Chapter 10

17 0 0
                                    

AIRA's POV

Mataman ko sya pinagmamasdan habang nahihimbing ito sa pagtulog. Mukha nga napagod sya sa maaga session namin. Napangiti ako, pagkatapos hinawakan ko yung tungki ng ilong nya hanggang sa napadako ang tingin ko sa leeg nya. Hindi ko mapigilan wag mapatawa ng mahina ng makita ko yung kiss mark sa leeg nya na gawa ko. Sigurado magugulat sya pag nagising sya. Parusa nya yun dahil sa pagmamatigas nya kanina. Pero aminado naman ako may kasalanan din ako. Gumawa ako ng desisyon na hindi ko ikinonsulta sakanya. Yun akin lang naman kasi ay gusto ko makatulong sakanya kaya naisipan ko ipagtayo nalang sya ng sarili nya agency. Sympre Para rin naman yun sa future namin. Gusto ko magsimula ng sarili namin negosyo kaya ako nagpatulong kay Dad. Kaya nga lang hindi nya nagustuhan ang nais ko kaya nagtalo kami. Feeling nya kinokontrol ko na sya, aminado din ako na nasaktan ako sa mga pinagsasabi nya gabi. Hindi ko alam na ganon na pala ang nararamdaman nya.

Hindi ko naman kasi inaasahan na babanggitin iyon ni Dad sa dinner. Gusto ko sana kausapin sya ng dahan dahan para sa plano ko dahil alam ko mahihirapan ako kumbinsihin sya. Alam ko din kasi na wala sya kahilig hilig sa pagpapatakbo ng negosyo. Kung ako rin naman kasi ang tatanungin, nais ko na tumigil na sya sa pag aartista at mamuhay nalang kami ng tahimik. Ngunit alam ko din na hindi nya kaya iwan ang ang pag aartista dahil doon sya masaya. kaya isa na rin yun sa dahilan kaya susugal ako sa pagtatayo ng ganito klase investment. Atleast, yung sisimulan namin investment ay related sa hilig nya. Hindi nya na kailangan magpatali sa agency nya sobrang higpit. Sabi naman ni Dad sya na ang bahala sa investors at tutulungan nya din kami maitayo ang business na ninanais ko simulan.

Muli, pinindot ko ang tungki ng ilong nya para gisingin ito. Hindi naman ako nabigo dahil dahan dahan nya imunulat ang mga mata nya.

"I'm so sleepy. "Inaantok na saad nito sabay yakap saakin pagkatapos siniksik nya yung mukha nya sa leeg ko.

"Gising na, tanghali na. "Saad ko naman.

"Okay lang. Wala naman ako gagawin today. Matulog tayo maghapon, since pinagod mo ako. "- Diana.

Natawa nalang ako ng mahina sa sinabi nya. I took a day off today, para makasama sya.

"Wala ka rehearsal. ?"- Tanong ko naman. Umiling iling naman ito.

"Photoshoot ?" Muling tanong ko. Umiling naman sya muli tapos umangat sa pagkakayakap saakin at saka tinignan ako.

"Wala nga ako sched today. E ikaw ? Bakit hindi ka pumasok ? Hindi ka ba kailangan sa opisina. ?"-Diana.

"I took a day off today, Alam naman na ni Sam ang gagawin nya kapag wala ako. "- Aira.

Natigilan naman ito at tila nag isip.

"Are we okay now. ?" Tanong ko, patungkol sa nangyari hindi namin pagkakaintindihan kagabi.

"Uhm. I'm still mad for what you did. "She said.

Sumimangot naman ako at saka ko sya niyakap.

"I know it was my fault. Pero naipaliwanag ko naman saiyo hindi ba ? Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo.  Sige sasabihin ko nalang kay Dad na icancel yung proposal ko. "- May himig na pagtatampo saad ko.

"At talaga naman kinonsensya mo pa ako. Ang lagay ako pa yung magmumukhang kontrabida sa mga plano nyo magtatay. "- Diana.

Umangat ako sa pagkakayakap sakanya at tinignan ko sya ng seryuso.

"Hindi naman yun para saamin ni Dad. Para yun saatin, sa future natin. Tinutulungan nya lang tayo makapagsimula ng sarili natin company. "-Sabi ko naman and she just rolled her eyes sabay kibit balikat.

"Aira, kung pagtatayo ng panibagong kumpanya ang gusto mo dapat sinabi mo saakin. Kaya ko naman maglabas ng pera, kaya ko magtayo ng sarili natin negosyo ng hindi umaasa sa pamilya mo.  "-Diana.

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon