Chapter 38

6 0 0
                                    

CHAPTER 38

CELINE's POV

JOAQUIN A. MENDEZ
General Surgeon

Muli ko inangat ang tingin ko sa mukha nya at muli nagtama ang mga paningin namin. Ilang segundo binalot ng katahimikan ang paligid at kapwa walang gusto magsalita saamin dalawa, nakipagtitigan sya saakin as if kinakabisa nya ang kabuuan ko. Pakiramdam ko Tumatagos ang tingin na iyon hanggang spinal cord ko. Ngayon ko lang napagtanto na ngayon lang ako nakatagal na makipagtitigan ng matagal sa isang tao hindi ko kilala at wala ako naramdaman na pagkailang.

"Excuse me ma'm... Ma'm. ?"

Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang tawag saakin ng kahera. Inilihis ko ang tingin ko sa lalaki at tinignan ang kahera.

"Here's your order ma'm. "Nakangiting saad ng kahera sabay abot saakin ng epresso ko.

"Oh, thank you. "Ilang ako ngumiti at kinuha ang inorder ko. Mula naman sa gilid ng mata ko pasimple ko tinignan ang lalaking nasa tabi ko. Nakatingin sya saakin at hindi lang iyon, nakangiti pa.

"Nagkita ulit tayo.. "biglang saad nito. "Sabi ko na nga ba, destined tayo sa isa't isa. " Napaharap ako sakanya at gaya ng inaasahan ko nakangiti nanaman ito.

I clench my jaw, sabay saglit na nag iwas ng tingin bago muli sya tinignan. "Are you stalking me. ?" Diretso ko ng tanong.

"Woo !" Gulat na bulalas nito. "Excuse me ?? Me ??" Turo nya sa sarili. " Stalking you. ?! Oh no no no !" Nakatawa ngunit bakas ang pagkasarkastiko sa sinabi nya. Iwinagayway pa nito ang kamay sa harapan ko na sinasabi nya mali ang iniisip ko. "Kadarating ko lang dito para umorder ng paborito ko espresso, I'm on my way to my duty, sakto lang na nakita kita rito ng HINDI sinasadya.. "nakangiting dagdag pa nito.

Napatitig ako muli sa mukha nya, nagbabakasakali na mabasa kung nagsasabi sya ng totoo. Inaasahan ko na sana sya nalang ang sumusunod saakin, pero nagkamali nga ako ng hinala, dahil hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin na may mga mata nakatingin saakin.

'NAPAPRANING NA BA TALAGA AKO. ?!'

Pasimple ako tumingin sa labas, doon ko nakita ang itim na sasakyan at mula sa loob noon ay may nakita ako lalaki nakasumbrero na nakatingin sa direskyon namin. Dahil malayo sya saakin ay hindi ko nakita ang mukha nya, pero isa lang ang sigurado ako. Hindi ko sya kilala.

Bigla nalang nito binawi ang tingin at sinara ang bintana pagkatapos umalis ang sasakyan.

"Paparazzi kaya yun. ?" Tanong ko sa isip ko. "Pero kung paparazzi nga iyon, bakit wala sya camera tangan upang kunan ako ng litrato na may kasama lalaki. "Bigla ako natuliro sa sariling isipin at lumipad ang isip ko sa kung saan..

"Miss... " untag saakin ng lalaking kaharap ko at kinaway pa nito ang mga kamay sa mukha ko. "Hello. !"

"Aish ! Ano ba. !" Inis ko tinapik ang kamay nya at saka sya sinamaan ng tingin. Umayos naman ito ng tayo at namulsa.

"Kinakausap kasi kita, ang layo ng tingin mo. Sino ba ang tinitignan mo roon ?"tumingin pa ito sa labas ng coffee shop bago muling tumingin saakin. "At saka.... "huminto ito sa pagsasalita at ilang saglit na napatingin sa mukha ko. "Anong nangyari dyan sa labi mo ?" Tinuro nya ang labi ko. "Ba't putok yan labi mo. ? Nakipagsuntukan ka ba. ?" Pang uusisa pa nito.

Natigilan ako, bigla nalang ako nakaramdam ng pagkailang kaya iniiwas ko sakanya ang paningin ko.

"Doc Joax, ito na po ang espresso nyo.. " Biglang sulpot ng kahera at ibinigay sakanya ang order nya.

"Thanks, Marielle.. "malambing na saad nito na ikinatingin ko naman sakanya. Nagpakawala ito ng matamis na ngiti, pagtingin ko sa kahera ay napakalawak ng pagkakangiti nito. Halatang kinikilig. Tapos tumingin saakin ang kahera, nahuli nya ako nakatingin sakanya.

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon