Chapter 33

5 0 0
                                    

CHAPTER 33

RIRI's POV

"Mahal... Uy ! Mahal, gising na.. "

Nararamdaman ko may umuuga saakin kaya naman dahan dahan ko iminulat ang mga mata ko. Bumungad ang mukha ng maganda ko girlfriend.

Napaayos ako ng upo at saka iginala ang paningin sa labas. Nakakarinig kasi ako ng malakas na busina ng barko.

Hindi nga ako nagkamali dahil nasa pantalan kami.

"Nasaan na tayo. ?" Nagtatakang tanong ko rito.

"Nandito na tayo.. "Nakangiting tugon naman nito. "Tara na.. baba ka na dyan. "Inaabot nya saakin ang kamay nya. Ilan saglit ko pa iyon pinagmasdan bago ko inabot at saka inalalayan nya naman ako pababa ng sasakyan.

Pagkababa ko ay may nakatayo ng lalaki sa harap namin. Nakangiti sya saakin at sa tantya ko kaedad lang namin sya.

"Nga pala, Sya ang pinsan ko si Macoy.. "pagpapakilala ni Sanya rito. "Macoy, si Riri.. Sya ang sinasabi ko Girlfriend ko.. "

Ngumiti naman ng napakalapad si Macoy.

"Hello, Nice to meet you. "Nakangiting inabot nito ang kamay saakin.

"Ah- Nice to meet you too. " Nakangiting inabot ko rin ang kamay nya at nakipagkamay.

"Hanep insan ! Hindi mo naman sinabi na ganito pala kaganda ang girlfriend mo. Aba'y kung ako nga yan ay hindi ko na papakawalan. "

Tumawa lang si Sanya at nahihiya naman ako na nakitawa sa kanila. Tapos nilingon ko si Sanya.

"Hindi ko alam na ikinikwento mo pala ako sa kanila. "

"Sakanya lang.. nagtanong kasi sya kung ano ang gagawin natin rito. Kaya sinabi ko na magbabakasyon ako kasama ang girlfriend ko. "Aniya.

"Ah- hehehe. "Pilit ko ngiti. Hindi kasi ako kumportable na may ibang nakakaalam ng relasyon namin.

"Wag ka mag alala.. alam ko naman simula ng bata pa kami ay baliko na talaga iyan si Sanya.. "saad ni Macoy at ngumiti pa. "Imbes na manika ang hawak nyan ay nakikipaglaro yan saamin ng mga lalaki nya pinsan ng baril barilan. "Kwento pa nito at natawa naman ako.

"Tumahimik ka na insan at baka kung ano pa ang makwento mo. "Natatawang saway naman dito ni Sanya.

"Hahahaha. Totoo naman.. Pero lumaki ka rin naman maganda.. yun nga lang humanap ka pa rin ng mas maganda. Hahahaha"

Muli ako napatawa dahil sa hirit nya at pailing iling naman si Sanya.

"Wala eh.. nabihag nya kasi ang puso ko.. "Hirit naman ni Sanya at pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng mukha.

"Naku ! Mukhang tumatamis ang hangin ah.. "

"Hahahahahahaha. "Tawa nila ng malakas.

"Naku insan, mamaya na tayo magbuluhan.. Halina't iihatid ko na kayo sa resort ng makapagpahinga na rin kayo. Mukhang mahaba ang binyahe nyo. "Saad ni Macoy.

"Oh! Sige.. pero paano itong sasakyan ko. ? Wala ba gagalaw nito dito. ?" Tanong ni Sanya rito.

"Hindi.. may kasama ako. Papauwi ko nalang muna yan sa bahay. Teka saglit.... Natoy !" May tinawag sya lalaki. Isang may katandaan lalaki.

"Yes boss ?" Agad na tanong ng lalaki ng makalapit saamin.

"Ito'ng sasakyan, igarahe mo na muna sa bahay ha ?. "Utos ni Macoy rito.

"Sige boss. "

"Oh, insan ibigay mo na sakanya ang susi.. sya na ang bahala dyan sa sasakyan mo. "Baling ni Macoy kay Sanya.

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon