naalis ang ngiti nito sa labi. Alam nya na ang tungkol kay Riri dahil naikwento ko na rin sya sakanya kahapon ng dumalaw ako rito.

"Sya na nga po, manang. "Tugon ko naman at saka sya nginitian.

"Aba, kagandang bata.. "papuri nito kay Riri. Nakapaskil pa rin ang ngiti ni Manang habang nakatingin kay Riri. Nahihiya naman na ngumiti sakanya si Riri.

"Kamusta po kayo. ? Ako po pala si Irish.. Riri nalang po for short. "Pagpapakilala nya naman.

"Mabuti naman ako, iha.. mabuti at napasyal ka rito sa lugar namin. Ako nga pala si Manang hilda... "pagpapakilala naman ni Manang sakanya tapos nginitian naman sya ni Riri. "Katiwala ako rito, sya na rin nakasama ni Sanya sa paglaki.. Makulit na bata iyan, buti nalang at hindi ka naririndi sakanya. " tumawa ng bahagya si Riri sa sinabi ni Manang.

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon