Chapter 15

13 0 0
                                    

CHAPTER 15

AIRA's POV

"Ano po ba ang nangyari sa nanay ko ? "Tanong nya sa Doctor. Nandito kami sa mental hospital. Pagkatapos nga ng mga nangyari ay tuluyan ng nabaliw ang nanay nya, kaya dito nalang ito ikinulong.

"Tinangka nya tumakas at akyatin ang pader. Buti nalang ay may nakakita sakanya gwardiya. Nagtamo sya ng mga sugat sa kamay gawa ng mga basag na bote sa tuktok ng pader. " paliwanag ng Doctor.

Napabuntong hininga naman ng malalim si Diana at ako napatingin sa nanay nya na nakaupo sa hospital bed habang hawak ang maliit na teddy bear. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Sa walong taon na lumipas ngayon ko lang ulit sya nakita. Hindi ko naman maitatanggi na kinamuhian ko sya dahil sa mga ginawa nya saakin, sa pamilya ko. Pero ngayon na nakikita ko sya, hindi ko na alam kung maawa nalang ako sa kalagayan nya.

Nanay pa rin sya ni Diana at alam ko mahalaga sya rito kaya sinusubukan ko naman na tuluyan sya mapatawad pero sympre hindi ganon kadali iyon. Sinabi ko lang sakanya iyon para wag na sya mag alala. Sa katunayan sumama ako rito para makita kung gaano kalupet ang karma na ibinalik sakanya.

"Pero kamusta na po ba ang kalagayan nya ? May improvement po ba. ?" Muling tanong nito sa doctor. Umiling iling naman ang doctor.

"Sa katunayan simula ng ipinasok sya rito walang naging pagbabago. Naging palala ng palala ang kondisyon nya. Hindi ko sinasabing hopeless case na yung kaso ng nanay mo pero just incase kailangan mo nalang tanggapin ang sitwasyon nya. "Sagot ng Doctor na ikinatahimik niya.

"Pero wag ka mag alala miss Perez gagawin pa rin namin ang lahat para matulungan ang nanay mo. Kung pupwedi dalasan mo rin ang pagbisita sakanya ng sa ganon makatulong din para wag nya isipin hindi sya nag iisa sya. Ang mga kagaya nila ay suporta ng pamilya ang kailangan para matulungan sila gumaling. "Dagdag pa ng Doctor.

"Salamat po Doc. "Sagot nya naman. Tumango naman ang Doctor saka sya tinapik sa balikat.

"Sige. Mauna na muna ako. Pwedi mo ng lapitan ang nanay mo at kausapin. Kapag nagkaproblema nandyan lang yung mga nurse humingi ka lang ng tulong. "- Doc.

"Sige po. "- Diana.

Tuluyan na nga nagpaalam ang Doctor pagkatapos naglakad naman sya patungo sa mama nya na sinundan ko naman. Dahan dahan ito naupo sa hospital bed na sya naman pag urong ng nanay nya na tila natakot sa presensya nya.

"Sino ka ? Wag ka lumapit saakin. ! Masama ka tao. ! Papatayin mo ako. !" Nagsumiksik ito sa gilid.

"Ma- ma wag ka matakot. Ako 'to si Diana, anak mo. "Binalak nya hawakan ang kamay nito ngunit tinabig lang nito.

"Sinabi ng wag ka lumapit saakin ! Hindi Diana ang pangalan ng anak ko ! Krista ! Krista ang pangalan nya. ! "Muli ito nagsumiksiksik sa gilid at kita ko  naman ang pagkahabag sa mukha nya para sa nanay nya.

"Ilabas nyo ang anak ko. ! Krista ! Anak ! " sigaw na nito na ikinaalarma namin dalawa.

"Mama calm down mama !" Natataranta awat nya sa nagwawala nya ina..

"Nurse !" Sigaw ko na upang humingi ng saklolo. Binabangga na kasi sya ng nanay nya habang pinipilit nya naman ito yakapin.

"Tama na ma !" Umiiyak na sya habang mahigpit na niyayakap ang nanay nya. "Tama na."

Parang unti unti nadurog ang puso ko habang nakikita ko sya sa ganoon sitwasyon. Naisip ko, sa tuwing pumupunta sya rito ganito eksena kaya ang kinakaharap nya. Napakasakit para saakin na nakikita sya nasasaktan.

"Anong nangyayari. ?! "Sa wakas dumating na rin ang mga nurse. "Excuse ma'm. " agad nila kinuha sakanya ang nanay nya.

"Bitawan nyo ako ! Anong gagawin nyo saakin  ?! Anak tulungan mo ako. !" Umiiyak na rin na pagmamakaawa ni  Sally. "Anak papatayin nila ako. !"

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon