Chapter 14

11 0 0
                                        

CHAPTER 14

CELINE's POV

Nandito ako sa bahay, sa kwarto ko to be exact kumukuha ng mga natira ko gamit. Hindi ako naglayas, nais ko lang talaga maging independent kaya kumuha ako ng sarili ko bahay. Noong una nga ayaw ng mommy ko kasi kelan lang din nila ako nakasama mula ng bumalik ako galing sa training sa Korea. Pero sa huli naman ay napapayag ko sila.

Hindi na rin naman lingid sa kaalaman ko na doon nakatira si Diana sa  condo unit na nilipatan ko dahil sinabi rin ng manager ko. Hindi rin ako lumipat doon dahil sakanya, nagustuhan ko lang talaga ang place kaya ayon ang napili ko. Malapit lang kasi sa studio kaya hindi hasle ang pagtatravel.

Matagal ang pinagsamahan namin ni Diana dahil during training days sya na yung nakaclose ko. Noong mga panahon na nangangapa pa ako sa pagsasayaw, sya ang tumulong saakin na maboost ang self confidence ko. Masasabi ko na sa pagdating sa pagsasayaw, sya ang reyna ng dance floor. She's really good at it, bukod sa maganda nya mukha.

Sa loob ng halos dalawang taon na magkasama kami naging malapit talaga kami sa isa't isa. Nakilala ko sya from being matahimik to sobrang makulit na dalaga. Noong una kasi, hindi sya masyado palakibo. Palagi sya nasa isang tabi lang, nagmememorize ng mga steps sa fon nya na pinapanood nya sa Youtube. Wala sya kinakausap bukod kay Nikki at  Minsan nakikita ko rin sya umiiyak sa isang sulok. She's kinda weird, yun ang una ko description sakanya.

Masyado sya pamisteryuso at ayon na rin ang nagtulak saakin para kilalanin at kaibiganin sya. Noong una, hindi sya komportable na may kumakausap sakanya at ramdam na ramdam ko yun sa tuwing sinusubukan ko sya kausapin. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti unti nakuha ko ang loob nya.

Mabait sya at sobrang maalaga. Sa paglipas ng mga araw nakuha nya na rin makahalubilo sa iba trainee. Lumabas din ang pagiging makulit nya lalo na ng magkasundo sila ni Che. Nauna sila saamin magtraining kaya senior namin sila. Dumating din ang araw ng paglaunch sa kanilang apat bilang newest Idol na kinagat naman ng masa. Mabilis silang sumikat at nagkapangalan sa mundo ng showbiz, ayon na rin ang simula ng pagdalang ng pagkikita namin.

Kamakailan lang nagulat nalang kami ng may ipinakilala sya girlfriend nya. Nagulat ako at the same time nalungkot. Hindi ko din alam kung bakit ako nalungkot non, siguro nasanay lang ako na ako yung center of attention nya dati. She's always my partner lalo na sa pagsasayaw. Everytime na hirap ako kabisahin ang steps, she's always there para tulungan ako. It's kinda weird pero feeling ko nagkacrush ako sakanya o sabihin na natin nagkagusto pero pinigilan ko yung nararamdaman ko kasi alam ko mali. Akala ko kasi noon straight sya pero nagulat ako na may long time girlfriend na pala sya.

Maganda ang girlfriend nya at ramdam ko na mahal nila ang isa't isa. Nakakalungkot lang dahil nararamdaman ko din na iniiwasan nya ako. Siguro normal lang yun dahil selosa ang girlfriend nya at alam ko din na ayaw nya saakin. Hindi ko nga alam kung galit sya saakin o ano.

Iniling iling ko nalang ang ulo ko saka nagpatuloy sa paglalagay ng ibang gamit ko sa maleta, ngunit napatigil ako ng makita ko ang Rabbit na teddy bear. Hindi ko naman maiwasan mapangiti saka ako napaupo sa kama at pinagmasdan ang rabbit.

FLASHBACK

"Gusto ko yung Rabbit na yun. !" Magkasabay namin saad habang nakatingin sa nag iisang teddy bear na Rabbit sa gift shop. Nagkatinginan kami saglit pagkatapos sabay kami napatakbo sa kinaroroonan ng Teddy bear.

"Ako ang nauna hahaha " Tawa nya.

"Aish ! Akin nalang yan. Gusto ko yan eh. !" Inigaw ko sakanya ang rabbit ngunit itinaas nya lang.

"Gusto ko rin ito. ! Ako ang nauna kaya akin 'to. " Pagmamatigas nito saka nagmake face. Sinamaan ko lang sya ng tingin saka tumalikod at saka lumabas ng shop.

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon