Chapter 55

65 0 0
                                    

THE STORY OF US

CHAPTER 55

CELINE's POV

~Flash Back~

Nakaramdam ako ng pagkalam ng tyan kaya naisipan ko'ng bumaba at maghanap ng pweding makainan. Hindi ko na inabala pa si Sanya dahil alam ko'ng nagpapahinga ang mga yun. Hindi ako nakasabay sa kanila sa pagkain kanina dahil ninais ko'ng mapag isa. Marami ako'ng iniisip, kasama na roon kung paano ko makukumbinsi si Sanya na sumama sila saakin pabalik ng manila. Nagngangamba ako na baka bago ko pa sila maiuwi ay maunahan na kaming mahanap ng pamilya ni Riri at nangangamba ako sa maaari nilang gawin sa dalawa. Batid ko'ng maimpluwensya at makapangyarihan ang pamilya ni Riri kaya nasisiguro ko'ng hindi magiging mahirap para sa kanila ang mahanap kami rito.

Nasa may lobby na ako ng hotel at balak ng lumabas ng mapatigil ako. Mula sa labas ng hotel ay kita ko'ng papasok ang isang grupo. Hindi ko lang alam kung grupo sila ng mga Doctor. Bukod kasi sa mga dala ng ilan na medicine kit ay naroon ang mga pinsan ko'ng sina Claudine at Kean. Ilan rin sa mga kasama nila ay kilala ko, Doctor rin na nanggaling sa hospital namin.

"Ano'ng ginagawa nila rito. ?" Mahinang usal ko habang nakakunot ang noo.

Nang makapasok ang mga ito ay agad na dumiretso sa information desk. Nakita ko si Kean na parang tanga nakatingala habang pinagmamasdan ang kabuuan ng hotel. Kitang kita sa mukha nya ang paghanga sa lugar. Hindi na nga matanggal ang pagkakangiti nito.

Maglalakad na sana ako para lapitan sila ngunit napatigil rin ako ng mangibabaw ang tinig ng isang babae.

"Maligayang pagdating !" Napakatinis ng boses nya. Galing iyon sa kaibigan ni Sanya, yung sexy'ng babae na pinagpala ang hinaharap. Nilagpasan nya ako at sinalubong sya ni Clau pagkatapos nagyakap silang dalawa. Kakatwa dahil hindi manlang ako napansin ng pinsan ko na kung tutuusin ay hindi naman ganon kalayo ang kinatatayuan ko sa kanila, nais ko tuloy matawa. "Hows the trip ? Kanina ko pa kayo inaantay, natagalan yata kayo. "Tanong ng babae matapos silang magyakap ni Clau.

"Nadelay kasi yung flight namin kaya kami natagalan. "Nakangiting tugon ni Clau.

"I see.. but wait.. nasaan si Joax.. ? I thought kasama nyo sya ?" Maarteng sabi ng babae na pumipilantik pa ang mga daliri.

But wait.. tama ba yung narinig ko ? Si Joax kasama rin nila ? Nalintikan na.. masyado yata pinasisikip ang mundo namin dalawa.

"Mamaya pa 2 P.M ang flight nila. Mamayang hapon pa sila darating.. "

"Ahhh.. "tumatango sabi ng babae.

"Hi Ms. Zoey.. "Lumapit si Kean sa kanila. "Kean Gregory by the way. "Pagpapakilala nya sabay lahad ng kamay.

"Oh hi.. Nice to meet you kean.. "Magiliw na tinanggap naman ng dalaga ang pakikipagkamay ni Kean. Nginitian sya ng binabae ko'ng pinsan. Sakto paghugot nya ng kamay nya sa dalaga ay saktong napatingin sya sa gawi ko.

"Ohhh.. " Nanlalaki ang mga mata ni Kean habang nakaturo saakin. Bakas ang gulat sa mukha nito. "Ce-celine ??" Dahil sa sinabi nya ay sabay na napalingon ang dalawang dalaga saakin. Nakita ko kaagad ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Clau. Sa kaninang nakangiti, napalitan ng pagkadisgusto.

"Kilala mo sya ?" Tanong ni Zoey kay Kean habang nakaturo saakin.

"Oo naman.. Pinsan namin yan. "Tugon ni Kean. "Excuse lang ah.. "paalam nito saka dali daling lumapit saakin. Kumapit sya sa braso ko at hinila pa ako paalis. "Ano ba ang ginagawa mo rito bruha ka ?" Aniya.

"Ahhh.. "Napakamot ako sa ulo. "Resort 'to ng kaibigan namin. Inimbitahan nya lang kami magkakaibigan na magbakasyon rito. " Nilingon ko si Clau matapos ko'ng sabihin iyon. Nakikipag usap sya kay Zoey pero ang kanyang masamang paningin ay nasa akin. "Eh kayo ?" Baling ko kay Kean at sinikap ko'ng ngumiti. "Ano'ng ginagawa nyo rito. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon