Chapter 20

10 0 0
                                        

CHAPTER 20

DIANA' s POV

Nagpatuloy ang kasiyahan, halos hindi na magkandaugaga si Jennie at Carlo sa pag entertain sa mga bisita na isa isa silang kinocongratulate. Magmula din ng bumalik kami ng table namin ay nawalan na ako ng gana makihalubilo at makisaya. Hanggang ngayon din ay hindi pa bumabalik si Aira na sa malamang busy sa pakikipag usap sa mga kabusiness partner nila.

"Bakit lukot nanaman yan mukha mo. ?" Puna ni Riri pagkatapos nito uminom ng Juice.

"Wala lang. Wala lang ako sa mood. "Ayon nalang ang isinagot ko. Iiling iling naman na tinignan nya ako. "Wag mo sabihin na nagseselos ka kay president Jung ?"

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya. Pagkatapos may nginuso sya kaya nalipat doon ang atensyon ko. Awtomatiko nakaramdam ako ng inis ng makita hanggang ngayon magkasama pa rin sila. Inis na nag iwas ako ng tingin.

"Hindi naman ako pwedi magselos diba ? Wala naman ako dapat ikaselos. "Wala sa sariling sabi ko.

"Ha ? Ano ba pinagsasabi mo ?" Si Che na nasa tabì ko. Hindi nya siguro nadinig ang pinag usapan namin ni Riri dahil nasa stage ang atensyon nila ni Nikki.

Hindi ko nalang sya sinagot, isinandal ko na lamang ang likod ko sa upuan. Iginala ko nalang ang paningin ko upang hanapin kung nandito na ba si Yohan. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa siya nakikita. Kaibigan nya si Carlo kaya dapat nandito sya.

"Niks, wala ba si Yohan. ?" Hindi ko na napigilan wag magtanong.

"Ah wala sya. Nasa hongkong sya ngayon, hindi sya nakalipad at nakakuha ng flight pabalik ng manila. Naextend kasi ang project nila doon. Nakapagsabi na rin naman sya kay Carlo. "Tugon nya. Napatango nalang din ako. Si Yohan kasi kung saan saan yun pinapadala ng kumpanya.

Hindi nalang ulit ako nagtanong. Tinuon ko ang atensyon ko kina Aira na ngayon kausap na sina Jennie at Carlo. Nagkakatawanan pa nga sila kasama ang bago namin president. Seems like nagkakasundo sila ni Aira. Awtomatiko sumama ang timpla ko ng makita ko hinawakan sya nito sa bewang habang nakangiting nakatitig sakanya. Hindi ko alam kung ano pinag uusapan nila at kailangan nya pa hawakan sa bewang si Aira.

Napatayo ako saakin kinauupuan at dinampot ang handbag ko. "Saan ka pupunta ?" Tanong ni Riri.

"Magpapahangin lang ako saglit. "Tugon ko. Saglit silang natigilan.

"Bumalik ka nalang kaagad. "Si Nikki ang sumagot. Tumango naman ako pagkatapos tuluyan ng umalis.

Lumabas ako ng venue saka ako tumungo ng rooftop. Sumandal ako sa railings at saka ninamnam ang simoy ng hangin. Mula sa bag ay hinanap ko ang sigarilyo na nakatago sa secret pocket ng hand bag ko. Ayaw kasi ni Aira na naninigarilyo ako kaya patago ko itong ginagawa. Ang paninigarilyo nga ay isa sa maikokonsidera pangit ko bisyo. Nagsimula lang ako nito matuto ng magtraining kami. Dahil na rin sa  impluwensya ng mga kaibigan.

Humihithit ako sa nasindihan ko sigarilyo at habang ginagawa ko iyon ay lumilipad din ang isip ko. Kaya lang naman ako lumabas dahil ayoko ang mga nakikita ko, ayoko yung tingin na ipinupukol ng Esward na iyon kay Aira. Hindi ako selosa pero sa tuwing tinitignan nya si Aira at ngitian ay iba ang nararamdaman ko. Ngunit sa ngayon, wala ako sa posisyon para magselos.

Muli ako napahithit sa sigarilyo hanggang sa hindi ko namalayan naupos ko na iyon. Ilang minuto pa ako nanatili upang makapag isip isip. Hindi rin kasi maalis sa isip ko ang mga sinabi ng nanay nya. Naintindihan ko galit sya saakin, pero hindi ko lang inaasahan na pagsasalitaan nya ako ng hindi maganda kanina. Kulang nalang sabihin nya layuan ko si Aira.

Bzzt. Bzzt. Bzzt.

Nagvibrate ang fon ko kaya mabilis ko tinignan ang kung sino ang nagtext.

From honey: Nasaan ka ?

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon