CHAPTER 48

1K 76 35
                                    

[Gheoharra's Pov]

Lumipas ang araw at ngayon na ang graduation day namin, napakabilis ng panahon, magka-college na ako sa susunod grabe.

"I am so proud of you anak," bati ni mommy sa akin.

"Salamat mom, akala ko may paamba ka na naman ng suntok" 'ka ko.

"Sino nagsabing wala? Congratulation!" Bati niya at sinuntok ako sa braso, napaghandaan ko kaya naman nagawa kong patigasin ang braso ko.

"Thanks mom," pagpapasalamat ko ulit.

"Congrats baby," bati ni Kuya Harry.

"Congratulations sweetheart," bati ni kuya Henry.

Umuwi pa talaga sila ng Pilipinas para sa graduation ko.

"Congratulations my Princess," bati naman ni Daddy at yumakap.

"Thank po sa inyo," sabi ko sa kanila.

"Oh sige na! Sige na! Tara na!"

"This will be a celebration later," sabi naman ng asawa ni Kuya Henry at yumakap sa akin bilang pagbati kaya gumanti din ako ng yakap.

Nagkayayaan na kaming pumunta sa school, ginamit na namin ang family van.

Pagkarating na pagkarating namin ay sinalubong ako ni Leighton sa may bungad ng Amphitheater.

He smiled at us.

"Congratulations hijo," sabay na bati ni mommy at daddy.

"Congrats bro, nice to see you again," Kuya Harry.

"Congrats Leighton, nice to finally meet you," Kuya Henry at nakipagkamay sila sa kaniya.

"Thank you so much po tito, tita, kuya Harry and kuya Henry," sabi niya.

Ngumiti naman sila sa kaniya.

"Sige po, mauna na kami doon ni Leighton," sabi ko sa pamilya ko, nagsitango naman sila.

Nakaalalay naman si Leighton sa akin habang naglalakad kami papunta sa pinakaharap, dahil doon ang pwesto namin.

"Ang ganda mo baby?" He whispher nang makaupo kami.

"Hindi na bago 'yon, ako pa ba?" he chuckled and pinched my nose.

Ilang sandali lang din ay nagsidatingan na ang iba, patakbo pang sumalubong sina Ajey at Jonah, si Gelina ay pormal na pormal at niyakap pa ang kapatid niya.

Ganoon din sa iba at si Praia, yes! Sa huli nagkaayos ayos din kami, magsisimula man sa bangayan mauuwi din sa pagkakaibigan.

Halos kami kaming magkakaibigan din ang nasa Top.

Ako, si Leighton, Kian, Jonah, Ank, Ajey, Gelina,Ford, Wildayne and Praia. Iyan ang pagkakasunod sunod namin.

"Ang bilis ng panahon! Kailan lang noong basagulera lang ito ngayon Salutatorian na," sabi ni Ank habang nakatingin sa akin.

"Buti at natauhan at ginamit ang tinatagong yaman," naging ako ang sentro ng asaran, but I'm happy na medyo may paghihinayang, kung sana noon palang nagpursige ako 'di ba?

Sobrang unexpected din kasi ako ang naging Top.

"Oo nga, akalain niyo 'yon, nag-eenjoy lang tayo sa panonood at paninita sa mga pinaggagagawa ninyo tapos heto, gosh! Iiwan na natin ang school" sabat ni Ajey.

HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon