Chapter 40

11 0 0
                                    

CHAPTER 40

EDWARD's POV

Inantay ko na sumara ang pinto ng elevator na sinakyan ni Aira at Diana bago ako tuluyan tumalikod at naglakad palayo. Hindi ko nalang pinatulan ang kayabangan ni Diana dahil ayoko rin naman masira ang araw na ito. Though, andun pa rin ang inis ko sakanya sa tuwing makikita ko sya at hindi naman lingid sa kaalaman ko ganon rin sya. Ang tanging palaisipan lamang saakin ay kung bakit ganon sya magreact tuwing kinakausap ko si Aira, seems like she's acting like a jealous girlfriend.

WTF !

Iniling ko ang ulo ko at namulsa, siguro naman hindi papatos ng kapwa nya babae si Aira, maganda sya, sopistikada at galing sa respetado pamilya, though hindi babae sa paningin ko ang hambog na Diana iyon.

Nagtuloy ako sa paglalakad patungo sa unit ni Celine, iwinaksi ang isipin tungkol sa dalawa na nakasalubong ko kanina. Malayo palang ako ay may natanaw ako isang lalaki na nakatayo sa harap ng pinto ng unit ni Celine. Hindi lang iyon, may tangan pa itong bugkos ng bulaklak.

What the heck. !

Kunot ang noo lumapit ako sa tabi nya. Lumingon ito saakin without removing his sun glasses, nakipagpalitan rin ako ng tingin sakanya. Hindi ko alam kung sino ang hinayupak na ito, baka isa sa mga fans ni Celine or maybe manliligaw.

Anak ng !

Ayoko isipin ang huling sumagi sa isip ko na manliligaw nya nga ito, na hindi rin naman malayong mangyari dahil sa dala dala nito bulaklak.

"Who are you ?" I ask. Out of curiousity.

Tinanggal nito ang sun glass at doon ko nakita ang kabuuan ng mukha nito. May itsura naman, pero mas pogi ako. Oo, sige.. mayabang na kung mayabang pero I don't like him as Celine's suitor. If ever na manliligaw nya nga ito.

"Why do you ask ? And who are you too ?" Pormal na tugon nito. I smile lightly, it is a sarcastic one.

"I'm her boss.. I have an appointment with her, that's why I'm here. "I said. Hindi ko alam kung bakit ako nag i'explain sa mokong na 'to.

Aist ! nevermind.

"Ikaw ? Ba't ka  nandito ng ganito kaaga ? Wag mo sabihin, nanliligaw ka ng ganito kaaga. "Saad ko. He smile sarcastically at ayoko ng dating nya iyon. Masyado mayabang.

"Bakit ? masama ba dalawin ko sya ng ganito kaaga ?" Sagot nito na ikinasalubong ng kilay ko. "And yes, I'm her suitor. "

Mas lalo naningkit ang mata ko sa huli nya sinabi.

'Suitor my ass'

"Ha !" Tumawa ako ng sarkastiko. "Suitor ? Seriously ?"

"Yes.. "confident nito sagot. Sinuklian ko naman sya ng matalim na tingin. Nagkatitigan kami ng masama, na tila sa mga tinginan iyon ay doon namin sinasabi ang mga nais namin iparating sa isa't isa.

Bumukas ang pintuan at doon lang natigil ang masama namin tinginan. Kapwa kami napatingin sa bagong gising na si Celine. Natigilan ito, nagpalipat lipat ang tingin nya saamin at kalauna'y napakunot ang noo at bumalik ang walang ekpresyon nya mukha.

"Good morning.. "halos sabay namin bati ng lalaki nagpakilala manliligaw nya. Napatingin ako rito at ganon rin ito,  muli nagpalitan kami ng masamang tingin.

"What are you two doing here ?" Tanong ni Celine. Binawi ko ang tingin ko sa lalaki at tinignan si Celine. Nakabaling na pala ang tingin nito saakin. "Ikaw, anong kailangan mo. ? Hindi ba sinabi ko wag ka na pupunta rito. "Malamig na tugon nito. Huminga ako ng malalim bago sumagot.

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon