December 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in loving family. She's bubbly and joyful-bagay na gusto sa kaniya ng mga tao. She can befriend anyone and that makes her special kasi iyon lang talaga ang kaya niyang ibigay. Hindi siya handa sa isang relasyon. Kung pwede nga naman magkacrush lang-na kilig din naman ang dala-bakit kailangan pa magboyfriend? O kaya, pwede rin namang mainlove sa best friend! Her life was full of twists. Sa pamilya, sa lovelife, at sa sarili mismo niya. Sa kagustuhan niyang maging makulay ang buhay, talagang binuhusan niya ng rainbow ang bawat aspeto nito. Favorite niya ang yellow kasi mukha siyang malaya kahit na ayaw niya sa araw dahil nakakapaso ang init nito. Pero paano kung ang araw na kinaayawan niya ay siya palang magbibigay ng lahat ng kulay-hindi lang dilaw-na gusto niya sa buhay? Kailangan lang niya talaga maghintay dahil tuwing maulap, nawawala ang araw-natatakpan. Matitiis niya pa kayang magtago sa lilim ng kaniyang pagtingin? O tanggapin na ang init ng araw kapag wala nang ulap? A rainbow-filled sixth-told story of the people of Nouvaunde. Alfanta Series is all about love, friendship, family-life and everything in between. Alfanta Series 6, Tilted Rays of Sunshine -agnified