Chapter 12

10 0 0
                                    

CHAPTER 12

AIRA's POV

"Ano ba ang masasabi mo sa desinyo ng bahay natin ? Okay ba sayo ? "Tanong nya habang inililibot nya ako sa magiging bahay namin. Sobrang naiyak talaga ako sa tuwa kanina ng makita ko ito bahay. Hindi ko lang kasi iniexpect na talagang magpapatayo sya ng sarili bahay para saamin. Wala naman kasi sya nababanggit tungkol sa future namin kaya ang akala ko noon talagang wala sya plano para saamin dalawa. After ng proposal tapos ito nanaman. Aigoo ! What can i expect from her, palagi nga sya may nakatagong surprises.

Hindi kasi sya mahilig mag open up ng tungkol sa plano para sa future. She just go with the flow, kung ano yung ngayon doon lang sya nakasentro kaya sobra natuwa talaga ako kanina dito sa surpresa nya.

Kung tatanungin ako isa lang ang masasabi ko, napakaganda ng pagkakagawa.

"Sobrang ganda, kaya lang hindi ba sobrang lawak naman nito para saatin. ?"- Aira.

Tumigil kami sa may living room, hinawakan nya yung dalawang kamay ko pagkatapos itinapat sa may bandang dibdi dibdib.

"Okay lang yan, mas malawak mas maganda. Saka para kapag may bisita tayo gaya ng mga kaibigan natin, hindi na sila magsisiksikan sa pagtulog. Yung condo natin ang liit lang ng space. Kaya gusto ko comfortable ang mga bisita natin. Wala pa nga lang ito mga gamit pero ito living room natin, lalagyan ko ng malaking TV at speaker. Dito tayo magvivideoke kapag free day natin. "Saad nya at habang nagsasalita sya nakangiti lang din ako. Feel na feel nya kasi ang pag i'explain may action pa kasama.

"Ano, okay ba sayo yun honey ko. ?" Dagdag nya pa saka ngumiti.

"Kahit ano gawin mo dito sa bahay ay okay lang saakin basta ang importante ikaw ang kasama ko tumira dito at sympre yung magiging anak natin sa future.  "Nakangiti ko din sagot.

Muli, ngumiti ito pagkatapos umikot at niyakap ako mula sa likod.

"Ilan ba baby ang gusto mo. ? "- Diana.

"Uhmm. Okay na saakin yung dalawa para may kalaro sya. Ang pangit naman kasi kapag isa lang. Kapag tumanda tayo, sino na yung makakasama nya. ? Atleast pag may kapatid sya dalawa silang magtutulungan sa buhay. Kapag may problema yung isa, meron sya matatakbuhan aside from us. "-Aira.

"Tama ka doon, kung ako lang ang masusunod hindi lang dalawa ang gagawin natin baby. Gusto ko marami. Mas marami daw mas masaya, saka malaki naman ito bahay natin. "- Diana.

"Naku ! Kay Czarina nga nangungunsumi ka na tapos gusto mo pa mag anak ng marami. Naku ! Naku ! Okay na yung dalawa. " pagkontra ko naman sa idea nya.

"Iba naman kasi yung galing talaga saatin. Eh yung pamangkin mo iyon, napakasutil. Kapag tayo nagkaanak talagang didisiplinahin ko. Ayoko lumaki sila..... kagaya ko. "- Diana.

Napalingon ako sa sinabi nya.

"Lumaki ka naman maayos ah. Ano ba pinagsasabi mo jan. ? "- Aira.

"Nakalimutan mo na ba kung ano ako dati. ? Uhm. Sympre ayoko lang naman na maranasan nila yung narasan ko. Ayoko maging salbahe sila kagaya ko. Saka sa totoo lang naiintindihan ko naman talaga si Czarina eh, sa katunayan nakikita ko yung dating ako sakanya. Mahirap kasi talaga kapag walang oras sayo yung magulang mo. Pakiramdam mo nag iisa ka lang sa mundo. Tapos yung pakiramdam na namamalimos ka ng atensyon at pagmamahal ng iba. Ganon yung nararamdaman ko dati. "- Diana.

Napabuntong hininga nalang ako sa mga sinabi nya.

"Ang importante naman eh nabago mo yung dating ikaw. Saka kung magkakaanak man tayo, sisiguraduhin ko magiging hands on mom ako para nagagabayan ko sila ng maayos. "- Aira.

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon