Chapter 49

9 0 0
                                    

CHAPTER 49

DIANA's POV

Nakaupo ako sa kama habang mataman lang na tinitignan ang nakatalikod na si Aira. Nakaharap ito sa bintana, magkakrus ang dalawang braso habang nakatingin sa labas. Nilaro laro ko ang daliri ko, hindi ko alam kung paano sya kakausapin gayon alam ko'ng galit sya dahil sa ginawa ko kanina. Hindi ko kasi inaasahan na nakita nya ang ginawa ko'ng pagtitig doon sa hinaharap ng babae, na ngayon pinagsisihan ko na. Dapat hindi ko yun ginawa, dapat hindi ako nagpadala sa tukso. Nakalimutan ko'ng may mga kasama pala kami na pweding makakita sa ginawa ko, lalong lalo na sya. Pero ano pa ang magagawa ko ? Nangyari na, wala naman ako'ng balak na lokohin sya. Sadyang nagkamali lang ako ng tingin.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Honey.. " mahinang tawag ko rito. Pero hindi nya ako sinagot. Muli ako bumuntong hininga pagkatapos tumayo ako at nilapitan sya. Niyakap ko sya mula sa likod at saka ipinatong ang baba sa balikat nya. "Sorry na. " Mahinang bulong ko sa tenga nya. Hinalikan ko sya sa pisngi at niyakap ng mas mahigpit ngunit nagulat ako ng alisin nya yun at iwan ako. Nangunot ang noo ko at saka napakamot sa ulo habang pinapanood sya maglakad patungo kama at maupo roon patalikod saakin. Nanamlay bigla ang puso ko dahil sa pang iignore nya saakin. Mas okay na saakin na sigawan nya ako kesa deadmahin. Mas mahirap yun dahil hindi ko alam kung paano ko sya susuyuin.

Naglakad ako patungo sa kinaroroonan nya, naupo ako ng paluhod at saka sya tiningala. Nakatingin sya sa kung saan habang magkasalubong ang mga kilay.

"Hon, galit ka saakin ?" Tanong ko. Kahit alam ko naman na ang sagot. Hindi ito sumagot. "Honey.. "Pangungulit ko. "Tumingin ka naman saakin. Nasasaktan ako sa ginagawa mo eh.. "nakanguso ko sinabi. Dahil don ay tumingin sya saakin.

BINGO !

"Ikaw pa ngayon ang nasasaktan ? Ang kapal ng mukha mo. " Galit nya yun sinabi. Napapahiyang nagbaba ako ng tingin.

"Sorry na kasi.. mali yung iniisip mo.. "

"Mali yung iniisip ko ?! Kitang kita ng dalawang mata ko, tumingin ka sa b**bs ng babae ! "Singhal nya saka tumayo at nagpalakad lakad. Naiwan naman ako nakaluhod. "Kararating lang natin dito, kung kani kanino ka na tumitingin. Ganyan ka ba pag wala ako. ?!"

Napapikit ako at pinigilan wag mainis. Tumayo ako pagkatapos hinarap sya. "Hindi ako ganon. Kahit kelan hindi ako tumingin sa iba. "Malumanay ko sabi.

"Eh ano'ng tawag mo dun kanina ?! Hindi ba malinaw sa'yo na isa yun pagtataksil. ?!"

Napasinghap ako ng hangin sabay saglit na nag iwas ng tingin. "Fine.. " Naitaas ko ang dalawa ko'ng kamay, senyales ng pagsuko. "I admit nagkasala nga ako. " Huminga aki ng malalim bagi muking tumingin sakanya. " May mga pagkakataon talaga sa buhay natin na hindi maiiwasan na makagawa ng kasalanan. Dahil tao lang din ako, natutukso, napapatingin sa iba. " Lumapit ako sakanya at hinawakan sya sa magkabilang braso." Pero pag sinabi ko'ng ikaw lang ang mahal ko, maniwala ka ikaw lang at wala ng iba. " sinabi ko yun ng nakatitig sakanya mga mata. Hindi ito sumagot bagkus pinakatitigan nya rin ako.

"Tsss.. Kwento mo yan sa pagong. "Hinawi nya ang kamay ko at muli nya ako iniwan. Napatingala ako pagkatapos naigalaw galaw ko ang aking katawan maging ang ulo. Pagkatapos nilingon ko sya na naroroon nanaman sa bintana.

'Ang hilig magpahabol. Tsk.'

"Honey.... " Nababagot ko'ng tawag sakanya.

"Wag mo ako kausapin. " sinabi nya yun ng nakatalikod saakin. Hindi manlang ako nilingon.

Napanguso ako. "Ayaw mo na saakin ? Hindi mo na ako mahal ?"

"Wala ako sinabing ganon. "

"Pero pinaparamdam mo. Nasasaktan ako honey.. " Naglakad ako patungo sakanya saka tumigil ng ilang inches nalang ang layo mula sa kinatatayuan nya. Hindi nya pa rin ako nililingon. "Napapagod ka na saakin ?" Malungkot ko'ng tanong.

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon