Chapter 24

5 0 0
                                    

CHAPTER 24

RIRI's POV

Agad ko sinundan si Sanya matapos nya lumabas sa conference room. Masyado sya mabilis maglakad kaya agad sya nakasakay ng elevator.

"Sanya wait !" Sigaw ko habang tumatakbo pero isinara nya na ang elevator.

"Sh*t !" Napamura nalang ako sa inis saka pinindot ng pinindot ang button ng elevator. Tinignan ko rin muna kung saan tumigil ang elevator na sinakyan nya.

"ROOF DECK"

TING !

Bumakas ang elevator at agad naman ako sumakay. Pinindot ko yung RF, sa roof top yun. Ilang saglit lang ay agad rin ako nakarating sa Roof top. Mabilis ako naglakad at umakyat pa ng isang floor para makarating sa rooftop.

Madami ako gustong itanong sakanya, kung bakit nagawa nya saakin iyon. Kung bakit kailangan nya makipaglampungan sa ibang babae. Oo galit ako, pero mas lamang ang pag aalala ko sakanya lalo pa alam na ni Manager Bae ang tungkol sa pagkatao nya.

Pagkabukas ko ng pinto sa roof top ay sinalubong ako ng malakas na hangin. Nakita ko sya sa  may gilid, nakatalikod sya saakin at naninigarilyo. Inis ako naglakad patungo sakanya pagkatapos inis ko rin hinablot ang braso nya paharap saakin ng malapitan ko sya.

"Ano nanaman yan. ?!" Tukoy ko don sa sigarilyo. "Ilang beses ko ng sinabi sayo tigilan mo na yan. !" Kinuha ko sakanya ang sigarilyo pagkatapos inis na inapakan yun.

Nakatingin lang sya saakin at halos walang mababakas na emosyon sa mukha nya.

"Kung nandito ka para sermunan at awayin ako.... saka nalang tayo mag usap. "Seryusong sabi nito saka tumalikod. Naiinis ako sa inaasta nya, dahil pakiramdam ko kasalanan ko pa na nagkakaganito sya.

"Ganon nalang yun. !?" Galit ako tumabi sa gilid nya ngunit hindi nya ako tinignan. Nakatingin lang ito sa malayo.

"Pagkatapos mo gumawa ng kalokohan ay ganon nalang yun. ?! Di ka manlang magpapaliwanag saakin sa ginawa mo. ?!"

"Bakit pa ako magpapaliwanag ?"

"Kasi deserve ko ng explanation mo kasi GIRLFRIEND MO AKO. !"Inis na sigaw ko sakanya.

Saglit na katahimikan ang dumaan. Pagkatapos tumawa sya ng sarkastiko.

"Girlfriend ?" Sarkastikong sabi nito sabay tingin saakin. "Sa pagkakaalam ko kagabi pa ako walang girlfriend..... matapos mo tapusin ang lahat saatin. "

Nabigla ako sa sinabi nya. Oo, biglang bigla. Doon ko naalala ang mga pinagsasabi ko sakanya kagabi. Napaiwas ako ng tingin na parang napapahiya.

"I didn't meant what I said. ! Alam mo galit lang ako kaya ko nasabi yun. ! Bakit kailangan mo seryusuhin yun.?! Kaya pala. ! Kaya pala ang bilis mo maghanap ng iba. ! "

Hindi ito sumagot kaya dumaan nanaman ang ilang saglit na katahimikan.

"Oo, aaminin ko kasalanan ko. Pero hindi ko sinasadya ang mga nagawa ko. Hindi ako yung unang lumapit. Siya yung lumandi saakin.--"

"Wow ! And do you expect me to believe you. ?!" Sarkastiko kong tanong. "Lumang palusot na yan Sanya ! Lumang luma na. !"

"Hindi ko naman sinabing maniwala ka. "Seryuso sabi nito pero sa kalmadong tinig. "Bakit ka pa nakatayo sa harapan ko kung wala ka naman palang balak pakinggan ako. ? Bakit ka pa nandito. ?"

Nabigla ako sa tanong nya at hindi ako makasagot.

"Panindigan mo nalang na wala na tayo. Iisipin ko rin na isang magandang panaginip ang nangyari saatin dalawa. Sira na ang pangalan ko at ayaw na kitang madamay pa sa gulong pinasok ko. Mas mainam na magtapos tayo sa ganito, mas gugustuhin ko lumayo sayo para wag ka ng mahirapan. Kaya pakiusap lumayo ka na rin saakin. "

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon