CHAPTER 74:
LEANOR'S POV
Nakarating ako sa bahay na namamaga ang mga Mata ko. Hindi ko na rin namalayan na tinatawag pala ako ni Shakiva kanina pa, Pero hindi ko talaga kayang mamansin ngayon dahil sa bigat na nararamdaman ko.
Nakita ko si ate na naglalakad palapit sakin. Pero hindi ko nalang siya tinignan at naglakad para lagpasan siya.
"Lil sis, Okay ka lang?" Huminto ako ng paglalakad at nilingun si Ate. At humarap sakanya.
"Isang Tanong. Isang sagot" wika ko sakanya. Nakita kong naningkit ang mga Mata niya.
"Ano ba iyon Lil sis?" Tanong niya at lumapit sakin para tapatan ako.
"Illegal ang trabaho mo diba?" Napakonot ang noo nito sakin at tumawa. Pero pekeng tawa.
"Ate, hindi ako nakikipag biruan sayo" mahinang sabi ko at ramdam ko nanaman ang pamumuo ng luha sa mga Mata ko.
"Bakit Kailangan ko mag trabaho ng illegal? Para lang makaahun tayo sa kahirapan? Ate.. Hindi unfair iyon, Sana iniisip mo man lang ang buhay ng mga taong sinayang mo!" Sabi ko sakanya at may galit. Nagulat si Ate at kitang-kita ko sa mga Mata niya.
Bakit Kailangan niyang gawin iyon? Pareho nila akong niloloko.
"L-Leanor w-what do you mean---
"Ate! Deritsuhin Mo nalang ako! Sa tingin moba hindi ako nasasaktan sa pagsisinungaling mo? Ate ang sakit-sakit na malaman Kong masama ang bisyo mo"
Naguumpisa ng tumulo ang mga luha ko hanggang sa sunod-sunod na ito,
"Let me explain.. L-lil sis.." sabi nito at hinawakan ang kamay ko pero binawi ko iyon.
"Nagsinungaling ka sakin sa mahabang panahon, ang sabi mo may mabuti kang bisyo, masakit sa part ko na sa iba kopa mismo malalaman ang mga iyon",
Napayuko si Ate at umiling-iling.
"A-Ate.. Mas Gusto kopang manatili tayu sa kahirapan kesa makaahun lang tayu sa masamang bisyo, ate ayuko sa ganitong paraan. Hindi ito makatarungan" mahinang sabi ko at sabay na pinunasan ang luha ko. Napansin ko si Shakiva na nakatingin sakin na nasa pintuan. Tumakbo ako paakyat sa kwarto at don ko nilabas ang iyak at sakit na gusto ko nang pakawalan.
"Wala parin pinagkaiba. Niloko nila ako pareho.." Napasabi nalang ako sa sarili ko. Tumungo ako sa hihigaan ko at umupo don. Bakit ganito ang ginagawa nila sakin? Bakit Kailangan nilang magsinungaling sakin?
"Young Lady?" Napatingin ako sa kung sinong nagsalita. Si shakiva na sinasara ang pinto. Pinunasan ko ang luha ko at umakto na parang okay lang. Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko.
"Pasensyana young lady.. Kung narinig ko kayo ni Bossing" lumingun ako Kay Shakiva na nakatingin sakin.
Tumango-tango nalang ako at yumuko. Naramdaman Kong hinawakan niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.
"Parang ate mo na rin ako young lady, pwede moko pag sabihan ng mga Problema mo. Wag mong kimkimin na mag isa," sabi ni Shakiva sakin. Tumango ulit ako at inumpisahan mag kwento sakanya. Sinabi ko ang lahat-lahat.
"Naiintindihan kita young lady-- pasensyana hindi ako sanay na tawagin kitang Leanor." Nilingun ko si Shakiva at ngumiti ng pilit. Pero alam Kong napapansin niya na hindi totoo ang mga ngiti na pinapakita ko.
"Minsan kahit gaano ka talaga katibay at katatag. Iiyak at iiyak ka din talaga Pag di Mona kaya" biglang sabi ni shakiva. Napayuko ulit ako.
"T-tama ka shakiva.. Kahit anong pilit na magpakatatag ako hindi ko magagawa. H-hindi talaga ako makapaniwala na magagawa nila lahat ng iyon sakin" sagut ko. Ikinatulo na naman ng mga luha ko.
BINABASA MO ANG
THE DEMON BOYS IN SECTION K (kings)
ActionShe's a Princess Of Heart in The Demon Boys in Section Kings.. Parang Anghel na napadpad sa Empeyerno.. Babaeng Dahilan na nagpabago sa mga Demomon Boys sa Section Kings. Isang Prinsesa na May Sampung Prinsepeng Demonyo. Kilalanin natin ang nasa lik...