Chapter 18

10 0 0
                                    

CHAPTER  18

AIRA's POV

Naglakad ako patungo sa parking lot na hindi ko sya kasama. Hindi na rin ako nag abala na hanapin sya, tutal naiirita din ako sakanya.

"Sya pa ang may gana magmaktol ngayon. "Napangiti ako ng sarkastiko.

"Madam pasok na po. "

Napatingin ako kay Sam na ngayon nakatayo na sa gilid ko. Napagbuksan nya na pala ako ng pinto ng sasakyan. Inis na pumasok na lang ako ng sasakyan at sumunod naman si Sam.

Habang nasa byahe ay hindi ako mapakali, panay panay ang check ko sa telepono ko kung nagtext sya pero wala. Muli ako napangiti ng sarkastiko.

"Talaga naman ! Talagang tinitiis nya ako. "Wala sa sarili sabi ko.

"Ano yun madam. ?" Ani Sam na naweweirduhan tumingin saakin.

"Wala. ! Sa powerplant Mall tayo. "Utos ko.

"Po. ? Akala ko po babalik na tayo ng office ? May meeting pa kayo with the marketing team mamayang 3 P.M. "

"Icancel mo yung meeting ko, gusto ko magrefresh ! "- Aira.

"Ah ! Masu-sunod po. Tatawagan ko na po Miss Jennie. Icacancel ko yung meeting. "- Sam.

Inirapan ko lang sya saka ako tumingin sa labas. Nadidinig ko pa ang usapan nila ni Jennie unnie sa kabilang linya. Napipikon talaga ako ngayon araw, dahil yun sa babaerong babaeng iyon. Napakalandi nya. Bakit ba ako nagmahal ng kagaya nya sakit sa ulo.

"Aish !" Sa inis ko napapadyak ako.

"Madam ayos lang kayo. ?" Nag aalalang tanong ni Sam.

"Ayos lang ako. !" Singhal ko rito.

"Manong sa powerplant mall tayo. "Utos nalang nito sa driver.

Pagkarating namin ng mall agad ako naglakad papasok at sumunod naman saakin si Sam.

"Tommy's Beauty Salon "

Dire diretso din ako pumasok sa salon ni Tommy.

"Aira !! My dear, you're here !" Agad na salubong saakin ng baklang si Tommy. Kung naalala nyo sya, sya yung dating manager ni Diana. Ngayon may sarili na sya salon at dito din kami madalas pumunta.

Nagbeso beso kami dalawa saka ako naupo sa chair sa harap ng malaking salamin.

"Oh dear, bakit mag isa ka ? Bakit hindi mo kasama si Diana. ?"- Tommy.

"Hindi ako mag isa, may kasama ako di mo ba nakita ? "Sarkastiko ko sagot na ang tinutukoy ko si Sam na nasa labas lang ng pintuan. Hindi ko alam kung bakit ayaw nya pumasok.

"Ay ! Ang shunget ! Bakit ba ang init ng--"

"Stop !" Pigil ko sakanya gamit ang mga kamay ko. Tumahimik naman ito kaagad.

Dinial ko ang numero ni Sam, oo tatawagan ko sya. Ang layo nya saakin at ayoko sumigaw.

"Madam ? Bakit kayo tumawag ?"- Sam.

Tinignan ko sya mula sa salamin and I just rolled my eyes. .

"Maglibot ka na muna, balikan mo nalang ako pagtapos na ako. Tatawagan ulit kita. "Binaba ko kaagad ang tawag pagkasabi ko non. Tinignan ko sya mula sa salamin, tinignan nya nanaman ako na parang naweweirduhan kaya pinandilatan ko sya. Ayon umalis din.

"Hays !" Mahinang buntong hininga ko.

"Oh ? Pwedi na ba ako magtanong. ?" - Tommy.

"Wag ka magtanong, wala din ako sa mood sagutin ka. Gawin mo nalang ang trabaho mo. "- Aira.

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon