CHAPTER 72
LEANOR'S POV
PLAY MUSIC: Break into the dark(real Teamsong of TDBISK)
by: Valentine ft rui afro jackNasa tapat palang ako ng pinto at nakangiti na papasok. Ng mapahinto ako sa narinig ko silang naguusap.
"Sabihin monga samin vleen, ano ba talaga sayu si prinsesa ha?" Narinig kung tanong ni ryker. Pero yung boses ni ryker parang galit Pero kalmado.
"Kung sasabihin ko sainyu, na ginamit kulang si leanor, Laban sa ate niya matutuwa ba kayu"
Nawala ang ngiti sa labi ko at Nakaramdam ng kirot sa puso ko ng marinig koyun galing kay vleen. Naguguluhan ako. Anong ibig niyang sabihin na ginagamit niya ako.
"At pag nakabawi nako Kay lilleaf, tsaka ko siya papalayisin sa section k" dagdag ni vleen umakyat sa dibdib ko ang sakit sa narinig ko galing kay vleen. Hindi ko na nakayanan ang sakit sa dibdib ko.
Baka nagbibiru lang silang lahat?
Hindi ko sila makita at tanging boses lang niya ang naririnig ko. Pumasok ako sa loob at nagulat ang iba Pero si vleen seryuso lang siyang nakatingin sakin.
"A-anong ibig nitong sabihin?" Nawawala ako sa sarili ko at humakbang ako ng mabagal sa pwesto nila. Naninikip ang dibdib ko parang nahihirapan ako sa paghinga ko.
"P-prinsesa" tawag ni Karter.
"Narinig mo pala, nasurprisa ba kita?" Sabi ni vleen na Hindi makatingin sakin. Naistatawa naman ako. Nasurprisa?
"Hindi ko kayo m-maintindihan," namumuo narin ang luha sa mga Mata ko, habang nakatingin Kay vleen. Bakit nila nagawa Ito saakin?
"Siguro nga hindi mo alam ang ginagawa ng magaling mong ate, kriminal siya," dagdag pa niya.
H-Hindi kriminal ang ate ko,
"H-hindi iyan totoo, paano mo nasabi Kay ate yan, a-anong connection mo sakanya?"naguguluhan na mga tanong ko at Hindi Ku alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko, sa Subrang pagkaagulo ng utak ko.
May hinagis si vleen sa sahig na isang cellphone.
"Panoorin mo" Sabi niya kaya dinamput ko ito, at ge play ang isang video, kitang-kita ko si ate sa kuha ng vedio kung paano niya pinagbaaril ang mga tao sa loob ng isang kumpanya.
Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Sa nasaksihan ko. pa-paano nagagawa ni ate iyun,
"Ginamit lang kita para mapabagsak ko si lilleaf. Gumanti lang ako para sa pagkasala niya sa jeon family. Kaya naman kita tinanggap kaagad sa section k, ano?Naiintindihan Mona ba ngayun!" Aniya at deretsung nakatingin sakin. Napatawa naman ako ng mapait si vleen ba talaga ito?
"Ginamit moko? Para lang dahil dun? Hindi niyu man lang ba inisip ang nararamdamam ko? Pinagkatiwalaan ko kayu, tapos pinaikot-ikot niyo lang pala ako sa sarili niyung mga palad. nagpapatawa ba kayu paano niyung nagawa ito sakin?" Naninikip na Yong dibdib ko sa sakit.
"G-Ganon naba kalaki ng kalasanan ko para gawin niyu ito sakin? Hindi ako makapaniwala"
napapailing-iling ako at natatawa.. Tinuring ba talaga nila akong kaibigan?
Naalala ko yung unang pumasok ako sa section k, akala ko mga tunay na sila, bakit nila ginagawa ito sakin? bakit kailangan nila akong magmukhang kawawa. Nagtiwala ako ng lubus-lubusan sakanila. Pero bakit ganito? Pansamantala lang ba ako? Hindi ko matanggap na ganito lang pala ang matatamo ko.
Sunod-sunod na ang Pag patak ng mga luha ko sa sahig.
"S-sana, non niyu palang sinabi sakin na gagamitin niyu lang pala ako, Sana Hindi niyu pinaglaruan ang damdamin ko, masakit sa part ko. tinuring ko kayu na parang mga kapatid, bakit ito? Bakit Ito ang ginanti niyu sakin, a-ang sakit, sakit,"

BINABASA MO ANG
THE DEMON BOYS IN SECTION K (kings)
ActionShe's a Princess Of Heart in The Demon Boys in Section Kings.. Parang Anghel na napadpad sa Empeyerno.. Babaeng Dahilan na nagpabago sa mga Demomon Boys sa Section Kings. Isang Prinsesa na May Sampung Prinsepeng Demonyo. Kilalanin natin ang nasa lik...