CHAPTER 51
CELINE's POV
Pareho kami natigilan ng mula sa di kalayuan natanaw ko si Karen na nakatangang nakamasid saamin. Nakapamulsa ito at bahagya pa nakaawang ang bibig habang palipat lipat ang tingin saamin. Malamang nakita nito ang pangyayari kaya gayon na lamang ang pagkabigla nito. Napahinga ako ng malalim at nagbaba ng tingin saka marahan na napahilot sa batok.
Kunot ang noo na nilingon ko si Aira. Halos mamutla ito ng makita si Karen. Hindi ito makagalaw sa kinatatayuan. Sigurado ako'ng takot ito baka makarating kay Diana ang nangyari.
"Tsss.. " Napangisi ako at iiling iling na napakamot sa ilong. Kasalanan nya naman ang lahat ng iyon, kung bakit umabot kami sa ganon. Maski man ako ay nandidiri na naidampi ko ang labi ko sa babaeng ito. Tapos sya pa ang may ganang akusahan manyakis ako. Tsk.
"Kasalanan mo ito.. " biglang sabi nya na ikinalingon ko sakanya. Salubong na salubong ang kilay nito at ramdam ko ang malalalim nya paghinga.
"Paano naging kasalanan ko ? "Sinadya ko'ng maging sarkastika. "Hindi ba ikaw ang unang lumandi saakin ?" Malumanay ngunit seryuso ko'ng sabi.
"Lumandi ???" Pasigaw nito'ng sabi. "Ang kapal ng mukha mo... !"
Mas lalo ako napangisi. Nais ko lang naman siya asarin dahil sa tuwing naasar sya lumalaki ang butas ng maliit nya ilong. "Bakit hindi ba ? Para makuha mo ang atensyon ko ay sinadya mo gumawa ng eksena.. "
Mas lalo umusok ang ilong nito sa galit. "Ang kapal kapal kapal kapal kapal ng mukha mo !"sigaw nito sa mismong pagmumukha ko. Naiiwas ko ang aking paningin, ipinunas ko aking kamay sa mukha ko bago ko sya binalingan na nagngingitngit pa rin sa galit.
"Benditado ba yan laway mo para isaboy sa pagmumukha ko ?" Huminga ito ng malalim sa mismong mukha ko. Hindi ko naman inalis ang seryuso tingin ko rito. Actually, kanina pa ako napipikon sa pagiging maingay nya pero pinipigilan ko lang baka mapasama ang lagay nya pag tuluyan ako magalit.
"Hindi ka lang pala talaga mayabang. Antipatika ka pa... !"
Napatawa ako ng may tunog. "Ayon palang ang ginagawa ko nayayabangan ka na ? Ano pa kaya pag pinakitaan kita ng ibang bagay na kaya ko'ng gawin. Baka mahulog ka.. " mayabang ko sabi.
Hindi makapaniwalang tumawa ito. "Wag ka mag alala, hindi ko na hihilingin na makita pa ang ibang side mo.. isa lang ang masasabi ko sa'yo.. isa ka'ng siraulo.. "
Naitabingi ko ang ulo habang kunwa'y mangha ko sya tinitignan. "Tama ka, siraulo nga ako.. kaya wag ka magkakamaling banggain ako. Dahil Masama ako'ng magalit.. "
Nakita ko kung paano magrehistro ang takot sa mukha nito ng paseryusuhin ko ang tinig at itsura ko.
"Celine ! Miss Aira.. "
Boses iyon ni Karen kaya natigil ang masama namin tinginan. Nakalimutan ko na nga na nariyan pala ang isang ito. Nagpalipat lipat ang tingin ni karen saamin ng makalapit ito.
"It's-- It's not what you think karen.. "aligagang paliwanag ni Aira rito. Tinignan naman sya ng nagtatanong ni Karen.
"Nakita ko ang nangyari.. "ani karen. "Bakit-- bakit kayo nag aaway ?" Muli nagpalipat lipat ang tingin nito saamin.
"S-ya !.. " biglang turo saakin ni Aira. "Sya ang may kasalanan ng lahat. Abnormal yan kaibigan mo... pinagsamantalahan nya ako. !"
"Ehhh ???" Gulat na bulalas namin ni Karen. Gulat na gulat na binalingan ako ni Karen at ako, hindi ko alam kung paano magpapaliwanag. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa dalawa.