Chapter 22

5 0 0
                                    

CHAPTER 22

AIRA's POV

Nagising ako na wala si Diana sa tabi ko. Bumangon ako sa pagkakahiga at saka lumabas ng kwarto. Naabutan ko sya sa kitchen, abala sa pagluluto. Saglit ko sya pinagmasdan at kusa gumuhit ang ngiti ko sa labi.

Hindi naman kasi sya mahilig magluto or should I say hindi talaga sya marunong magluto. Pero ngayon gumising sya ng maaga para maghanda ng agahan kahit na alam ko puyat sya kagabi. Anong oras na rin kasi kami nakatulog dahil sa pagsundo kay Sanya.

Naglakad ako patungo sakanya pagkatapos niyakap ko sya mula sa likod.

"Gising ka na pala. "Nakangiti ani nito pagkatapos kiniss nya ako sa noo.

"Dapat ako ang gumagawa nyan eh. Bakit ang aga mo nagising ? 9 pa naman ang call time mo sa studio di'ba ?"

"Hmm. Gusto lang kita ipagluto ng agahan ngayon. Madalas kasi ikaw ang gumagawa non. Look... hindi na sunog ang itlog saka hotdog. "Proud nya pinakita saakin ang mga prinito nya.

"Aww. I'm so proud of you. "Nakangiti ko papuri.

"You should be. "Mayabang nya naman tugon. Napatawa nalang kami pareho.

"Halika na mag almusal na tayo. "Aya nya. Tinulungan ko na rin sya magdala ng agahan namin sa mesa.

"Teka.. tawagin ko muna si Sanya. "Saad ko.

"Wala na sya. "

"Anong wala na ?" Kunot noo ko tanong.

"I mean. Umalis na sya. Chineck ko sya kanina pagkagising ko pero wala na sya. Nagtext naman sya na maaga sya umalis. "

Napabuntong hininga nalanga ako saka napatango.

"Bakit ba nagkaganon si Sanya. ?"

"Siguro nag away lang sila ni Riri. "Kibit balikat nito sagot. "Maayos din nila yun, wag ka na  mag alala. Halika na maupo ka na. "Pinaghila nya ako ng upuan at naupo na rin ako pagkatapos tumabi sya saakin.

"Kamusta na pala ang pakiramdam mo ? Okay ka na ?" Tanong ko habang kumakain kami.

"Hmm. Ayos na ako. "

"Mabuti naman kung ganon. Sabi ko naman sa'yo alagaan mo yan sarili mo. Nag iisa lang yan katawan mo, aba. "Sermon ko rito.

"Nag iisa lang nga ito tapos sa'yo pa napunta. Di'ba ang swerte mo. Haha. "

Tinignan ko sya at saka sinamaan ng tingin. "I'm being serious here. "

"Ay sorry naman. Ikaw naman, masyado ka seryuso. Okay nga lang ako eh. Wala ka dapat ipag alala. Oh ito, kumain ka  nalang. Ahhh.  "Sinubuan nya ako ng kanin.

"Inililihis mo lang ang usapan eh. "

"Kasi naman ang aga aga sinisermunan mo ako. "Nakanguso tugon nito.

"Ayaw mo lang kasi mapagsabihan. Tsk. "

"Oo na. Suko na ako. "Tinaas pa nya ang dalawang kamay. "Pwedi na tayo kumain. ?"

"Hays ! Sige na kumain ka na. "

Nagpatuloy na  nga kami sa pagkain, nag uusap kami pero sa ibang bagay na.

"Anong gagawin mo ngayon maghapon ? Wala ka naman pasok hindi ba?" Tanong nya.

"Hindi ko nga alam. Hmmm. "Nag isip ako. "Pwedi ba ako sumama sayo ?"

Natigil ito sa pagkain sabay tingin saakin. Napanguso ako at ibinalik ko ang atensyon ko sa pagkain.

"Joke lang. Alam ko naman na may trabaho ka ngayon. Makakaabala lang ako sa'yo. "

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon