Chapter 44

6 0 0
                                    

CHAPTER 44

CELINE's POV

"Finally, nagawa ko rin ang yakapin ka.. matagal ko inantay ang pagkakataon na 'to.... I missed you,  aking binibini. "

Hindi ako makagalaw ng bigla nya ako yakapin at ibulong mga katagang iyon sa tenga ko. He hugged me tight that I could feel suffocated, but I can't deny the fact that his hug bring warmth in my entire body.

"I missed you. "Again, he whispered. "I thought I will never see you again. "  Naguluhan ako sa sinabing nya iyon. Kumunot ang aking noo at kusa ako humiwalay sa pagkakayakap sakanya and face him.

I don't know what is he saying, to be honest. Pero sa kaso nya parang matagal nya na ako kilala para sabihin saakin ang mga gano'n kataga.

"I'm sorry.. Did I scare you? " he said shyly. Kumunot ang aking noo lalo saka napailing habang nakahawak sa batok. Trying to remember something about him. Umaasang maalala ko ang tungkol sakanya na nakaligtaan ko.

"I'm sorry, too. Pero hindi kita maalala. Can you tell me who you are and when did we met ?" I gave in, kasi hindi ko talaga sya matandaan.

He smiled at me brightly. "Sasabihin ko sa'yo kung sino ako kung papayag ka ng makipagdate saakin.. " He said  and I automatically raise my eyebrows.

"Ha.. " hindi makapaniwalang tawa ko saka napalihis ng tingin. Ngunit saakin paglingon may nahagip ang aking mata na isang nilalang na mabilis dumaan. Natigilan ako at pinakiramdaman ang taong iyon. Iyon nanaman ang pakiramdam na parang may nakamasid saakin at this time sigurado ako meron talaga.

"Ano ? Papayag ka na ba makipagdate saakin ?" Biglang salita nanaman ni Joax, hindi ko sya pinansin. Nilingon ko ang paligid ngunit wala na ako makitang bakas ng tao. Mapuno sa parteng kinatatayuan namin kaya hindi rin ako nakakasiguro kung isa sa mga punong iyon nakatago ang hangal na iyon.

Base sa nakita ko, nakasuot sya ng itim na may hoodie jacket. Hindi ko nakita ang mukha nya dahil parang hangin lang ito'ng nadaanan ng paningin ko.

"Uy --"

"Tumahimik ka. " Pigil ko sa matabil nya bibig at patuloy na sinuyod ng aking mga mata ang paligid ngunit bigo ako makita ang taong hinahanap.

"Ano nanaman ba ang nangyayari sa'yo. Ang weird mo, alam mo ba yun. " Bumuntong hininga muna ako bago sya nilingon.

"Umuwi na tayo.. "sabi ko at tinalikuran sya.

"Hey.. " hinawakan nya ako sa braso at agad na pumunta sa harapan ko. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. "

"Hindi.. yun ang sagot ko. " I said in finality saka hinawi sya at naglakad ako paalis.

"Teka. Teka. Teka.. "muli ito humarang sa daraanan kaya muli ako napatigil.

"Aish ! Ano ba, ang kulit mo. !" Nauubusan ng pasensya sigaw ko rito.

"Eh kasi--"

"BLAAAGG !"

Pareho kami natigilan ng marinig ang ingay na iyon. Ingay ng pagkabasag ng isang bagay. Bigla ako kinabahan sa hindi malamang dahilan.

"Ang kotse ko.. " Wala sa sariling sabi ko at saka hinawi si Joax at dali dali tumakbo. Sumigaw pa ito at tinawag ako ngunit hindi ko na sya nilingon pa. Kung hindi kasi ako nagkakamali galing sa direksyon ng kotse ko pinagparadahan ang ingay na iyon.

Hindi nga ako nagkamali ng maabutan basag ang salamin sa harap ng kotse ko. Nagtatangis ang bagang na nilibot ko ang aking paningin sa lugar, ngunit ni isang tao wala ako makita. Naihilamos ko ang aking kamay saaking mukha dala ng tinding inis, nang muli ko ibaling ang tingin ko sa sasakyan, may nakita ako isang bato na nababalutan ng papel. Kung hindi ako nagkakamali iyon ang ginamit sa pagbato sa sasakyan ko. Kinuha ko iyon at binuklat ang papel na may sulat. Tentang pula pa ang ipinansulat rito.

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon