CHAPTER 84
3RD PERSON'S POV
"Kuya nakalimang beses na kitang naapakan ng takong ko, sabi ng hindi ako marunong sumayaw e"
Wika ni Leanor Habang sinasayaw parin siya ni Minhoo kahit puro kamalian naman ang step niya.
"Masasanay Karin Lil minion," sabi ni Minhoo Pero huminto si Leanor sa pag sasayaw.
"Kuya inom Mona tayu, nakakauhaw sumayaw" sabi ni Leanor natawa naman si Minhoo.
"Stay here, kukuha nalang ako ng maiinomin mo"
Agad naman umalis si Minhoo kaya naghintay nalang si Leanor Habang nakatingala ito sa kalangitan.
Kasalukuyan may gwapong nilalang na naglalakad papalapit sakanya.
Huminto ang naka maskara na lalaki sa likoran ni Leanor.
"Can you dance with me?"
Napalingun si Leanor sa familiar na boses na nagsalita ng gagaling sa likoran niya.
Hindi niya ito makikilala dahil sa suot na maskara. Matagal tagal niya itong tinignan at pinipilit na kilalanin ang mukha, napatingin nalang si Leanor sa mga Mata ng lalaki,
Iniisip nang lalaking nakamaskara na Sana wag siyang makilala ni Leanor.
"A-a-ah.. Sige"
Sagot nalang ni Leanor ngumiti naman ang lalaking nakamaskara at sabay na nilahad ang kamay niya Kay Leanor,
"Sa totoo niyang hindi ako marunong sumayaw e" nahihiyang wika ni Leanor ngumiti ulit ang lalaki at kinuha ang isang kamay ni Leanor at nilagay sa balikat niya, kinuha niya ang isa pang kamay ni Leanor at hinawakan saka niya pinuwesto ang kamay niya sa bewang ni Leanor at inumpisahan isayaw.
"Ipikit mo ang mga mata mo at sabayan ang bawat pag galaw ko"
Sabi ng lalaking kasayawan niya.
Napatingin muli si Leanor sakanya dahil sa matamis na boses nitong lalaki.
"S-Susubukan ko"
Kinakabahan na wika ni Leanor at sinubukan ipikit ang kanyang mga mata.Napahinto naman si Minhoo ng makita niyang nakapikit si Leanor at sinasayaw ng lalaki agad naman nakilala ni Minhoo Yong lalaki Pero hindi niya nalang ito ininda kundi ang naupo nalang at pinanood ang dalawa.
Nakatingin lang ang lalaki sa maamong mukha ni Leanor Habang si Leanor ay nakangiti at sinasabayan ang bawat galaw ng lalaki, hanggang sa hindi na nagkakamali si Leanor at hindi na nakakatapak ng paa.
"Anong nararamdaman mo?" Tanong sakanya ng lalaki.
"Nararamdaman ko ang pag ibig sa paligid"
Sagot ni Leanor Habang nakangiti at nanatiling nakapikit.Hinigpitan ng lalaki ang pagkahawak niya sa kamay ni Leanor at ramdam din iyon ni Leanor.
"Maingay nga sa paligid Pero.. Ramdam na ramdam ko ang tunay na pag ibig"
Dagdag na Sabi ni Leanor, alam niya sa sarili niya Kong gaano siya kasaya ngayon at walang ibang nararamdaman kundi ang kalayaan.
Pero may mga bagay siyang gustong sabihin sa ganitong oras pinipigilan nga lang.
Ngumiti ng Malapad si Leanor Habang nakapikit parin.
"Sana.. Sa mga oras na ito makikilala kona ang prince charming ko"
Hindi sinasadyang nasabi ni Leanor Habang nakapikit parin."Nasa paligid mo lang ang hinihingi mo"
Sagot ng lalaki ikinataka naman ni Leanor.
"Wag mong susubukan idilat ang mga Mata mo, pakiramdaman mo mona ang nararamdaman ko" lalong nagtaka si Leanor sa mga sinasabi ng lalaki sakanya. Lalong-lalo na ang familiar na boses ito sakanya.
BINABASA MO ANG
THE DEMON BOYS IN SECTION K (kings)
ActionShe's a Princess Of Heart in The Demon Boys in Section Kings.. Parang Anghel na napadpad sa Empeyerno.. Babaeng Dahilan na nagpabago sa mga Demomon Boys sa Section Kings. Isang Prinsesa na May Sampung Prinsepeng Demonyo. Kilalanin natin ang nasa lik...