CHAPTER 91:
3RD PERSON'S POV
"Ow.. Section kings"- Whitney
Humakbang naman si Whitney patungo sa Section kings Habang Malapad na nakangiti.
"Wala man bang Isang congratulations dyan kings?"-Whitney
"Nagawa na namin ang gusto niyo, ilabas mona Kong nasan si Prinsesa" matigas na sabi ni Ryker at masamang nakatingin Kay Whitney.
Ngumiti naman si Whitney at suminyas Kay Aezell na pinapahiwatig na ipalabas na si Leanor.
"So paano ito nang huling araw niyo dito sa shinwa, I wish na magiging masaya kayo sa ibang paaralan" nakangiting wika ni Whitney at bumalik Kay Demeon.
--
"Nasan si Leanor?" Madiin na Tanong ni Yvette Kay Aezell.
"Nakatali siya sa likod nang boys dorm baka sa ganitong oras pinagsasawaan na siya nang mga lalaki" natatawang sabi ni Aezell na akmang tututukan siya ni Yvette nang baril nang may tumutok sa likoran niya.
"Hindi pa dito mag tatapos. Tandaan moyan!" Seryusong usal ni Yvette at kumaripas na nang takbo patungo sa likod nang boys dorm. Sumunod naman si Shakiva.
Si Panda, Sylka at Qeecey pumasok na sa Loob nang War Section Gym at umakyat pareho sa taas nang ring.
"Tatum." Tawag ni Panda at yumakap Kay Tatum.
Tinignan naman ni Qeecey si Ryker na may pagaalala.
"Naiintindihan ko kayong lahat, ginawa niyo lang ang mga ito dahil mas pinili niyong maging ligtas si Leanor kesa sa sariling section niyo" sabi ni Qeecey at dahan dahan yumakap Kay Ryker.
Medyo nagulat din si Ryker sa ginawa ni Qeecey.
Napaiwas naman si Shiloh, Pearson, Fahad , Skye, Karter at Harden nang makita nilang may kayakapan ang dalawa.
"Sakit niyo sa Mata! Makaalis na nga!" Inis na sabi ni Skye at bumaba na.
Kumawala nang yakap si Qeecey at tinignan si Ryker na wala nang emotion.
"Gusto Kong makita si Prinsesa" usal ni Ryker.
"Nasa likod siya nang boys dorm pero wag na kayong mag alala nandun na si Yvette at Shakiva" Aniya ni Qeecey.
"Sasamahan na namin kayo sa clinic" aniya ni Sylka Pero umiling nalang si Ryker.
"Hindi na Kailangan"- Ryker
Sandaling tumingin si Ryker sa dean bago bumaba na sa taas nang ring.
-
Kasalukuyan nandito parin sila Vleen at Chet sa Henjo University.
Masamang masama parin ang titig ni Vleen kay Yunosh na tila ba'y parang aapoy na ang mga Mata ni Vleen sa subrang galit Ngunit pinipigilan niya lang ito dahil si Leanor ang iniisip niya.
"I-Welcome niyo naman kami Vleen, dahil pag babalik na nang king of warriors ng shinwa"
Usal ni Yunosh at tumayo na.Ngunit hindi kumibo si Vleen dahil sa hindi na mailugar ang galit nito Kay Yunosh.
"Pero wag kayong magalala magiging mabait ako sa ngayon. nabawi niyo na ang buhay ng Prinsesa niyo" nakangiting sabi ulit ni Yunosh at suminyas kay Denston na pinapahiwatig sakanya ni Yunosh na patulogin na ang dalawa.
Naglakad naman si Denston sa pwesto ni Vleen at Chet.
Nang makalapit huminto ito sa tapat nang dalawa at dahan-dahan binunut ang spray sa bulsa nang mabunot ito itinutok agad sa dalawa Pero mabilis naman nasipa ni Chet iyon mabilis rin sinalo ulit ni Denston ang spray at agad silang inisprihan nito.
BINABASA MO ANG
THE DEMON BOYS IN SECTION K (kings)
ActionShe's a Princess Of Heart in The Demon Boys in Section Kings.. Parang Anghel na napadpad sa Empeyerno.. Babaeng Dahilan na nagpabago sa mga Demomon Boys sa Section Kings. Isang Prinsesa na May Sampung Prinsepeng Demonyo. Kilalanin natin ang nasa lik...