Chapter 17

11 0 0
                                    

CHAPTER 17

AIRA's POV

[ EARLIER ]

Habang abala ako sa pagreview ng papeles biglang pumasok sa silid ko si Sam.

"Madam tumawag po ang secretary ni MR. Jung. "Ani Sam.

Tinigil ko naman saglit ang ginagawa ko at tinignan ko sya.

"Anong sabi ?"- Aira.

"Pinapasabi daw po ng presidente, kung pwedi sa bunny nalang gawin ang meeting. May special announcement din daw po kasi silang gagawin at gusto niya nandoon kayo. "- Sam.

Napaisip naman ako sa sinabi nya. Actually, dapat ngayon sila magpipresent ng proposal nila saamin. Nililigawan kami ng bunny na maging isang shareholder sa entertainment company na pinapatakbo nila. Since approved naman yun ni Dad at ni Oppa ay napagkasunduan namin pag aralan ang magiging offer nila saamin.

Since napag iisipan na nga namin magtayo ng sariling talent agency, naisip ko na magandang opportunity din iyon na makipagsanib pwersa kami sa kanila. Napag usapan na namin ang tungkol doon ng una ko makausap ang presidente ng Bunny, kung saan sila ang humahawak kay Diana. Pumayag naman sila na maging subsidiary kami ng company nila kapag naitayo na ang talent agency na pinaplano namin ni Diana. More likely kapag natuloy ang project we will become sister's  company.

"Ano po ang sasabihin natin sa kanila. ? Tatanggapin po ba natin ang imbetasyon ?"-Sam.

"Sige. Sabihin mo darating tayo. Ipahanda mo na rin ang sasakyan, aalis na tayo.  "- Aira.

"Masusunod po. "Agad na ito tumalima saka lumabas ng office ko.

Niligpit ko na rin ang gamit ko pagkatapos nag ayos ako ng sarili ko. Malamang, baka magkita rin kami ni Diana doon.

Ilang saglit lang bumalik na rin si Sam.

"Madam, nakahanda na po ang sasakyan. "- Sam.

Tinanguan ko lang sya pagkatapos kinuha ko na yung bag ko saka kami lumabas ng silid.

Pagkarating namin ng sasakyan ay agad ako pinagbuksan ng pinto ni Sam. Pumasok ako sa backseat at sumunod naman ito.

"Manong sa Bunny po tayo. "Utos nito sa company driver namin.

"Sige po. "Tugon naman ng Driver.

Tahimik lang ako nakatingin sa labas habang nasa byahe.

"Nakita nyo na po ba ito. ?" Biglang saad ni Sam na ikinatingin ko sakanya na ngayon hawak ang ipad.

"Ang alin. ?" Tanong ko naman. Ibinigay nya naman saakin ang ipad nya.

"Viral po si Ms. Diana at si Ms. Celine ngayon. Tignan nyo. "- Sam.

Tinignan ko nga ang tinuturo nya video.

"Humingi kayo ng tulong ! Bilis. !"

Si celine nga iyon na sumisigaw ng tulong at meron sya hawak na bata, duguan ito at hindi ko alam kung ano ang nangyari. Nasa gitna sya ng kalsada at napapalibutan ng maraming tao. Ilang saglit pa lumitaw si Diana sa video na ikinaangat ko sila sa kinauupuan ko.

"Bakit sila magkasama. ?"

Nagtaka lang ako bakit magkasama sila, dahil ang alam ko didiretso sya ng studio pagkatapos nya ako ihatid. Nag iinit nanaman ang ulo ko. Nangako sya saakin na iiwasan nya na si Celine. Ano yun patago silang nagkikita ? Aist ! Patay ka talaga saakin mamaya.

Sa tuwing nakikita ko kasi ang babaeng iyon, kahit wala sya gawin naiinis ako. Naiinis  ako sa tuwing tinitignan nya si Diana. Iba lang yung pakiramdam ko sa tuwing tinitignan nya si Didi. Paano ko nasabi ? Dahil ganon na ganon ako noon sakanya. Kaya ayoko may tumitingin sakanya the way na tignan ko sya. Selfish na kung selfish pero gusto ko lang protektahan kung ano yung akin.

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon