[Gheoharra's Pov]
I hate that scenario! I hate seeing the gentleness and concerns in his eyes!
I hate, I hate! I hate seeing them hugging!
At dahil hindi ko kinaya kanina ay umalis ako, heto ako padabog akong naglalakad habang marahas na pinupunasan ang aking luha.
Dumeretso ako sa hagdan papunta sa Cooking Lab na siyang klase namin ngayon.
Saktong narito na din ang ilan, kumuha ako ng apron, hairnet, at mask, hindi ko sinuot, kinuha ko lang at pumasok sa mga cubicle na lutuan.
Malaki ang lab kaya may mga dibisyon ito sa bawat cubicle para sa lutuan na nagkakasya ang tatlong tao doon at nakakagalaw ng malaya.
May iilan na ding nandito at paparating ang iba.
"Hey," tawag ni Kian sa akin habang dala ang apron, hair net at mask, at nakangiti pa.
"Are you okay?" masama ko siyang tinignan, "baka gusto mong ikaw ang gayatin ko!"
"Bakit mo sila iniwan?" sa tono ko ay mayroon pa ring inis.
"Para sundan ka, nag-aalala ako sa 'yo," kita ko nga ang pag-aalala nito.
"I'm fine!" umirap pa ako niyan dahil naiirita ako.
"You're not" sabi niya, " e 'di ikaw na ako,"
Pero kasabay no'n ang pagdaloy ng luha ko sa aking pisngi.
He wiped my tears away, binalingan ko naman ang mga kagamitan at kinuha ang kutsilyo pero agad ding kinuha ni Kian iyon.
"Not this one," he eyed me with full of accusations, akala siguro niya may gagawin akong masama.
"Wala akong balak gawin," anas ko pero hindi niya talaga ibinigay ang kutsilyo..
"Good afternoon, everyone, your task for today is already given, pakitignan nalang 'yang mga photo copies niyo," sabi mi Miss Cookie.
"Onion Ring," basa ni Kian.
Nakagat ko ang labi ko dahil nasasaktan pa rin ako kasabay ng pagtulo ng luha ko at pagpipigil na makalikha ng ingay.
"Maghiwa ka ng sibuyas para may dahilan 'yang pagluha mo," sabi niya sa akin.
Walang angal na kinuha ko ang kutsilyo at sinimulang magbalat sa sibuyas at maghiwa.
Pinrepare naman niya ang kailangan.
Patuloy lang ako sa paghiwa ng sibuyas then 20 minutes later Leighton came and sa cubicle pa namin talaga siya dumeretso.
"Anong maitutulong ko?" He asked, hindi ako lumingon sa kaniya.
Sinabi naman ni Kian ang gagawin.
"Ang dami naman ata niyan, Gheo" sabi niya.
Napalingon ako sa kaniya, nakita ko ang gulat niya.
"Why are you crying!" maahina lang ang pagkakasabi niya pero may diin.
"Kung sino mang hindi iiyak sa paggagayat ng sibuyas papasalubungan ko ng isang truck na sibuyas," 'ka ko, Kian laughed pero hindi si Leighton.
"Ako na diyan," prisinta niya.
"Okay," sabi ko, and excuse myself out.
BINABASA MO ANG
HIM AND HER MISCHIEF [SERIES #1][COMPLETED]✓
Teen FictionBOOK 1 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Romance Comedy, Teen Fiction, School Gheoharra Ava Medina, kababaeng tao, top bully ng school, she's a trouble maker always up to no good at school and home, even getting the cops involved but not all...