Chapter 43

7 0 0
                                    

CHAPTER 43

JOAX's POV

"Do you want to sleep with me ?"

Napamaang ako sa tanong nya iyon, marahil hindi ko inaasahan na sakanya mangagaling ang gano'ng katanungan. She's staring at me and me, strugling for words. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

'What the hell is she talking ? Is she really mean it ?'

Para ako tanga na nakatitig lamang sakanya. Nangangapa ng tamang salitang dapat bigkasin.

TING !

Nagulantang ang diwa ko ng tumunog ang coin na pinalipad nya sa ere, parang nag slow mo ito sa ere at mas nagulat ako ng saluhin nya iyon ng hindi inaalis ang tingin saakin.

"Tao. " sabi nito.

"H-uh ?" Naguguluhan ko'ng tanong.

"Kapag ibon 'to, iyo na ako. " sabi nito na nagpagulantang muli sa katauhan ko.

"Kapag ibon 'to, iyo na ako. "

"Kapag ibon 'to, iyo na ako. "

"Kapag ibon 'to, iyo na ako. "

"Kapag ibon 'to, iyo na ako. "

"Kapag ibon 'to, iyo na ako. "

"Kapag ibon 'to, iyo na ako. "

Nagpaulit ulit iyon sa pandinig ko habang nakatitig lang ako sakanya, ganon rin naman sya saakin. Yung mga titig na yun na nagpapangatog ng mga tuhod ko, nagpapakaba ng todo saaking dibdib. Pero meron sa kaloob looban ko na parang kinikiliti, hinahalukay ang kalamnan ko. Kakaiba nga saakin ang epekto ng babaeng 'to. Marami sya bagay na nagagawa na hindi mo makikita sa isang ordinaryong babae. Nakakabilib at ang angas ng dating nya, yung tipong katatakutan mo. Yung mga mata nya magaganda pero wala ka makikita bakas na kahit na anong emosyon. Pag tumingin ka sa mga ito, parang tumingin ka sa manikin, walang buhay. Parang tumatagos lang ang tingin na iyon papunta sa kung saan.

Iniiwas nya ang tingin nya, sinundan ko naman kung saan patungo ang tingin nya iyon. Unti unti binuksan nito ang palad at halos madismaya ako ng tao ang naging resulta. Hindi ako nadismaya dahil sa gusto ko sya makasiping, nadismaya ako dahil pakiramdam ko I lost my chance. I don't know, pero pinatulan ko yung sinabi nya. Masyado lang siguro ako disperado makuha ang atensyon nya.

Ilang taon ang inantay ko para sa araw na 'to. Ilang taon ko hinanda ang sarili ko at prinaktis ang mga linyang nais ko sabihin pag nakaharap ko sya. Pero parang balewala lang ang lahat ng iyon ngayon. Pinilit ko maging cool sa harap nya kahit sa totoo lang nagpapawis ang buo ko'ng katawan sa tuwing magkakaharap kami. Nangangatog ako tuwing nilalapit nya ang sarili nya saakin. Gaya ng ginagawa nya ngayon. Kahit ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Noon pa man ay ganito na ako pagdating sakanya.

OO, NOON PA MAN. NOONG UNA KO MASILAYAN ANG KANYANG MAGANDANG MUKHA.

"Paano ba yan, tao. " Sabi nito sabay ngisi. Kinuha nito ang palad ko at inilagay doon ang piso pagkatapos inilapit nya ang mukha nya sa tenga ko. Halos hindi na ako huminga ng gawin nya iyon. "Sa susunod piliin mo kung kanino ka makikipaglaro, wag saakin... dahil hindi mo magugustuhan kapag ako ang naglaro. " Napalunok ako at pakiramdam ko nagtayuan ang mga balahibo saaking buong katawan ng ibulong nya iyon. Unti unti ay lumayo rin sya saakin saka namulsa sa harap ko. "Bata ka pa, wag mo sayangin ang buhay mo saakin. Hindi ako worth it pag aksayahan ng oras, wala ka future saakin. Wala ako panahon sa'yo, sinasayang mo lang ang oras mo. "

Parang tinarak ng patalim ang puso ko at hiniwa hiwa ito ng pinong pino at ginawang bopis.

Kinginang yan !

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon