CHAPTER 29
NIKKI's POV
Ngingiti ngiti ako habang papalabas ng room ni Che. Nakakatawa lang kasi ang itsura ni Diana sa tuwing naasar at gustong gusto ko naman gawin iyon. Hahaha.
Yung nangyari kay Che ay ganito.. MAGBASA.
Dapat wala kami rehearsal ngayon. Kaso bigla kami pinatawag ni Manager Bae. Pinapunta kami ng bunny at nagulat pa ako ng kami lang ni Che ang nandoon.
FLASHBACK
Pagpasok namin ng training room ay agad ko napansin ang napakaraming pictures na nakadikit sa white board. Pictures ng mga aspiring idol na nag audition kahapon. Nandoon na rin si Manager Bae at tila inaantay nya talaga kami.
"Good morning Manager Bae. "Agad na bati namin rito ng makapasok kami.
"Good morning.. sitdown. "Tugon nito na agad naman namin sinunod. Naupo kami ni Che ng magkatabi.
"Bakit nyo po kami pinatawag ? At bakit kami lang ?" Agad na tanong ni Che na halata ang pagiging matamlay pero hindi ko nalang iyon pinansin.
"Talagang kayo lang ang pinatawag ko. Dahil may gagawin kayo... Nakikita nyo 'tong mga pictures na 'to. ?" Tinuro nya ang mga pictures na nasa white board. "Sila ang mga bagong Idol na na napili na sasailalim sa training.. nais ko kayo ang maging mentor nila. "
"P-o ?!" Sabay pa namin sabi ni Che. Tumango naman si Manager Bae saka nagpalakad lakad sa unahan.
"Si Che ang nakaassign sa Vocal at ikaw naman Nikki sa choreo, pagsasayaw.. "si Manager Bae.
"Pero.. Manager Bae hindi po ako ang main dancer.. Hindi po ba dapat kay Diana nyo ipagkatiwala ang choreo. "Sabi ko.
Hindi naman sa minamaliit ko ang sarili ko pero kung pagbabantayan ay di hamak na mas magaling saakin si Diana sa pagsasayaw. Mas matuturuan niya ang mga batang ito na gumaling.
"Ayan na ang napag usapan. Chineck namin ang sched ni Diana, marami sya endorsement na gagawin sa susunod na taon. Mga fashion week na aattend'an. Kung ibibigay pa namin sakanya ang pagtitrain ng mga Idol baka magkaroon lang ng conflict sa schedule nya... "paliwanag ni Manager Bae. "Nikki... Pinagduduhan mo ba ang sarili mo kakayahan. ?"
"Hindi naman po sa ganon manager.. eh, iniisip ko lang po si Diana baka kung ano ang sabihin nya. "
"Wag ka mag alala sakanya.. ako nalang ang kakausap sakanya at sigurado naman ako na okay lang sakanya 'to. "Si Manager Bae.
"Eh pano si Riri ?" Singit ni Che.
"Ah si Riri.. hindi din pwedi kay Riri kasi may nakaline up sakanya TV drama. "
"Ha ??" Gulat namin sabi ni Che.
"Si Riri magkakadrama ? Kelan. ? "Sunod sunod na tanong ni Che.
Tumango naman si Manager Bae.
"Hindi pa namin nasasabi sakanya pero may offer na sakanya ng lead role para Medical Drama. Magiging leading man nya doon ang Idol din na si Ian kang. Kung matutuloy yun, Ito yung pareho debut ng dalawa sa acting. "
"Wow !" Hindi makapaniwalang sabi namin ni Che saka kami nagkatinginan.
Masaya ako kung kukunin ni Riri ang role. Alam ko naman na kayang kaya nya yun. Mas maipapamalas nya pa ang acting skills nya. Saamin kasi apat si Riri ang may potential na sumikat sa paggawa ng serye.
"Actually, unang in'offer ito kay Celine na lead role pero inayawan nya. "
Nagulat naman ako sa sinabi iyon ni Manager Bae.
