"3 YEARS LATER"
DIANA's POV
"Okay 1 2 3 ! "
"Isa pa ! 1 2 3 !"
Isang malawak na ngiti ang gumuhit sa labi ko ng makita ko ang kuha ko litrato nya.
"Okay na ba. ?" Tanong nya.
"Uhmm yeah. Ang ganda mo dito hon. Look. " Lumapit ako sakanya at pinakita ko sakanya ang picture nya kuha ko.
"Wow! Ang cute nga. Ang galing mo talaga photographer hon. "Puri nya saakin at saka ngumiti.
"Sympre. I really love taking picture of you. "Sagot ko naman saka ako ngumiti at ganoon din naman sya.
"Oh ! Ikaw naman ang kukunan ko. Dali ! Tayo ka na dun. !" Kinuha nya saakin ang camera, sympre dahil masunurin ako nagpose nalang ako.
Masaya kami nagpicture taking at gumala dito sa Ocean Park, Named Sea life Bangkok ocean World. Isa sa pinakamalaking ocean Park around Southeast asia.
Nasa Thailand kami dalawa para magbakasyon. Ito na yung pangalawang araw namin dito. Ito din ang unang araw namin na gumala, kasi kahapon nag stay lang muna kami sa hotel para makapagpahinga since pareho kami pagod sa byahe.
Sya galing pinas, ako galing Paris. Hindi kami sabay pumunta rito dahil may fashion event kami pinuntahan sa Paris. Isa sa mga clothing brand na iniendorse namin apat. Since may 5 days vacation naman na binigay saamin ay naisipan ko sumegway na kami ng gala. Sakto naman dahil bakante ang sched nya. Pagkatapos ng event ay nagkahiwa hiwalay na kami tatlo. Si Che umuwi muna ng korea para bisitahin ang parents nya tapos yung dalawa [Niks & Riri ] ay dumiretso uwi na ng pinas para makasama naman daw nila ang pamilya nila. Sa klase kasi ng trabaho namin at sobrang hectic ng schedule ay bibihira nalang nila makabonding ang pamilya nila. Kaya pag may ganito pagkakataon ay sinusulit na din namin na makapagbakasyon.
We decided na dito nalang magmeet at sympre para iwas chismis na rin. Tatlong taon na nga ang nakalipas ng muli ako bumalik sakanya at magsimula kami magsama. Sa loob ng tatlong taon hindi naman naging madali ang pagsasama namin dalawa. Andami adjustments, both sides.
Bukod sa pamilya at malalapit namin kaibigan ay walang nakakaalam ng totoong relasyon namin dalawa. Naging private ako pagdating sa pakikipagrelasyon sakanya. Hindi dahil ikinahihiya ko kung ano ang meron kami kundi dahil pinoprotektahan ko sya sa mga mapang abuso tao na nais manakit at manghusga sakanya. Napag usapan na rin naman namin ang tungkol sa bagay na iyon. We both agreed na ilihim na muna kung ano ang namamagitan saamin dalawa sa publiko, para na rin sa ikatatahimik ng relasyon namin at alang alang na rin sa career ko. So far, wala naman kami naging problema sa ganoon set up. Naging matahimik naman ang pagsasama namin. Ngunit alam ko naman hindi ko habang buhay na maitatago kung ano ang meron saamin. Hindi ko rin naman gustong gawin iyon. There's a perfect timing for everything, hindi lang ngayon.
Habang patagal ng patagal ang pagsasama namin, doon ko naman sya higit na nakilala. Totoo nga yung kasabihan, na higit mo na makilala ang ugali ng isang tao pag nakasama mo na isang bubong. Yung babaeng iniwan ko noon, pagbalik ko madami ang nagbago sakanya. Sa pananamit, sa pananalita at most especially sa ugali nya. Masasabi ko na saamin dalawa, mas selosa sya. May madikit lang saakin na kung sino magseselos sya. Sa fans ko, maging sa mga nakakatrabaho ko. Kaya naman ingat ako sa mga galaw ko dahil ayoko sya bigyan ng rason para magselos. Masyado rin sya moody, kaya dapat kung ano yung hilingin nya pagkain pag nagcrave yan kahit dis oras pa yan ng gabi bilhin mo na. Kasi pag hindi mo yan napagbigyan, hindi ka nya kikibuin ng isang linggo. Oo, ganon nga sya magtampo. Diba ang labo ng mga babae, kun sabagay ganoon naman talaga ang mga babae. Tsk. Teka, parang hindi ako babae ah 😂
