CHAPTER 95:
MINHOO'S POV
Kasalukuyan nasa room parin kami habang nakikinig nang explanation nang guro nakakaantok talaga kahit kailan yong Mathematics.
Napapahikab nalang ako at sumandal sa upuan ko, tinignan ko naman si Yvette na abala sa pakikinig ganon din si Panda, hindi ba sila na oomay? ako nga kahit isa walang maintindihan dahil si Lil minion ang iniisip ko,
"Naiintindihan niyo na ba?" Tanong nang guro samin nakikisabay nalang ako sumagot nang oo, psh.
After nang explanation meron na naman sumunod putcha feeling ko ang bigat nang mata ko!
"Mr Minhoo?" Napatingin naman ako kay maam. Pati mga kaklase ko nakatingin lahat sakin.
"Inaantok ka yata. alam mo bang bawal Yan sa klase" wika ni maam, wala akong ganang tumango.
"Hindi na mauulit" kahit labag sa kalooban kong sabihin iyon ginawa ko parin,
"Dismiss"
Lumabas na si ma'am kaya nakahinga na ako nang mabuti,
Tinignan ko naman ang cellphone ko kong may text ba galing kay lil minion pero wala.Binabalak korin tumakas mamaya para kumustahin ang kapatid ko, Sana okay lang siya.
"May naisip akong magandang Plano" napatingin kami kay Panda na inaayus ang kanyang salamin.
"Anong Plano?" Tanong ko.
"Alam natin kayang-kaya natin talonin ang isa sa mga five section"- Panda
"Kapag nangyari iyon, hihilingin natin ulit na ibalik ang section kings" dagdag ni Panda,
Lumiwanag naman ang mukha ko oo nga naman bakit hindi ko naisip agad iyon?
"Napaka talino mo talaga panda" natutuwang saad ko.
"Pero bago iyon, dapat may isa sa section nila ang kakampi saatin, para malaman natin kong ano talaga ang kahinaan nila" wika ulit ni Panda Habang nakatingin sa libro niya.
"Hindi basta-basta makikiisa ang isa sakanila sa kahit na sino dahil mas pipililiin pa nilang isakripisyo ang sarili nila kesa mag traidor" napatingin kami kay Yvette mukhang tama nga siya,
"Pero tandaan niyo Kailangan din natin mag ingat dahil hindi na sila katulad nang dati, lalo na ang section hagaters buhay na ang kinukuha" dagdag ni Yvette napatango-tango naman ako.
Napatingin nalang ako bigla sa kong sinong demonyo ang pumasok sa section Namin. Tumayo naman ako Habang nakatingin lang kay Yunosh nang diretso.
Ngumingisi naman siya na naglalakad papalapit sa diretsyun namin kasama ang mga lahi niyang Demonyo.
Nang makaharap kona si Yunosh tumayo naman ang mga kaklase ko maliban kay Yvette at Panda Ay nanatiling nakaupo na parang wala lang pakialam.
"Anong ginagawa mo dito?" Walang emotion na Tanong ko sakanya ngumisi naman siya ulit at nagsindi nang sigarilyu.
"Gusto ko lang kayo makitang magkakapatid" sagot niya at napatingin kay Yvette na nakaupo.
Ngumiti na naman siya at umupo sa tabi ni Yvette.
"Lumayo ka sa kapatid ko!" Inis na usal ko sakanya inangat niya Naman ang mukha niya sakin.
"Kakausapin ko lang saglit ang dating reyna ko" Nakangising sagot ni Yunosh ang lakas nang loob niyang tawagin 'reyna ko' si Yvette, kalmado lang ako at tinignan si Yvette na tumingin na kay Yunosh.
Si Yvette at Yunosh Ay may patagong pinagsamahan dati, nagtagal din sila nang taon at naging masaya sila sa isa't isa pero nasira ang mga iyon dahil sakin,
BINABASA MO ANG
THE DEMON BOYS IN SECTION K (kings)
ActionShe's a Princess Of Heart in The Demon Boys in Section Kings.. Parang Anghel na napadpad sa Empeyerno.. Babaeng Dahilan na nagpabago sa mga Demomon Boys sa Section Kings. Isang Prinsesa na May Sampung Prinsepeng Demonyo. Kilalanin natin ang nasa lik...