Chapter 9

14 1 0
                                        

DIANA's POV

Matapos namin makapag dinner sa kanila ay umuwi na din kami. Hindi na namin nagawa puntahan ang dapat na ipapakita ko sakanya dahil nawalan na ako sa mood at sabi nya pagod na sya. Isa pa, walang kasama sa bahay si czarina.

Nakahiga lang ako sa kama habang nakatagilid. Mula kanina hindi ko sya masyado kinakausap. Naiinis pa rin ako sa ginawa nya pero ayoko sya komprontahin dahil alam ko matatalo lang ako. Ipinapakita ko nalang sakanya na naiinis ako.

Narinig ko lumabas na sya ng CR kaya nagkunyari tulog na ako, nagtalukbong pa ako ng kumot. Naramdaman ko na naupo na sya sa gilid ng kama at ilang saglit pa naramdaman ko na yumakap sya saakin. Napadilat ako ng mata pero hindi ako gumalaw.

"Hon ? Tulog ka na ?" Tanong nya pero hindi ako sumagot.

"Alam ko hindi ka pa tulog. "Dagdag pa nito ngunit hindi pa rin ako sumagot.

Ilang saglit pa naramdaman ko na hinahalikan nya na ako balikat pataas sa leeg. F*ck ! She's turning me on. Pero hindi ! Hindi ako magpapadala sa tukso.

"Ouch !" Inda ko ng kagatin nya yung tenga ko. Tuluyan ako napaharap sakanya na ngayon ay tumatawa.

"Sabi ko na nga ba gising ka eh ! "Mapang akit na saad nito pagkatapos bigla nalang nya ako hinalikan sa labi. Hindi ako nagrespond, hinayaan ko lamang sya. Kahit gustong gusto ko halikan sya pabalik tinitiis ko yung sarili ko dahil naiinis ako sakanya.

Napansin nya siguro hindi ako gumagalaw kaya tumigil sya at tinignan ako.

"Ano ba ang problema mo. ? Kanina mo pa ako dinideadma ah. ! Ano ba ang ginawa ko. ?! Is it about doon sa kanina ?" - Aira.

Bumangon ako sa pagkakahiga at naupo nalang sa gilid ng kama at hindi sumagot.

"So yun nga yun. ?! Ano ba ang masama sa ginawa ko ? Ginawa ko naman iyon para sayo. Hindi mo ba maappreciate iyon. ?"- Aira.

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya kaya mabilis ko sya hinarap.

"Maappreciate ?? Alin doon ang dapat ko iaappreciate ? Dapat ko ba ipagasalamat sayo na pinangunahan mo ang desisyon ko. ? Akala ko ba nag usap na tayo at naiintindihan mo hindi ko gusto magpatakbo ng negosyo. !"-Diana.

"Bakit ka ba nagagalit saakin. ? Ginagawa ko lang naman ang alam ko makakabuti sayo. Sa future natin. Look, hindi naman kita pinipigilan na gawin kung ano ang gusto mo. Hindi mo ba naisip, kapag naitayo na ang sarili mo agency magiging malaya ka na. Magagawa mo na lahat ng gusto mo, na walang pumipigil sayo. Walang nagkokontrol sayo. Ikaw yung boss sa sarili mo agency. Pwedi mo ipagsabay ang showbiz career mo at pag aaral ng film. Hon, pwedi mo na rin isabay ang pagiging dance instructor. Mas malaking place ang napili ko pagtatayuan natin ng bagong business natin. Diba maganda simula iyon para saatin dalawa kapag nakasal na tayo. ? You can do whatever you want hon. Hindi kita pipigilan sa gusto mo, nandito lang naman ako para tulungan ka, para suportahan ka. "- Aira.

"Eh naplano mo na pala ang lahat without consulting me. Hindi mo manlang ako tinanong kung papayag ako. Sa ginagawa mo ano sa tingin mo ang pinagkaiba mo sa bunny ? Ha.? You're controlling me Aira. Dinidiktahan mo ako sa kung ano ang dapat ko gawin. Aira, may isip din ako hindi nga lang kasing talino mo pero kaya ko magdesisyon para sa sarili ko. Naiintindihan ko concern ka saakin, pero sana nirespeto mo din ang maaring maramdaman ko. Sa ginagawa mo para ako nagiging inutil, na susunod nalang sa kung ano ang sabihin mo. "- Diana.

Halata ang pagkabigla nito sa mga sinabi ko.

"Ano sinabi mo. ? I'm controlling you. ? Pagkokontrol ba ang tawag mo sa pagtulong ko sayo. ? "-Aira.

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon