CHAPTER 26
CELINE's POV
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Maraming bagay ang gumugulo sa isip ko ngayon. Kagaya na lamang ng nangyari kay Diana. Malakas talaga ang kutob na may nangyayari sakanya hindi maganda. Yung pagsakit sakit ng ulo nya ay sa tingin ko hindi na normal. Ayoko lang makialam dahil baka kung ano naman ang isipin ni Aira na sobrang kitid ng pag iisip. Akala nya ay aagawin ko sakanya si Diana.
Aaminin ko naman na may espesyal ako na pagtingin kay Diana na maski ako ay hindi ko maintindihan kung kelan at kung paano nagsimula. Pero hindi pa ako umaabot sa puntong gustong gusto ko talaga sya. Siguro nagkagusto pero hindi mahal. Iba kasi ang definition ng gusto mo sa mahal mo. May mga katangian lang ako nakita sakanya na nagustuhan ko at namimiss ko. Besides, hindi ko ugaling manulot ng may karelasyon dahil alam ko ang pakiramdam ng naagawan.
Malabo ba ? Kayo na ang bahala umintindi. Kahit maski ako'y nalalabuan sa sarili ko.
Pero siguro kung hindi ko nalamang may Aira sa buhay nya at nagtuloy tuloy ang maganda namin naumpisahan, siguro hindi malabong minahal ko rin sya. Kakaiba lang talaga si Diana, kahit straight na babae ay kaya nya mapaibig ng walang ginagawa. Kaya kung marupok ka, ay talagang mahuhulog ka sa charm nya.
Nasa malalim ako pag iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman yun kinuha sa side table at tinignan ang tumatawag.
*Calling Mom*
"Hello Mom. ?" Malumanay ko sagot.
"Gising ka pa pala. I was checking you if you're still up. "Sagot naman nito sa kabilang linya.
"Hmm. Hindi po kasi ako makatulog eh.. eh kayo? Bakit gising pa kayo. ? Late na ah.. wag nyo sabihin nasa hospital at on duty pa kayo. "
"Ah hindi anak. Nasa bahay na.. katunayan dumaan ako dyan sa unit mo kanina kaso wala ka. "
"Po. ?!" Gulat ko naibulalas at napabangon pa sa pagkakahiga. "Bakit hindi nyo sinabi. ? Dapat sinabi nyo dadaan kayo para nakauwi ako. "
"Eh, okay lang yun anak. Inisip ko kasi baka busy ka kaya hindi na kita inistorbo. Hehe. "
Napabuntong hininga nalang ako at saka napasandal sa headboard ng kama ko.
"Nabalitaan ko nga pala ang nangyari sa kaibigan mo. Kamusta na ba sya ? Okay lang ba sya. ?"
Tinutukoy nya si Sanya, malamang nakita nya na sa news ang nangyari. Naikwento ko na kasi sakanya ang mga kamember ko kaya kilala nya na. Matanong din kasi itong nanay ko lalo na sa mga nagiging kaibigan ko.
"Hindi nga po namin sya nakikita. Bigla nalang sya nawala kanina at kanina hinanap namin hindi rin namin sya nahanap. "
"Ganon ba ? Eh nasaan na kaya sya ?! Alam ba ng mga magulang nya ang nangyayari sa batang iyon. ?"
"Tinawagan na po namin ang parents nya kanina pero sabi nila hindi naman umuwi doon si Sanya. Siguro nag aala na rin ang mga yun. "
"Natural mag aalala talaga ang mga yun. Lalo pa't hindi mahanap ang anak nila. Baka kung ano na ang nangyari sa batang iyon. Hindi pa ba kayo humingi ng tulong sa pulisya ? Ng sa ganon mapadali ang paghahanap nyo sakanya. "
"Hindi pa mom. Pero alam ko nagtatago lang yun ngayon. Alam nyo na hinahabol sya ng mga press. Kampante naman po ako na nasa maayos sya kalagayan. "
Sa katunayan, hindi naman ako ganoon nag aalala kay Sanya kasi kilala ko yun. Kapag ayaw nya magpahanap at gusto nya mapag isa ay hindi talaga yun magpapakita. Siguro nag iisip isip lang yun sa ngayon. In a few days lilitaw din yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/237415910-288-k518368.jpg)