CHAPTER 42
AIRA's POV
Matapos nya maipark ang sasakyan sa tapat ng restaurant ni Tita Eva ay mabilis ito bumaba at umikot saka pinagbuksan ako ng pinto.
"Tara. "Nakangiting aniya saka nilahad ang kamay.
"Mmm. "Nginitian ko sya ng tipid saka inabot ang kamay nya at tuluyan bumaba ng sasakyan. Kumapit na lamang ako sa braso nya saka kami naglakad papasok ng resto.
Mula palang sa labas ay tanaw ko ang apat na ginang na kaamiga ni Tita, masaya silang nagkikwentuhan kasama na roon ang mama ni Riri.
Kung hindi nyo naitatanong, Kaya rin kami naging close ni Riri ay dahil na rin sa ugnayan ng pamilya namin. Matalik na magkakaibigan ang parents ni Riri at si Dad at tita Eva. Kapag may family occasion sa bawat pamilya ay palagi silang present o kaya di naman kami. Naging malapit kami ni Riri hindi lang dahil kaibigan rin sya ni Diana, kundi dahil pareho kami ng pinanghuhugutan sa buhay. Ang pinagkaiba nga lamang pagdating sa sekswalidad, ako out ako sa pamilya ko at sya naman ay takot mag out sa pamilya nya. Hindi ko rin naman sya masisisi dahil kung ako man ang nasa posisyon nya ay matatakot rin talaga ako, lalo pa nasa linya ng politika ang pamilya nya. Idagdag mo pa religious ang mama nya gaya rin ng mama ko. Strikto rin ang papa nya base na rin sa kwento nya.
We shared a lot of things pagdating sa mga relationships namin saamin mga girlfriends. Matagal nya tinago ang tungkol sa kanila ni Sanya at saakin sya una nag open. Sabi nya kasi, baka mas maintindihan ko sya. Hindi naman sa wala sya tiwala sa mga kaibigan nya, takot lang sya na marami ang makaalam sa relasyon nilang dalawa. Iyon ay dahil hindi pa sya handa umamin o panagutan si Sanya sa pamilya nya. Pero ngayon, lahat ng kaibigan nya ay alam na ang tungkol saknila and I'm so proud of her dahil nasabi nya na rin sa mga ito. Magiging unfair rin naman kasi yun kay Sanya kung itatago nya maging sa mga kaibiga nila, nakikita ko naman sakanya na mahal nya ri Riri, yun nga lang mas kumplikado ang sitwasyon nila compared saamin ni Diana. Kung saamin ay nanay ko lang ang problema namin, nasisiguro kong pagdating kay Riri ay buong pamilya nya ang tututol.
"Balita ko, may parangal nanaman na natanggap si Joaquin. Outstanding Doctor of the year. "
"Mmm. "
"Wow ! Napakaswerte mo sa anak mo. Isa nga sya sa pinakabata at pinakamagaling na doctor na tanyag ngayon. Kahanga hanga. "
"Wala rin naman duda, nanalaytay sa dugo nila ang pagiging magaling na Doctor. Maswerte ang mapapangasawa nya. "
"Bata pa si Joaquin, wala pa sa isip nya ang pag aasawa. "
"Aigoo. Ano ka ba, normal lang sa mga lalaking binata kagaya ni Joaquin ang maghanap ng babaeng magiging kasintahan. Tanong ko lang, Is he seing someone else. ?"
"Wala.. pero meron sya kinalolokohan ngayon babae at sa tingin ko hindi ko sya magugustuhan para sakanya. "
"Bakit naman ?"
"Base sa kwento ni Joaquin, hindi maganda ang background nya. Sa tingin ko, hindi sya magiging magandang impluwensya sa anak ko. "
"Siguro naman ay hindi ka ididisappointment ni Joaquin. "
"He better not.. hays ! I don't want to talk about it.. anyway, I heard Zoey is back. "
"Ah yes. Pagkarating nga nya ay dumiretso uwi sa tatay nya. Alam nyo naman ang batang iyon, Daddy's girl. "
Mula sa entrance ay dinig namin iyon ang pinag uusapan nila at sabay sabay silang natigilan at tumingin ng makapasok kami.
"Oh, Aira.. "bulalas ni Tita Eva at saka tumayo. "Excuse me. "Paalam nya sa mga kaamiga nya at nagsitanguan naman ang mga ito. Pagkatapos naglakad sya patungo saamin pero nanatiling nakatingin saamin ang tatlong ginang.
![](https://img.wattpad.com/cover/237415910-288-k518368.jpg)