Chapter 50

11 0 0
                                    

CHAPTER 50

AIRA's POV

🎵🎵 I love you, baby, And if it's quite alright. I need you, baby. To warm the lonely night, I love you, baby. Trust in me when I say. Oh, pretty baby. Don't bring me down, I pray.  Oh, pretty baby. Now that I've found you, stay. And let med love you, baby. Let me love you 🎵🎵

Kasabay ng pagtapos ko ng kanta ay ang pagtigil ko sa pagtapik ko sa likuran nya. Naging matahimik ang sumunod na minuto, batid ko'ng nakatulog na sya. Nanatiling nakapako ang tingin ko sa pader na nasa harapan ko, kasabay  ang malalim na pag iisip.

Nag aalala ako sakanya, sa kalagayan nya. Ang pananakit ng ulo nya ay napapadalas na, ikinababahala ko iyon. Ilang beses ko na inirekomenda sakanya magpatingin sa doctor, pero dahil sya si Diana, matigas ang ulo
nya. Sana nga lang tama sya, na isang simpleng migrain lang ang nararamdaman nya.

Napahinga ako ng malalim pagkatapos tinapunan ko sya ng tingin. Himbing na ang pagtulog nito habang nakaakap saakin. Iniangat ko ang aking kamay at saka dahan dahan na hinaplos ang kanya buhok.

"Alam ko hindi ka perpektong partner, maging ako man ay ganoon rin. Aminadong maraming pagkukulang sa'yo. Marami pa tayo pagsubok na haharapin, sana wag ka mapagod. Wag ka mapagod intindihin ako. Kasi ako, hindi mapapagod sa'yo. Ipaglalaban kita, ipaglalaban ko ang pagmamahalan natin.. " Ilang saglit ako natahimik habang nakatingin lang sakanya. "Ikaw ang gusto ko'ng makasama sa habang buhay, wala ng iba. Mahal na mahal kita.... Higit pa sa alam mo. "

Malungkot na pinakatitigan ko ang mukha nya. Payapa man iyon pero mababakasan mo ito ng lungkot. Alam ko'ng hindi madali para sakanya ang manatili sa tabi ko. Alam ko'ng nasasaktan sya sa tuwing minamata sya ni mama. Nasasaktan sya pero itinatago nya iyon sa mga ngiti nya. Hindi ako ganon kamanhid para hindi iyon maramdaman. Dumagdag pa ngayon ang taong nagbabanta sa buhay nya. Pakiramdam ko ayaw kami bigyan katahimikan. Sa tuwing sinusubukan namin maging masaya, parating may problema dumarating.

Napapikit ako't dahan dahan na dinampian ng halik ang kanyang labi  pagkatapos tinitigan ko ang kanyang mga mata nakapikit. Napangiti ako ng may sumilay na ngiti sa labi nya.

"Kahit tulog ka, kinikilig ka pa rin. "Hinaplos ko ang mukha nya. "Mahal na mahal kita hon. " Pinakatitigan ko ang kanyang mukha habang hinahaplos iyon. Ilang saglit na pinagsawa ko ang aking mata sa pagmasid sakanya bago ko naisipan na kunin ang cellphone ko at tignan kung may tumawag o nagtext roon. Ngunit nangunot ang noo ko ng mapagtantong walang signal rito. Itinaas taas ko pa ang aking kamay at nilibot ang bawat sulok ng room pero bigo ako.

Saglit ko tinapunan ng tingin si Diana na tulog. Kailangan ko makahanap ng signal at makatawag sa bahay. Hindi ako nakapagpaalam na aalis kami. Paniguradong mag aalala ang mga yun. Nagpasya ako lumabas na muna ng silid at maghanap ng signal. Sa paglabas ko ng pinto nagkagulatan pa kami ni Riri ng sya ang bungad sa harapan.

"Riri.. "sambit ko at saka pilit sya nginitian.

"Nagulat yata kita, pasensya na. "Hingi nito ng paumanhin.

"Hindi.. okay lang.. "nginitian ko sya. Sinilip naman nito ang likuran ko bago tumingin saakin. Parang nahulaan ko naman ang iniisip nya. "Wala si Diana. Tulog sya.. "

"Tulog ?" Gulat nya tanong.

"Oo.. nakatulog sya. Bigla kasi sumama yung pakiramdam. Masakit daw ulo kaya pinagpahinga ko na muna. "

"Ahh.. "tumatango sabi nito. "Pero... ayos na ba kayo ? "Taka ko sya tinignan. "I mean, yung nangyari kanina--"

"Yeah... It's not a big deal.. "Nginitian ko sya ng pilit. Kahit ang totoo ay naiinis pa rin ako sa ginawi ng babaeng iyon kanina. Obvious naman sa kilos nito na inaakit nya si Diana at yung mokong na yun nagpaakit naman. Tss. Kung wala lang sya sakit ngayon, nasapok ko na ang ulo nya.

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon