Chapter 52

13 0 0
                                        

THE STORY OF US

CHAPTER 52

THIRD PERSON's POV

-FERNANDEZ RESIDENCES-

"Manang, pakitawag nga si Michael. Sabihin mo sumabay na saamin kumain. "Utos ni Mrs. Fernandez sa kasambahay na agad naman sinunod ng ginang. Ang tinutukoy nito ay ang anak na panganay. Matapos binalingan nito ang asawa na nakaupo lang din at kasalukuyan pinagsisilbihan ng kasambahay.

"Nasaan si Riri ?" Tanong ni Mr. Fernandez sa asawa na hindi tinitignan.

"Wala pa rin ako kontak sakanya hanggang ngayon. "Tugon ng ginang at saka ito nagbaba ng tingin. Kinuha ang kopita at saka sumimsim ng kape. Sya naman ang paglingon sakanya ng ginoo.

"Paano nangyari iyon ? Wala ka balita sa anak mo at hinayaan mo mangyari iyon ?" Bagaman kalmado ang pagkakasabi nito ay mababakas ang galit sa mukha ng ginoo. Ibinaba naman ng ginang ang kopita saka tumingin sa asawa.

"Ano ba ang kinagagalit mo ? Malaki na ang anak mo, hindi na sya bata para bantayan 24 hours. Maaaring nagbakasyon lang iyon at sinadya wag ipaalam dahil gusto nya mapag isa. "

"Gusto ko lang makasiguro na wala sya kalokohan ginagawa. "Aniya saka sumimsim ng kape. "Malapit na magsimula ang kandidatura, ayokong may lumabas na kahit na ano'ng issue tungkol sa pamilya natin na maaring makasira sa kandidutara namin ng iyong anak. "Dagdag pa nito matapos ibaba ang kopita.

"Wag ka mag alala dahil matalino ang anak mo. Hindi iyon gagawa ng kalokohan na alam nya ikasisira mo at ng kapatid nya.. " Hindi sumagot ang asawa, umayos naman ng upo ang ginang saka tinignan ang asawa na sa pagkain na nakatuon ang atensyon. "Come to think of it honey, mas malaki ang maitutulong ngayon ni Riri dahil sikat sya at malaki ang impluwensya nya sa publiko lalo na sa mga kabataan. Makakatulong iyon na dumami pa ang taga suporta nyo. "

Napadahan dahan sa pagnguya si Mr. Fernandez saka tumingin sa esposa."Sana nga iyon ang mangyari.. " Mapaklang tugon nito. Wala naman nagawa ang ginang kundi ang mapabuntong hininga nalang.

"Ano'ng meron ?" Sya naman ang paglapit ng panganay nilang anak. Bihis na ito at handa ng pumasok ng opisina.  "Good morning mom. "Bati nito sa ina, humalik sa pisngi saka binalingan ang ama. "Good morning Dad. " aniya at sinenyasan naman sya ng ama na maupo na, na agad naman nito'ng sinunod. "Ano po ba ang pinag uusapan nyo. ?" Nakangiting tanong nito at nagpalipat lipat pa ang tingin sa magulang.

"Tungkol lang sa kapatid mo.. " Napapabuntong hiningang sagot ng ginang saka muling suminsim ng kape.

"Riri ?"

"Mmm. "Tumango ang ginang.

"What about her ? And anyway, where is she ? Pansin ko'ng ilang linggo na sya hindi umuuwi rito. Nakalimutan na yata nya may pamilya sya dapat uwian. "Naging sarkastiko ang huling sinabi nito at iiling iling na kumuha ng kanin.

"Busy lang yung kapatid mo kaya hindi makauwi.. "

"Busy ? What makes her busy ? Ni hindi ko sya nakikitang lumabas sa TV.. "

"Anak, hindi porket artista ang kapatid mo ay dapat sa tv lang sya lumabas. Meron din naman sya off cam activity na ginagawa. "

"Whatever mom. I still don't want what she's doing. Bakit kasi hindi nyo nalang sya rito pauwiin at kumbinsihin na pag aralan ang politika. Mas matutuwa pa sakanya si Lolo. Right Dad.. ?"

Tinignan sya ng ama, sumisim muna ng kape bago nagsalita. "Don't worry son, she's going to be one of us..  and she can't say no to me kapag nagdesisyon na ako. " Ngiti naman ang itinugon ng anak saka nagtuloy sa pagkain. "Once your term is done, Riri will gonna take over your place. And you... you will become the next governor of this province. " Puno ng kumpyansa dadag ni Mr. Fernandez. Muli, nginitian sya ng anak. "Kaya ikaw, iingatan mo yan pangalan mo. Wag mo hayaan marumihan. "Nakaturo saad ni Mr. Fernadez sa anak.

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon