DIANA's POV
Nandito lang kami sa music room, kasama ko si Che. Pinapanood ko sya magrehearse para sa kakantahin nya sa sabado. Inaantay ko rin naman kasi si Manager Yoon, kasi ihahatid nya ako pauwi. Si Nikki naman nauna ng umuwi pagkatapos ng meeting, masama daw kasi ang pakiramdam nya. Si Riri naman, may pupuntahan daw sya kaya umalis din pagkatapos ng meeting. Mukhang si Che lang ang walang gala ngayon. Pinapanood ko lang sya habang nagpiplay ng piano at kumakanta.
"Narehearse nyo na ba yan ni Riri na kakantahin mo. ?" Tanong ko sakanya, dahilan para mapatigil sya sa pagtugtog at saka ako tinignan.
"Bukas kami magrerehearse. Dapat nga ngayon kami magrerehearse, kaso diba, nagmamadali sya kanina. Wala naman sya sinabi kung saan sya pupunta. "Sagot nito saka tumingala sa kisame na animo'y nag isip.
"Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan non ? Ang weird nya na this past few days. Palagi sya umaalis ng solo. Hindi mo ba napapansin yun. ?"Dagdag pa nito saka tumingin saakin. Bumuntong hininga nalang ako saka napacross legs.
"Hindi kaya may tinatago sya saatin. ?" Sabi nya pa saka tumayo at sumandal nalang sa gilid ng piano habang nakatingin sya saakin.
"Aigoo. Kung ano ano nanaman yan iniisip mo. Sympre hindi naman lahat dapat alam natin ang ginagawa ng isa't isa. Malay mo naman may importante lang talaga sya pupuntahan, like.... uhm family matters, ganon !. Ikaw talaga maissue ka. "- Diana.
"Hoy ! Hindi ako maissue. Nagtataka lang naman ako kasi feeling ko iba ang kinikilos nya eh. Hindi naman sya dating ganyan. Nagsasabi sya kung saan sya pupunta. Pero ngayon..... Hays ! Ewan. "- Che.
Napailing iling nalang ako pagkatapos tumayo ako at naglakad patungo sakanya.
"Ewan ko sayo. "Sabi ko saka ako naupo sa harapan ng piano.
"Paano ba 'to ? Turuan mo nga ako che. "- Diana.
Hindi kasi ako marunong magplay ng piano. Gusto ko sana matuto kaso wala ako time mag aral.
"Hay naku ! Kay Riri unnie ka nalang magpaturo. Tinatamad ako eh." Sagot naman nito saka padabog na naupos sa tabi ko kaya napalingon ako sakanya.
"Pwedi ba kumain nalang tayo. ? Nagutom ako bigla eh. "Sabi nito saka lumingon saakin.
"Tss ! Hindi pwedi." Sagot ko naman saka nagpipindot sa keys ng piano.
"Hays ! Ano ba ! Ang ingay mo. Wala naman sa tono yan tinutugtog mo. Tigilan mo nga yan. Baka masira mo pa yung piano. "Pinalo nya yung kamay ko kaya muli ko sya tinignan.
"Eh paano ayaw mo ako turuan. !"-Diana.
"Wala nga ako sa mood. Kumain na muna tayo, pagkatapos tuturuan na kita. "Nakangiti ng sabi nito pagkatapos nag beautiful eyes pa. Ganyan yan kapag may hinihiling.
"Hindi nga pwedi. "Sagot ko naman saka ako tumayo at nagpalakad lakad nalang at sumunod naman ito.
"Bakit ba hindi pwedi ?? "- Che.
Tumigil naman ako sa paglalakad at hinarap ko sya. Kamuntikan ko pa sya makiss dahil sobrang lapit ng mukha nya saakin paglingon ko, nasa likuran ko kasi sya.
"Hays ! Ilayo mo nga yan mukha mo. "Sabay tulak ko sa pagmumukha nya.
"Aist ! Bwesit. !" Reklamo naman nito na ikinatawa ko lang ng mahina pagkatapos inakbayan ko nalang sya.
"Sorry na Che, hindi kita masasamahan kumain sa labas ngayon kasi uuwi ako ng maaga ngayon. Ipagluluto ako ni Aira at ayoko mabusog kasi gusto ko ubusin ang inihanda nya para saakin. "Nakangiti ko sabi at naiimagine ko na ang masasarap na niluto saakin ng misis ko.