CHAPTER 53

14 0 0
                                    

THE STORY OF US

CHAPTER 53

EDWARD's POV

Mula palang sa malayo ay natatanaw ko na nagkakagulo sa harap ng building. Madaming reporters ang nasa labas. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Dahan dahan ko'ng pinark sa isang fast food chain ang sasakyan na katabi lang din naman ng building. Bumaba ako at dahan dahan na nagtago sa isang poste at sinilip ang nangyayari. Naroon si Manager Bae na ini'interview ng mga reporters. Dahil may kalayuan ay hindi ko marinig kung ano ang itinatanong sakanya. Dahan dahan ko nilabas ang fon ko upang idial ang numero ni manager bae. Nang biglang...

"President Jung... "

"Uy..." gulat ako'ng napapihit, kamuntik pa malaglag ang fon ko dahil sa gulat sa kung sino man ang tumawag saakin. Pag tingin ko, si manager yoon iyon.

"Ano'ng ginagawa nyo rito. ?" Mahinang tanong nito habang pasilip silip sa tinitignan ko kanina.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko nyan.. ano'ng nangyayari ? Bakit andaming reporters sa labas ng building ?"

Tumingin ito saakin. "Hindi nyo pa ba nabalitaan ?"

"Ha ?! Ang alin ?"

"Yung tungkol kay Sanya at Riri.. "

"Ano ang tungkol sa kanila ?" Bigla ako naalarma.

Huminga ito ng malalim bago sumagot. "May article na lumabas tungkol sa kanila. Isang journalist ang nagsulat at nagpakalat ng litrato nina Riri at Sanya na magkasama. Kumalat na nga sa social media... ito tignan nyo.. " Nilabas nito ang cellphone, saglit na nagkalkal sa fon nya at ipinakita saakin. Laking gulat ko ng makita ang nasa litrato at mabasa ang nasa article.

"Dating scandal ?!" Gulat ako napatingin kay Manager Yoon. Tumango tango naman ito.

"May paparazzi na sumunod sakanila, nakunan sila ng litrato na nagdidate sa isang fancy restaurant at yung huli ay sa park na kung saan nakunan sila na magkayakap at naghalikan. Masyadong malinaw ang litrato kaya mahirap pasinungalingan, President Jung. "

"Aish.. " Naihilot ko ang sariling batok dala ng frustration. Isa nanaman eskandalo ito. Hindi pa nga natatapos ang eskandalo ni Sanya tapos ito nanaman. Siguradong puputaktihin nanaman kami ng media nito. "Sumunod ka saakin. Sa opisina tayo mag usap. " Maglalakad na sana ako ng bigla nya ako pigilan. "What ?!"

"Wag ho kayo dumaan dyan sa entrace, madaming reporters. Doon tayo sa likod dumaan. Safe tayo ro'n. "

Huminga ako ng malalim pagkatapos tumango na lamang. Nauna sya saakin maglakad. Dahan dahan ang naging kilos namin na wag kami makita ng mga reporters. Nang makahanap ng tyempo ay kumaripas kami ng takbo patungo sa likod ng building. Habol ko ang aking hininga ng makarating kami ng basement. Naihawak ko sa magkabilang tuhod ang aking kamay at saka huminga ng sunod sunod.

"Ho.. ! Success. !" Dinig ko pa saad ni Manager Yoon. "President, ayos lang kayo. ?" Dinulugan ako ni Manager Yoon.

"Oo. " Tinanguan ko nalang sya at saka tumayo ng tuwid. "Tara na, baka may makakita pa saatin rito. "Hindi ko na inantay pa na sumagot ito, nanguna na ako maglakad papasok ng building.

Pagkarating ko ng opisina ay ipinatawag ko sakanya si Manager Bae. Ilang sandali nga lang ay dumating ito.

"Magandang umaga, President.." Pagbati nito. "Pinatawag nyo raw ho, ako. ?"

"Ano ang nangyari ?" Agad na tanong ko rito.

"Uhm.. Wala rin po ako alam sa nangyari. Wala ako'ng ideya na.. na may namamagitan sa dalawa. "

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon