Chapter 47

6 0 0
                                    

CHAPTER 47

CELINE's POV

Matapos namin makapag usap ni Diana ng ilang saglit at maibigay ang tickets ay umuwi na rin ako ng bahay. Ngunit saglit din ako natigilan ng maabutan nasa labas ng unit ko si Edward. Kapwa kami natigilan ng mapatangin sa isa't isa. Sa huli'y ako ang nag iwas ng tingin at saka naglakad palapit sakanya.

"Ano'ng ginagawa mo rito ?" Tanong ko ng mapatapat ako sakanya.

"Totoo ba ?" Bakas sa mukha nito ang pag aalala ng itanong nya iyon. Batid ko'ng alam ko na ang tinutukoy nya ngunit nagpanggap ako hindi ko nakuha ang sinasabi nya.

"Ang alin ?"

Matagal nya ako tinitigan bago muli nagsalita.

"Bakit hindi mo sinabi saakin ?"

"Ang alin ba ? "Patuloy ko'ng pagpapanggap. "Diretsuhin mo ako kung ano ang nais mo'ng sabihin. "

"Bakit nasa bahay ka nina Abby kanina ? Pinagbibintangan mo sya ang may gawa ng deathreath na natanggap mo ? Bakit hindi mo sinabi saakin ?" Nagtaas ng bahagya ang boses nya saka seryuso tumingin saakin.

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo ? Ano ba kita ?" Sarkastika ko'ng tugon na ikinatigil nya naman. Batid ko napahiya ko sya sa sinabi ko. Nang makabawi naman ay bumuntong hininga ito.

"Boss mo ako, dapat alam ko kung ano ang nangyayari sa mga talent ko. Sagutin kayo ng kompanya if ever na may mangyari hindi maganda sainyo. Dapt nireport mo yung nangyari para nagawan natin ng paraan. "

"Para ano ? Pagpyestahan ako ng media. ? Hindi na.. ayos naman ako at walang masamang nangyari saakin. Kaya ko ang sarili ko. "

"Yan ang problema sa'yo, masyado ka bilib sa sarili mo. Akala mo lahat ay kaya mo, pero hindi Celine. "Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya kaya sumama ang tingin ko sakanya. "Hindi masama ang humingi ng tulong kung kinakailangan. Isipin mo, para rin naman sa kaligtasan mo yun. "

"Ano ba ang magagawa ng kompanya mo ?, anong magagawa mo kung sinabi ko sa'yo. ? Sige nga.. Masosolve nyo ba ang issue ? Mahahanap nyo ba kung sino ang namemerwisyo saakin ?. "

"Pwedi natin ireport sa pulis, sila na ang bahala roon. Pwedi natin ipatrace sakanila kung sino man ang taong may gawa non.  "

"Iyon nga ang ayoko... Pag marami nakikialam mas lalong gugulo. Gaya ng sinabi ko, kaya ko ang sarili ko at gaya rin ng sinabi mo, hihingi ako ng tulong kapag kinakailangan. Salamat nalang sa concern. Pero sa ngayon, hindi ko pa kailangan ang tulong ng kahit na sino..... Makakaalis ka na. "

Bumuntong hininga ito, ilang saglit na katahimikan ang bumalot saamin. Hanggang sa ako na mismo ang bumasag sa nakakaawkward na katahimikan.

"Sige na, magpapahinga na ako. "Dumiretso ako sa pinto at mag eenter na sana ng passcode ng matigilan ako. Nilingon ko sya na nakatingin pa rin saakin. Napakunot ang noo ko. Sinenyasan ko sya na umalis.

"Ganyan ka ba kagalit saakin para parati mo ako ipagtabuyan. ?"

Mas lalo nangunot ang aking noo. "Mag i'enter ako ng passcode. "

Natigilan ito, siguro nakuha nya ang ibig ko'ng sabihin. "Oh, sorry. "Napapahiya ito naglihis ng tingin. Napahinga nalang ako ng malalim at ng masigurong hindi na sya nakatingin nag enter na ako ng passcode. Papasok na sana ako ng muli ako matigilan, napakabastos naman kasi siguro kung iiwan ko na lamang sya dito sa labas. Kahit labag man sa kalooban ko ay muli ko sya nilingon. "Sabi ko umalis ka na. " sinikap ko pa rin wag maging masama ang dating no'n sakanya.

Tumingin naman ito saakin. "Hindi mo manlang ako aayain na pumasok sa loob ng bahay mo ?"

Muling nangunot ang aking noo. "Bakit naman kita aayain ? Wala naman tayo dapat pag usapan. Besides, hindi naman tayo magkaibigan. "

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon