CHAPTER 46
EDWARD's POV
Tinanaw ko ang sasakyan ni Celine hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Nagtataka ako kung ano ang ginawa nya rito. Malamang, may hindi maganda nangyari. Hindi naman yun susugod rito para makipagkamustahan kay Abby.
"Ano nanaman kaya ang ginawa ng babaeng iyon kay Celine." Salubong ang kilay na saad ko.
Dali dali ako tumalima at saka pumasok ng bahay, tangan ang envelope na naglalaman ng papeles para sa annulment namin dalawa. Iyon lang naman ang sadya ko kaya ako naparito. Matagal na hindi kami nagsasama at pirma nya nalang ang kailangan ko para tuluyan ako makalaya sakanya. Hindi ko na kayang makisama sakanya kaya ako umabot sa desisyon ito. In the first place, hindi ko naman gustong makasal sakanya. Napilitan lang ako pakasalan sya dahil nabuntis ko sya at iyon ang hiningi saakin ng pamilya nya. Bata pa ako ng mabuntis ko sya at wala pa ako kakayahan na tumayo sa sarili ko'ng mga paa ng mga panahon na yun. Gusto ng pamilya ko si Abby para saakin kaya hindi naging mahirap para sa kanila ang maisakatuparan ang pagpapakasal saamin kahit labag iyon sa kalooban ko.
Alam ng lahat na nakakakilala saamin at ng diyos kung gaano ko kamahal si Celine. Ako lang ito'ng gago na nagpadala sa tukso. Dahil sa isang pagkakamaling iyon nagkandaleche leche na ang buhay ko. But don't get me wrong, hindi ako nagsisisi na nabuhay si Gabriel, ang aking anak. Sya nga ito'ng naging dahilan ko para magpatuloy sa buhay. Gustuhin ko man na mabigyan sya ng kumpletong pamilya pero hindi ko na kayang gawin iyon. Alam ng diyos kung gaano ko sinubukan na ayusin ang marriage namin ni Abby, sinubukan ko sya mahalin, but it didn't work the way I wanted. Masyado sya selosa at walang araw na hindi kami nagtatalo at walang pagtatalo na hindi nya binabanggit si Celine. Paulit ulit lang at doon ako nagsawa. I talk to my parents ng magdesisyon ako hiwalayan si Abby and luckily hinayaan na nila ako sa desisyon ko.
Hindi ko rin ito ginagawa dahil umaasa ako may chance pa magkabalikan kami ni Celine kapag tuluyan kaming nagkahiwalay ni Abby. Pero magiging ipokrito ako kung sasabihin ko'ng hindi iyon sumagi sa isip ko. Part of me, gusto ko pa rin sya balikan, suyuin hanggang sa tanggapin nya ako ulit. Pero alam ko magiging mahirap at kumplikado kapag pinilit ko ang gusto ko. Oo, sinabi ko'ng bumalik ako para sakanya but all I want is, makausap ko sya at makahingi ng sorry sa lahat ng kagaguhan nagawa ko. Yun lang ang tanging gusto ko'ng gawin sa ngayon. Alam ko masyadong malalim ang sugat na iniwan ko sa puso nya, hindi ko na gustong dagdagan pa iyon.
"Daddy !" Masayang bulalas ng aking anak ng makapasok ako ng bahay. Nakasalubong ko sila sa service area at mukhang paalis sila. Ngumiti ako sa anak ko at sinenyasan na salubungin ako. Akmang tatakbo ito palapit saakin ng pigilan sya ng kanyang ina. Awtomatikong nawala ang ngiti ko at binalingan si Abby na seryuso tumingin saakin.
"Manang ! "Tawag nito sa katulong ng hindi inaalis ang pagkakatingin saakin. Agad din naman lumapit ang taga alaga ni Gab. "Iakyat nyo muna si Gab sa kwarto nya. " Pag uutos nito sa katulong.
"Pero mommy---"
"Gab... " saway rito ng ina. "Kailangan muna namin mag usap ng daddy mo, doon ka na muna sa kwarto mo. Pupuntahan na lamang kita roon kapag tapos na kami makapag usap. Saka tayo aalis. Okay ?"
Napasinghap ako sa inis, tumingin saakin si Gab ng malungkot. Humakbang ako palapit sakanya ngunit humarang si Abby at pinatalikod ito.
"Sige na manang, dalhin mo na si Gab sa taas. " Muling utos nito sa yaya ni Gab na agad naman nito'ng sinunod. Inakay nito si Gab paakyat ng hagdan at wala ako nagawa kundi ang sundan sila ng tingin. Nagpoprotesta ang aking kalooban na binalingan si Abby.
"Ano nanaman ba 'to Abby ?! Bakit mo inilalayo saakin ang anak ko ?!" Pasinghal ko sinabi.
Naging seryuso lang ang itsura nito. "Ano'ng ginagawa mo rito ? Nagsumbong ba s a'yo ang magaling mo kabet ? Bakit hindi pa kayo nagsabay na pumasok rito kanina ? Inantay mo pa sya makaalis, ha. "