CHAPTER 32
CELINE's POV
Tangan ang tasa ng kape ay tinungo ko ang veranda sa labas ng kwarto ko.
Sinalubong naman ako ng tirik na tirik na araw.
Ipinatong ko sa pasimano ang tasa at saka tumingin sa malayo. Mula sa baba ay dinig na dinig na rin ang nag iingayan busina ng mga sasakyan.
Saglit ko ipinikit ang mga mata ko at saka ninamnam ang simoy ng hangin na dumampi sa balat ko. Pagkatapos dahan dahan ko rin imulat ang mga mata ko.
PANIBAGONG ARAW NG PAKIKIBAKA..
Mula sa bulsa ng robe na suot ko ay dinukot ko ang kaha ng sigarilyo at lighter pagkatapos sumindi ng isa.
"Hoo !" Buga ko sa usok pataas at tinignan iyon habang lumilipad sa ere.
Isa nga sa bisyo ko ang paninigarilyo. Matagal ko na ginagawa 'to, college palang ako naninigarilyo na ako. Dati patikim tikim lang hanggang sa naging bisyo na ng tuluyan.
Saan ko natutunan ?
Kay Edward....
Don't get me wrong, hindi nya ako pinilit na subukan ang bisyo 'to. Ako yung curious, gusto ko subukan. Paisa isa noong una, hanggang sa naging bonding na namin dalawa ang paninigarilyo.
Sa katunayan, ako rin ang nagturo nito kay Diana. Nakita nya ako minsan manigarilyo. Noong una, naghesitate pa ako na pasubukin sya kasi wala sa itsura nya ang magbisyo ng ganito kaso masyado sya makulit at gusto nya daw subukan. Malamig sa korea kaya kailangan mo talaga ng pampainit.
Kagaya ko, paisa isa lang sya dati hanggang sa sumasabay na sya saakin sa pagbibisyo. Hanggang sa ang lahat ay nakigaya na rin.
Hindi ko lang alam kung hanggang ngayon ginagawa nya pa rin. .
Muli ako humithit ng sigarilyo at saka tumingin sa paligid hanggang sa tumama ang paningin ko sa billboard ni Diana na nasa tapat namin building. Nahinto doon ang paningin ko.
Biglang pumasok sa isip ko ang nangayari kanina. Yung salpukan namin dalawa.
Ano nga ba ang nangyari ?
Ito...
FLASHBACK
DING DONG ! DING DONG!
Nagising ako dahil sa maingay na doorbell. Pupungas pungas na idinilat ko ang mga mata ko.
DING DONG ! DING DONG !
Agad ako bumangon. Kinuha ang robe ko saka sinuot pagkatapos lumabas ako ng kwarto. Wala ng hila hilamos, alam ko naman na hindi ako badbreath. Iniisip ko rin na baka si mommy yung nasa labas, baka dumaan ulit sya.
Tinungo ko ang pinto at agad na binuksan iyon. Ngunit nadismaya lang ako ng si Aira ang bumungad saakin.
ANG BUNGANGERA KO'NG KAPIT BAHAY...
"Anong kailangan mo. ?" Kunot noong tanong ko.
"Ikaw.. "Diretsong sagot nya naman.
"Ako. ?" Patanong ko muli sagot na itinuro ko pa ang sarili ko.
Hindi sya sumagot at nanatiling nakatingin lang saakin ng seryuso kaya naman.
"Ha !" Tawa ko ng mahina saka sumandal sa pinto at pinagkrus ang mga kamay ko habang nakatingin din sakanya. "Hays !" Buntong hininga ko tapos tinignan ko ang kabuan nya. "Wala ka manlang dala. ?"
Kita ko naman ang pagkunot ng noo nito sa naging tanong ko.
"Anong dala ang pinagsasabi mo. ? "Pigil ang inis na sabi nito na ikinangiti ko naman.