Chapter 45

8 1 0
                                    

CHAPTER 45

AIRA's POV

"We're home !" Sigaw ni Diana ng makapasok kami ng bahay. Pareho pa kami nagulat at napatigil ng bumungad ang napakaraming regalo na nakatambak sa sala.

"Wow !" Manghang bulalas niya habang nakatingin sa regalo. May malaking teddy bear na halos mas malaki pa sa tao saka mga box na nakabalot. Siguro galing sa mga fans nya ang mga ito. Halos taon taon naman sa tuwing sasapit ang pasko ay marami talaga ang nagpapadala sakanya ng regalo.

"Nandito na pala kayo.. "Si Ate Ruth na galing kitchen. "Natagalan yata kayo. Akala ko dyan lang kayo sa baba. "

"Dumaan pa po kasi kami ng bahay. "Sagot ko naman. Hindi pa man nakakasagot si Ate Ruth sumingit na si Diana.

"Ate Ruth, saan galing ang mga 'to ?" Turo nya sa napakadaming regalo.

"Ah yan.... May nagdeliver nyan rito kanina na taga bunny. Galing daw sa mga fans mo at sponsors. Nahirapan nga maghakot ang dalawang messenger paakyat rito. Ang dami kasi. "

"Talaga ?" Maikling tugon nito na hindi naalis ang pagkakangiti sa labi pagkatapos dali dali tumungo sa mga regalo at kinuha ang isang box. "Wow !" Bulalas nito ng mabuksan ang balot ng isang box na naglalaman ng PS4. "Ito yung gusto ko. !" Tuwang tuwa nito pinakita saakin ang regalo. "Ang galing ! May PS4 na ako. !"

Pinanood ko na lamang sya na excited na buksan ang laman ng box ng bagong nya laruan. Ingat na ingat pa ito sa pagbubukas na hindi masira ang lalagyan. Napabuntong hininga na lamang ako.

Kung may isa man ako kaagaw pa sa atensyon nya ay iyon ang pagkaadik nya sa games sa internet. Sa katunayan sa bago namin bahay may pinagawa sya sariling playstation. Hindi ko naman sya pinagbabawalan, kasi bago ko pa man sya nakilala gamer na talaga sya. Besides, iyon lang din ang libangan nya rito sa bahay.

"Tuwang tuwa ang bata. "Komento ni Ate Ruth.

"Kaya nga po. " Nakangiting tugon ko naman habang hindi inaalis ang paningin kay Diana. Napakasarap lang kasi tignan ang ngiti nya sa mga simpleng bagay na nakakapagpasaya sakanya.

Tinignan ko sa lapag ang paper bag na naglalaman ng take out namin pagkain. Basta nalang nya iniwan sa lapag. Tsk. Kinuha ko iyon at binalingan sya.

"Maghahanda lang ako ng lunch natin. "

"Sige. "Tugon nito ng hindi manlang ako nilingon. Abala sya sa bago nya laruan.

"Hindi na rin ako magtatagal. " Napabaling ako kay Ate Ruth ng sabihin nya iyon. "Kailangan ko na rin umalis, inantay ko lang talaga kayo. "Dagdag pa nito.

"Pero bumili kami ng tanghalian para saatin.. dito nalang po kayo magtanghalian. "Sabi ko naman.

"Oo nga naman ate ruth, mamaya ka na umalis pagkatapos kumain. " pagsang ayon naman ni Diana.

"Gustuhin ko man pero kasi inaatay rin ako ng nanay sa bahay. Sabi nya nais nya sabay sabay kami mananghalian at dadalaw din ang aking mga kapatid. Minsan lang din kasi magsidalaw ang mga kapatid ko sa bahay dahil nga sa trabaho. Alam nyo na, ako nalang ang naiwan mag alaga sa nanay kasi may kanya kanya na rin pamilya ang mga kapatid ko. Eh sakto naman nagayak silang magreunion. " Kwento ni ate ruth.

"Ah ganon, pasensya na ate ruth may family reunion pala kayo. Dapat sinabi nyo para hindi na kayo pumunta rito. Ipinalaundry ko nalang sana yung mga labahin doon sa baba. "Nahihiya ko saad. Ako kasi ang nagpapunta sakanya rito para maglinis ng bahay at para maglaba. Sya rin naman kasi talaga ang katulong namin rito. Yun nga lang on call sya, kapag may mga lilinisin at labahin doon lang namin sya tinatawag.

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon