CHAPTER 19
DIANA's POV
Maaga ako nagising at naghanda sa pag alis. Naisipan ko kasi bisitahin yung bata nasagasaan kahapon. Kukumustahin ko kung ano yung kalagayan nya. Though, ayon sa report na binigay ng hospital kay manager yoon ay maayos naman na naoperahan ang bata at sa puntong ito sya ay nagpapagaling na.
"Honey, aalis na muna ako. "Paalam ko sa naghuhugas ng plato na si Aira. Katatapos lang namin mag almusal at sya na yung nagpresinta maghugas ng pinagkainan namin since sya walang lakad ngayon. Nagpaalam din ako sakanya na dadalawin ko yung bata at pumayag naman sya. Sympre, ayoko ng maglihim sakanya.
"Oh sige. Mag iingat ka ah. Kita nalang tayo mamaya sa event. Hindi pweding hindi ka dadalo. Aantayin kita doon. " paalala nito.
Nginitian at tinunguan ko na lamang sya. Ngayon na kasi ang araw ng engagement party nina Jennie at Carlo.
"Wag ka mag alala darating ako. "Paniniguro ko. "Oh sige na, alis na ako. "Hinalikan ko sya sa cheeks. "I love you. "
"I love you too. "Tugon nya na ikinangiti ko lang pagkatapos nagwave na ako sakanya at tuluyan ng naglakad palabas ng pinto.
Pagkarating ko ng parking lot ay agad ko tinungo ang sasakyan. Papasok na ako ng sasakyan bigla ako makaramdam ng pagkahilo, nagdouble vision at bahagyang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa batok at bahagya iyon minasahe saka napapikit.
"Aish ! Mukhang napadami yata ang pagkain ko ng karne kagabi. Puro na yata cholesterol ang katawan ko. Hays ! Kailangan ko na yata tumungo ng gym. Ilang araw na din ako hindi nakakapagwork out. "
Iniling iling ko ang aking ulo at maya maya lang eh nawala na rin ang sakit at pagkahilo.
Isang malalim na buntong hininga nalang ang pinakawalan ko saka sinawalang bahala ang nangyari. Sumakay ako ng sasakyan at pinaharurot iyon paalis. May nadaanan ako bakeshop kaya itinigil ko ang sasakyan at saka ako bumili ng cake. Naisipan ko ibili ng special gift ang bata, baka sakali matuwa ito.
Matapos ko mabayaran ang cake ay bumalik ako ng sakyan at nagpatuloy sa pagmamaneho. Hanggang sa nakarating ako ng hospital. As usual suot ko nanaman ang face mask ko upang malaya ako makapaglakad.
"Miss, saan ang room ng bata dinala dito kahapon. ? "Tanong ko sa Nurse na nasa information desk. Tinignan naman ako nito na parang sinusuri kaya nag iwas ako ng tingin. Sinisilip nya talaga ako na tila ba kinikilala .
"Pwedi po ba pakitanggal ng face mask, kung maaari lamang for security purposes. "Ani ng nurse.
"Ah sorry miss, hindi pwedi eh. Meron ako severe na ubo. Uhu ! Uhu !" Umubo ubo ako sa harapan nya ng malakas na ikinaatras naman ng nurse. Sa itsura nya mababatid na takot mahawaan ng kung ano sakit ang meron ako.
"Ay sorry miss, napakakati kasi talaga ng lalamunan ko. Uhu ! "Dagdag ko pa at kunyari kinalma ang sarili ko.
"Ah ganon po ba ? Mukha nga malala na yung ubo nyo. Baka nais nyo magpacheck up. Pwedi ko kayo irecommend kay doc--"
"Ah hindi., hindi. "Pigil ko sa sasabihin nya pa. "May medicine na ako iniinom at nagpacheck up na ako. No need to worry. Gagaling na din ito, all I need now is kung nasaan ang bata dinala dito kahapon na nabangga. Yung biktima ng hit and run. "
Napatingala ito sa kisame at tila nag isip. "Ah ! Oo naalala ko na. Nasa recovery room na sya. 3rd floor. "
"Maraming salamat. I'll get going. "Hindi ko na inantay ang sasabihin nya. Iniwan ko na sya.
"Parang pamilyar sya. "Dinig ko pa bulong nito na ikinangiti ko nalang.
Pagkarating ko ng 3rd floor ay agad ko hinanap ang recovery room. Hindi naman ako natagalan hanapin dahil nasa bungad lang iyon. Dahan dahan ko binuksan ang pinto.