CHAPTER 97:
LEANOR'S POV
"Nandito na tayo" wika ni Ate.
Bumaba na kami ni Ate sa kotse napapa wow nalang ako sa nakikita ko sa paligid."WAAAAAAAHH! nakakamiss talaga ang lupa ate"
Masayang Sabi ko habang paikot-ikot sa kinakatayuan ko Ang bango nang simoy nang hangin dito, mapayapa at tahimik makakapag study ka talaga nang mabuti.
"PINSAAAANNNN!" may babaeng kaidad Lang ni ate ang sumigaw na tumatakbo papunta sa pwesto namin kasama ang ibang mga kalalakihan,
"Pinsan! Ikaw bayan? Ang angas Mona ah" Sabi nito Kay ate nang mapatingin sakin,
"Si Leanor ba Ito? Dalagang-dalaga kana ah" nakangiting sabi niya sakin at niyakap ako.
"Kamukha mo talaga Ang daddy mo Leanor" Sabi niya ulit sakin at kumawala nang yakap.
"Ako si Deydey Ang pinsan mo, siguro Hindi pa naikwento sayo ni Lilleaf na marami Kang kamaganak na pakalat-kalat sa mundo" Sabi niya at tumawa nang napakalakas. Wala talaga siyang pinagkaiba sa mga kaklase Kong mahakhak.
"Deydey nasan si Tita at Tito" nakangiting tanong ni Ate.
"Nasa loob, Tara" hinila ako ni Ate Deydey habang naglalakad kami sa daanan maraming napapatingin samin Kaya nahiya Naman ako.
"Ganyan talaga pag Hindi ka taga dito, magiging sikat ka na Lang" Napa ngiwi nalang ako sa sinabi ni Ate Deydey,
"Ate Dey, pinsan ba natin sila?" Tanong nang isang nakangiti na lalaki na kasabay din namin sa paglalakad sa totoo Lang ang aamo din nang mga mukha nila. Siguro mag kasing edad Lang kami.
"Siya Yong kinukwento ko sainyo, si Leanor at Lilleaf" sagot ni Ate dey.
"Aahh ganon ba ate dey, hello Ate Lilleaf at Leanor, ako pala si Xilyo sila Ang mga kapatid ko si Xixi, Xinjo at Xiyo , pasensyana mahilig Lang talaga Ang mama namin sa X" Sabi ni Xilyo at natawa, dahil sa dami nang X Hindi Kona matandaan ang mga pangalan nila.
"Masaya akong makilala ko Kayo" nakangiting sagot ko naman sakanila.
Ngumiti rin sila nang nakakaloka sakin.
Huminto kami sa simpleng bahay na may katabing malaki at mataas na puno, napapahanga nalang ako, parang gusto ko yata tumira dito ah. Hindi sa taas ng puno,
"Halikayo" Yaya ni Ate Deydey samin, pumasok kami sa loob nang bahay nila nakita namin na Hindi naman katandaan na babae at lalaki na nagluluto sila pareho. Nang Makita nila kami medyo nagulat pero napalitan din nang ngiti.
"Juskopo, kayo bayan" lumapit Ang babae samin at niyakap kami pareho ni Ate.
"Ang akala ko Hindi Kona kayo makikita," Sabi nito samin at kumawala ng yakap samin ni Ate.
"Yong huling beses kolang Kayo nakita ay mashado pa kayong mga Bata, ngayon Ang laki-laki niyo na" natutuwang aniya ng lalaki.
"Pasensyana sa abala Tita Zeani, bigla kaming pumunta dito, gusto lang kase namin magbakasyun dito.. at para makilala na rin kayo nang kapatid ko" pagdadahilan ni Ate, saka ngumiti.
"Nako, buti nalang naisipan niyong magbakasyun dito, subrang natutuwa kami na nandito kayo" sabi Naman nang lalaki at ngumiti samin.
"Salamat Tito Zeo namiss ko Ang biro niyo" Sabi ni ate, bigla Naman sila nag tawanan ganito pala sila ka close. Wala akong masabi dahil nahihiya ako at natutuwa rin.
"Masaya akong Makita ko Kayo at makilala Alam niyo po naalala ko si mama at Papa sainyo"
Hindi ko Alam Kong bat ko nasabi yon, pero Yun talaga Ang gusto Kong iparating sa sinabi ko. Ngumiti Naman sila pareho sakin.
BINABASA MO ANG
THE DEMON BOYS IN SECTION K (kings)
ActionShe's a Princess Of Heart in The Demon Boys in Section Kings.. Parang Anghel na napadpad sa Empeyerno.. Babaeng Dahilan na nagpabago sa mga Demomon Boys sa Section Kings. Isang Prinsesa na May Sampung Prinsepeng Demonyo. Kilalanin natin ang nasa lik...