Chapter 34

10 0 0
                                    

CHAPTER 34

DIANA's POV

Pagkagaling namin sa bahay ay tumungo kami ng mall at doon kumain ng tanghalian. Sya na rin ang pinapili ko ng resto na nais nya kainan. Hindi naman gaano matao sa resto na ito na ipinagpasalamat ko naman. Atleast makakagalaw ako ng maayos.

Sa VIP table ang napili namin upuan kung saan malayo sa ordinary customer.

"Dito ka.. "Tinapik ko ang katabi ko upuan. Magkaharap kasi kami naupo.

"Okay naman na ako dito. "

Napakunot naman ang noo ko.

"Eh parang hindi naman tayo magkakilala nyan. Ang layo mo saakin. Gusto ko sa tabi kita.. Lika dito. " Utos ko.

Napabuntong hininga naman muna ito bago tumayo at lumipat ng upuan sa tabi ko. Hindi ko naman mapigilan mapangiti saka ko iniakbay ang kamay ko sa likod ng upuan nya. Parang nakaakbay na rin ako sakanya.

"Yan.. mas okay 'to.. Mas sweet tayo tignan. "Nakangiting ani ko.

"Tsk.. Tapos pag may nakakita sa'yo rito paparazzi at makunan tayo ng litarato.. susunod ka sisikat kay Sanya na may dating scandal. "Aniya.

"Tss.. Ang dami mo sinasabi.. sabihin mo lang kung ayaw mo tumabi saakin. "Naasar ko tugon.

"Hindi naman sa ganon.. nag iingat lang ako.. "malumanay nya ng tugon at napabuntong hininga naman ako. Pinagkrus ko ang legs ko ngunit hindi ko inaalis ang pagkakaakbay ko sakanya.

"Hayaan mo na yun.. Nandito tayo para magdate.. Ayoko sirain ang moment. Kung makunan man tayo ng litrato edi ikalat nila. Ikatutuwa ko pa yun. Dapat nga ikatuwa mo rin iyon eh.  "

"Ano. ?!" Sabay lingon nya saakin. "Ano ba ang sinasabi mo. ?"

"Hindi ka ba magiging masaya ? Malalaman ng buong mundo na taken na ako.. wala ka na dahilan para magselos sa mga babaeng nadidikit saakin.  "nakangiti ko sabi.

"Tss.. "

Nainis ako sa naging sagot nya.  Tsk.

Hindi manlang nakipagsweetan saakin. 😒

"Yung iba jan, hinihiling nila na sana yung bottled water na iniinuman ko ay sana maging sila nalang. O kahit na anong bagay na mahawakan ko. Ninanais nilang maging sila nalang ang bagay na iyon.  Pero ikaw, wala ka kahirap hirap na nakuha ako. Tapos iti'tss' mo lang ako. ?! ... "Naiinis talaga saad ko.. "Napakapalad mo, Aira.. Kapag inamin ko na sa press na taken na ako, magwawala ang fans ko at sasabihin nilang napakapalad mo.. "

"Ha !" Hindi makapaniwalang tawa nito na ikinangiti ko naman ng sarkastiko.  "Saan mo ba hinuhugot yan kayabanagan mo ha. ?! Alam ko naman na dati ka ng mayabang.. Pero sumobra  naman yata ngayon.. "

Pinagsalubungan ko sya ng kilay. 

"Tss ! Wag mo na nga ako kontrahin.. wag mo na rin isipin ang mga bagay na yun.. sinisira mo yung date natin.. "

Napabuntong hininga naman ito saka pinagkrus ang mga kamay. Umusod pa ako ng konti para mas lalo kami dikit. Hehehe.

Nag usap muna  kami habang inaantay ang order namin.

"Pagkatapos natin dito, saan mo gusto pumunta ?" Malambing ko tanong.

Nilingon nya naman ako at ngumiti. "Manood tayo ng sine. "

Napangiti naman ako sa sinabi nya.

Magandang ideya nga iyon.

Madilim sa sinehan at siguradong makakaninja moves ako. Wahahahaha. Ang talino ko talaga.

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon