CHAPTER 37
RIRI's POV
Pasado alas 10 na ng umaga ng magising ako, tinanghali na nga ako ng gising. Napasarap ang tulog ko, bukod kasi sa pagod ako dahil sa haba ng ibinyahe namin ni Sanya ay masarap ang atmosphere dito sa resort. Sadyang nakakarelax ang lugar.
Pagkagising ko ay inaasahan ko mukha nya ang mabubungaran ko, ngunit bigo ako. Dahil paggising ko wala na sya sa tabi ko. Kung tutuusin ay parati sya ang nahuhuli ng gising. Matakaw kasi sa tulog ang isang iyon.
Pagkabangon ko ay dumiretso ako ng CR at p inayos ang sarili ko. Baka kasi nasa baba na sya. Matapos ko makapag ayos ay lumabas ako ng CR at kinuha ang cellphone mula sa bag ko. Mula kasi kahapon ay hindi ko pa nachicheck ito. Masyado ako naging abala sa ibang bagay para maalala pa ito. Mabilis ko inopen iyon at inantay na magloading.
"Walang signal. ?" Kunot noo saad ko.
Itinaas ko pa ang cellphone at naghanap ng signal pero wala talaga ako mahanap.
Knock knock
Napatingin ako sa pintuan ng marinig ko ang magkasunod na katok.
"Sino yan. ?"pasigaw ko tanong.
"Ah... Riri, si Macoy 'to.. chineck ko lang kung gising ka na. "Tugon naman nito.
Ipinasok ko muna ang cellphone sa bulsa ng shorts ko saka ako naglakad patungo sa pinto at pinagbuksan sya. Agad naman ito ngumiti ng makita ako.
"Naabala ba kita. ?" Tanong nito.
"Ah... hindi naman, actually pababa na nga ako eh.. "binigyan ko sya ng tipid na ngiti. "Nga pala... si Sanya nakita mo ba. ?" Dagdag kong katanungan.
"Tungkol dyan.. umalis kasi sya.. "
Napakunot ang noo ko sa sagot nya. "Umalis. ? Saan naman sya nagtungo. ?"
"Uhmm.. pinatawag kasi sya ng lolo namin eh.. pero babalik din iyon, sabi nya bago magtanghalian nandito na sya.. "
Gusto ko man pahabain ang nguso ko pero hindi ko nalang ginawa. Nakakainis naman kasi ang babaeng iyon, hindi manlang nagpaalam na aalis sya. Inuwi nya ako rito para iwan iwanan. Tsk.
"Halika.. mag almusal ka na muna, tanghali na rin kasi eh.. "aniya.
"Ah hindi.. ayos lang ako.. aantayin ko nalang sya makabalik. Sabay nalang kami magtanghalian. "Pagtanggi ko. Hindi pa rin naman kasi ako nagugutom.
"Naku ! Baka magalit saakin si insan. Kabilin bilinan nya pa naman na pakainin kita pagkagising mo. "
"Okay lang ako, Macoy.. ako na bahala sakanya, wag ka na mag alala. "Muli ko sya binigyan ng ngiti at napakamot naman ito sa ulo.
"Oh sige.. sabi mo eh.. " Nginitian ko na lamang sya. "Oh paano ? Una na ako.. kung may kailangan ka tumawag ka nalang sa reception. May telepono naman dito eh.. " dagdag pa nito.
"Ah.. Gusto ko sana mamasyal.. "saad ko.
"Ah ganon ba ? Oh sige ! Pwedi ka naman maglakad lakad dyan sa dalampasigan. Kaso nga lang mainit na. "
"Hindi.. okay lang iyon.. "nginitian ko sya. "Tara.. sabay na ako sa'yo.. " Pag aya ko rito.
"Oh sya sige.. "
Sabay nga kami naglakad patungo elevator at habang naglalakad ay nagkikwentuhan kami.
"Sya nga pala, yung lugar ba ng lolo mo malayo rito. ?" Tanong ko.
"Medyo may distansya.. doon kasi yun sa bayan. Sa pinanggalingan natin kahapon.... "
"Ahh... "Napapatango tugon ko.